Chance.

76 3 2
                                    


Chapter 13 - Chance.

  ✖️Sathrina's POV✖️ 

"Na-miss mo ko 'no?"

Inirapan ko sya, "Kapallll!"

"Asus, kunwari ka pa. Seryoso nga? Hindi mo man lang ba na-miss yung bestfriend mo?"

Bestfriend. Yes, Sathrina! Bestfriend. Ano bang iniisip mo ha?

Kaunti akong lumayo sa kanya tsaka nagkunwaring nagwi-window shopping. "Hindi nga kita na-miss."

"Alam mo yung pwedeng makisakay na lang? Nakakasakit ka na ng feelings, Sath ha." hinigit ako nito at bigla nag-sad face tsaka pinikit-pikit yung mata nya na para bang nagbi-beutiful eyes.

Agad ko syang sinapak tsaka tumawa at nagpatuloy sa paglalakad. Napadaing ako ng dambahin ako nito tsaka pinulupot ang kamay sa braso ko.

"Ihhhh! Sabihin mo na kasing na-miss mo kooo!" pabebeng sabi nito.

"Cjhay, mukha kang baliw ha! Bitaw na nga!"

"Ihhh!"

Napa-iling at napatawa na lang ako sa kalokohan nya, hinayaan ko na lang syang yumakap sa braso ko.

"Ay wait, bibili akong waffle, Sath. Gusto mo?"

"Sige, chocolate ha? Salamattt."

Umupo ako at hinintay syang matapos bumili. Napatingin ako sa dako ni Cjhay habang umo-order sya, pati na din kay ateng nagtitinda. Halata mo na naga-gwapuhan ito sa paninitig nya. Ni pati ang mga naglalakad ay halos mabali ang leeg sa paglingon sa kanya. Sya kasi yung tipo na lalaki na lilingunin mo kase ang gwapo.

Ni ako naman hindi maitatanggi ang kagwapuhan nya. Hindi naman ako manhid e. Alam at ramdam ko na gusto nya ko. Sa kilos at pagtrato nya pa lang sakin ay halata na.

Hindi ko lang talaga maintindihan yung sarili ko. Ano pa ba kase ang hahanapin mo sa isang lalaking katulad nya? Nasa kanya na ata lahat. Yung lalaking handang magmahal kahit walang kasiguraduhan sa taong mahal nya. Handang mag-intay basta mahalin mo lang sya. Bukod sa pisikal na kagwapuhang meron sya, ano pa bang hahanapin mo diba?

Napangalumbaba na lang ako at napatitig sa kawalan tsaka marahang hinawakan ang kwintas ko.

Kwintas na may nakasabit na singsing.

Hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung kanino 'to galing. Pero, I feel like sobrang importante nito. Na parte sya ng nakaraan ko.

"Here, Ma'am. Enjoy."

Nagising ako sa kawalan ng iabot sakin ni Cjhay ang waffle na favorite ko. Napatingin ako sa kanya at nakita ang malaking ngiti nya.

"Salamat."

Unang kagat ko pa lang ay napapikit ako. Ngayon ko na lang ulit 'to natikman, sobrang sarap pa din.

"Hinay-hinay mabilaukan ka ha." narinig kong tawa ni Cjhay.

Pagmulat ko ay mukha agad ni Cjhay ang nakita ko, naka-ngiti ito at marahang nakatitig sakin.

"Sath.."

"Hmm?"

Napa-iling ito at tumawa. Napakunot ang noo ko, ano daw? May dumi ba ko sa mukha? Agad kong pinunasan ang dalawang gilid ng labi ko tsaka pinagpag ang pisngi ko.

"May dumi--"

"Wala. Natawa lang ako, kase.."

"Kase?"

Biglang sumeryoso ang mukha nito at pumangalumbaba tsaka nilapit anng mukha sa akin. "Cjhay.."

"Ang ganda mo."

Ikaw Pa Rin (Darren Espanto Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon