Pag-ibig

5 0 0
                                    

Pag-ibig.

Pitong letra, isang salita,

May iba't ibang kahulugan

Pero iisa parin ang pagkakakilanlan.

May iba't ibang klase ng pag-ibig.

Isang pag-ibig na ayaw maranasan,

Pag-ibig na hinihintay na masuklian,

Pag-ibig na gustong wakasan,

Pag-ibig na walang kasiguraduhan,

Pag-ibig na nagbibigay sayo ng kasiyahan,

At pag-ibig na sasaktan ka lang.

Pero paano nga ba naimbento yan?

Ang salitang hindi alam kung saan ang pinanggalingan,

Kung bakit ito ay ating nararamdaman,

Na kung saan may mga tao na nagpapakatanga dahil sa iisang dahilan.

Dahil sa pag-ibig.

Isa yan sa mga problemang ayaw natin maranasan.

Problemang minsan ating pinapabayaan,

Pero sa huli, mas poproblemahin mo lang.

Yan ang pag-ibig.

Pitong letra, isang salita,

May iba'ibang kahulugan

Pero iisa parin ang pagkakakilanlan.

Mga Tula't Pag-aminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon