KABANATA 2

57 2 0
                                    

Actions speaks louder than words.

Dalawang linggo na ang nakakaraan simula nang maging private nurse ni Inah si Freed. Kinausap na rin niya ang Mommy niya na paalisin 'to dahil wala naman siyang sakit at isa pa ay magaling na ang sugat niya sa kamay niya. Ngunit hindi pumayag ang Mommy niya sa kagustuhan niya, ayon dito ay mas mabuting naroroon si Freed para may magbantay sa kanya.

Matagal ng patay ang Daddy ni Inah at wala rin siyang kapatid kaya naman wala siyang nakakasama sa bahay bukod sa Mommy niya. Masyado namang busy ang Mommy niya sa business nila kaya hindi siya masyadong maasikaso nito. Kaya thankful siya at pumayag si Freed na alagaan si Inah.

Doon na rin pinatira ng Mommy ni Inah si Freed dahil malayo ang bahay nito sa kanila. Kaya itong si Inah ay halos gawin na ang lahat para mapaalis ito, pero sadyang may pagka-persistent ang lalaki kaya naman hindi niya magawang paalisin ito.

Hindi lang dahil sa ayaw niya kay Freed at sa ideyang alagaan siya nito pero ang ayaw niya ang pagkamakulit nito. Hindi niya kasi maiwasang hindi maala-ala si Luis sa ugaling meron ito.

Busy ngayon sa pagluluto si Inah, nag leave kasi ang katulong nila at may naisip din siyang plano para mabwisit si Freed at lumayas na sa bahay nila. Ipaghahanda niya ito ng spicy adobo. Alam kasi niyang hindi kumakain ng maanghang si Freed, kung anong dahilan? Hindi niya alam, basta 'yun ang naoobserve niya kapag nagkakasabay silang kumaing tatlo. Hindi lang basta spicy ito, sobrang spicy na halos ibuhos nito ang isang garapon ng chili powder.

Pagkatapos niyang magluto ay masaya siyang naghain ng pagkain. Nakita naman niyang bumaba si Freed galing sa kwarto nito sa itaas.

"Freed, pinagluto kita ng breakfast." sigaw niya na rito na sapat lang ang lakas para manirig siya nito. Halos mapunit na ang pisngi niya sa malaking ngisi na ibinungad niya rito.

Nakangiti naman siyang pinuntahan ng lalaki. Parang may kung anong tumalon sa dibdib niya nang makita niya ang magandang ngiti nito. Doon niya napansin na may malalim pa lang dimples ito sa kaliwang pisngi na mas lalong nakapagpakabog ng dibdib niya.

"Wow, adobo! Favorite ko 'to."masayang turan ni Freed. Sinalat na muna siya nito sa noo at sa leeg na para bang tsinetsek kung may lagnat ito.

"Ano ka ba, wala akong lagnat. Narealize ko lang na I don't have to be rude to you. Kaya ito ang peace offering ko." sabi nito at pinungayn niya ng mga mata si Freed.

"Okay, thanks." susubo pa lang si Freed nang huminto ito. "Hindi ka ba kakain? Tititigan mo lang ako?" natatawang sabi nito.

Talagang wala siyang balak kumain. Sa totoo lang, wala rin siyang hilig sa maanghang.

"Ako ang nagluto niyan kaya busog na ako sa pagtikim." pagsisinungaling nito habang hindi pa rin maalis ang ngiti nito sa mga labi.

Halos napapanganga na lamang siya habang akmang isusubo ni Freed ang pagkain pero tumigil ito at nagsalita.

"Nga pala, okay na ba ang pakiramdam mo?" sabi nito.

Kulang na lang ay siya na ang magsubo ng kutsara sa binata dahil sa napakaraming pasikot-sikot nito. Naiinip na siya, gusto na niyang makitang namumula ito sa anghang.

"Oo, okay na ako. Kainin mo na 'yan. Lalamig pa oh." sabi nito habang inilalapit pa niya ang ulam sa binata. "Pupunta muna pala ako sa kwarto ko ha? Kapag bumaba si Mommy pakisabi natulog ulit ako." dagdag nito at tumayo na.

Siyempre, kahit na gusto niyang makita ng harapan ang magiging reaksyon nito ay minabuti na lang niyang huwag nang makita ito. Baka kung ano pang gawin sa kanya nito.

Pagkarating niya sa kwarto niya ay halos magpagulong-gulong siya sa tuwa. Makakaganti na rin siya at paniguradong aalis na ito dahil sa kapilyahan niya.

Pero hindi naman maalis ang itsura ng mukha nito sa isip niya lalo na kapag ito ay ngumingiti. Napapailing na lamang siya kapag naiisip niya si Freed. Hindi siya pwedeng magmahal ng iba dahil si Luis lang ang lalaking una at huli niyang mamahalin.

"Diyos ko! Freed!" rinig niyang bulalas ng Mommy niya mula sa baba.Hindi niya ito pinansin at ipinikit ang mga mata niya. Napatayo naman siya nang marinig niyang umandar ang kotse ng Mommy niya. At nang sumilip siya sa bintana ay nakita niyang inaalalayan ng driver si Freed.

May kung anong kaba ang naramdaman niya lalo na ng biglang pumasok ang Mommy niya sa kwarto niya. "I'm going to hospital, We will talk later!" mariing sabi ng Mommy nito sa kanya at umalis na agad.

Why is she freaking out? Hindi naman siguro ikamamatay 'yun ng lalaking 'yun! sa isip-isip niya. Ngunit iba ang takbo ng puso niya ,para bang may takot siya naramdaman.

Parang gusto niyang tumakbo at sumunod sa hospital pero hindi niya kayang gawin. She need to stood up for what she did and what she planned, ang mapaalis na si Freed sa bahay nila.

Hindi naman siya mapakali dahil sa alas-nuebe na ng gabi ay wala pa ang Mommy niya at si Freed. Hetong tumayo siya at maupo sa sala. Hindi rin siya makatulog kahit ipikit pa niya ang mga mata niya.

May ligaya namang umusbong sa kanya nang marinig nita ang tunog ng kotse ng Mommy niya. Agad-agad siyang umunta sa pintuan upang salubungin ang mga ito.

Nang makita niya ang itsura ni Freed ay parang may awa at lungkot siyang naramdaman para rito. Namumula ang balat nito at halos mapuno na ito ng mga malalaking pantal sa braso at sa mukha.  Hindi siya pinansin nito  nang madaanan siya at dumiretso lang ito sa taas. Parang may kung anong tumusok sa puso niya nang hindi man lang siya tinapunan ng tingin nito. Susundan niya sana ito ngunit pinigilan siya ng Mommy niya.

"We need to talk Inah." seryosong turan nito.

Noong una ay akala ni Freed na okay na kay Inah na nandirito siya sa bahay dahil ipinagluto siya nito. May kung anong saya ang umusbong sa damdamin niya nang makita niya itong nakangiti kaninang umaga.

Hindi niya inakala na kasama iyon sa plano ni Inah na pakainin siya nito ng maanghang na pagkain. May allergy siya sa mga pagkaing maaanghang simula pa noong bata siya kaya hanggat maaari ay iniiwasan niya ang pagkain nito dahil ayon sa doktor ay hindi basta-basta allergy lang ito.

Pinagmasdan niya ang itsura niya sa human-sized mirror at sinipat niya ang mga malalaking pantal sa katawan niya. Buti na lang at nadala agad siya sa hospital kung hindi ay baka puro sugat na ang katawan niya sa sobrang kati ng mga ito.

Siguro nga ay dapat na siyang umalis dito at ituloy na ang pag-iibang bansa niya. Tingin niya ay hindi na talaga niya makakasundo pa ang dalaga ngunit may parte sa puso niya na kumokontra sa naiisip niya. Hindi maaaring may nararamdaman na siya rito dahil iilang linggo pa lang siya naririto at walang ginawa ang dalaga kundi ang sungitan siya.

Nahiga siya sa kama at ipinikit niya ang mga mata niya. Narinig naman niya ang dahan-dahang pagbukas ng pinto ngunit hindi niya nilingon ito at nanatili lang siyang nakapikit.

Naramdaman niyang may umupo sa gilid ng kama niya at naamoy niya ang kakaibang bango. Hindi siya maaaring magkamali, pabango iyon ni Inah. Ngunit bakit naman siya naroroon?

"Freed, tulog ka na ba?" mahinang tanong nito.

Hindi idinilat ni Freed ang mga mata niya at nagpatuloy lang sa pagpapanggap na tulog na siya. Naramdaman niya ang maligamgam at basang tela na dumampi sa mga braso niya.

Dumilat siya ng kaunti na sapat lang upang masilip niya ang ginagawa ni Inah. Nakita niyang pinupunasan siya nito sa braso. Bigla naman siyang pumikit nang pupunasan na nito ang mukha niya.

"Sabi ni Mommy makakabuti raw ito upang mawala ang mga pantal sa  katawan mo." turan nito.

May kung anong saya naman ang naramdaman niya nang marinig niya iyon. Hindi siya nagkamali sa iniisip niya na mabuti ang puso ni Inah. Siguro bukas ay magiging okay na sila. Sa sobrang ginhawang idinudulot ng ginagawa ng dalaga ay hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.

**

Until I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon