Ngiti at Hikbi

2 0 0
                                    

Tayo ay Nagsimula sa mga ngiti
Ngunit nauwi sa mga hikbi
Ito ang mangyayari
Kapag maling tao ang iyong napili.

Nagsimula tayo sa ngiti.

Sa mga Ngiti mong nakaka-akit.
Nakakapanglumay, nakakawala ng galit.
Ang mga paru-paru ko ay tila umaawit,
Dahil sa isang magandang lalaking papalapit.

Hi, sabi ng binaltilyo.
Agad bumilis ang tibok ng puso
Di ko maunawaan, bakit nagkakaganito
Di ko namamalayan, nahuhulog na pala ako.

Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto,
Sa iyong mapupungay na mga mata
Tila perpektong hulma ng mukha
Sa matangos na ilong at labi mong mapupula.

Nabihag mo ang mahinang puso,
Kaya heto ako, nagpapakatanga sayo.
Napa-ibig sa isang binatilyo,
Ako'y nahulog sa patibong mo.

Tayo'y naging magkaibigan,
Sa chat, lumalalim ang pinag-uusapan,
Tumagal ang pagsasamahan,
Gusto mong ihigit pa sa pagkakaibigan.
P
Ako'y nabigla, Di agad ako naniwala,
Baka kasi pinagloloko niyo lang akong magbarkada.
Kaya pinatuyan mo na ika'y seryoso,
Na ako'y gusto higit pa sa kaibigan mo.

Matatamis na mga salita, 
Ang bumungad pagdilat ng mga mata.
Rosas, tsokolate, at mga tula
Iyong inialay para ako'y mapasaya.

Kaya di lumaon, pumayag ako
Na maging higit pa sa kaibigan tayo.
Hindi makapaniwala na nangyayari ito,
Masyado kasi maganda para magkatotoo.

Di naman ako nananaginip diba?
Wala itong bahid na pantasya
Tila nasa isang romantikong nobela
At ako ang bida ng ating istorya
Ngunit bawat nobela ay may problema

Lumipas ang isa, dalawa, tatlong taon.
Huminto tayo sa paglalakad at ako'y nagkwestiyon
Bakit naging ganito ang ating situwasyon?
Tila nabahiran na ang pagmamahalan ng lason

Nawawala na ang tamis ng tsokolate
Nawawala na ang emosyon, di tulad ng dati.
Nawawala na ang tamis at napapalitan na ng pait
Pero higit sa lahat, ang nawawala narin ang pag-ibig.

Kaya Kung gaano kasaya ang ating mga alaala
ay siya ring sakit ng ikay mawala
Ang mga ngiting naramdaman sa unang pagkikita
Ay napalitan ng hikbi sa wakas ng ating istorya.

Mga Tula't Pag-aminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon