Kapag nagmamahal ka,
Gagawin mo ang lahat, diba?
Kahit na mahirap,
Basta't para sa kanya gagawin ang lahat.
Alam kong nagpapakatanga ako,
Paano eh, nahulog ako sa'yo.
Sayang nga lang,
Sa maling tao tinamaan.
Kahit na nasasaktan,
Kahit na ang pag-ibig mo ay hindi makatotohanan,
Kahit na ako'y madali mong makalimutan,
Nandito pa rin ako,
Naghihintay na mahalin mo.
Kahit na abutin ako ng isang taon,
Kahit na maghihintay ako hanggang maging araw ang buwan,
Hindi ako mapapagod na maghintay sayo,
Kahit na maliit ang tyantsa na mahalin mo.
Wala akong pakialam kung nagpapakamartyr ako,
Ito naman ang ginagawa mo,
Yun nga lang sa ibang tao.
Bakit hindi nalang ako?
Bakit hindi nalang ako ang mahalin mo?
Dahil ba hindi ako maganda katulad niya?
Pero mabibigay ko naman ang pag-ibig na hinihingi mo sa kanya.
Hindi ba pwede na ako na lang?
Pangako ko sayo, hindi mo pagsisihan.
Ibibigay ko ang pagmamahal na hinihingi mo.
Gagawin ko ang lahat maging masaya ka lang sa piling ko.
Kaya pwede bang ako nalang?
Ako nalang ang mahalin mo.
Ako nalang ang magiging buhay mo.
Ako nalang ang magiging mundo mo.
Sana ako na lang.
BINABASA MO ANG
Mga Tula't Pag-amin
PoetryHanda ka bang marinig sa mga salitang hindi ko maamin-amin?