KABANATA 1

61 3 0
                                    

One day, someone will enter your life and made you realizes everything.

Lahat ng mga magagandang plano ni Freed ay naglahong bigla. Hindi niya akalain na ang babaeng mahal niya ay hindi sisipot sa araw ng kasal nila.

Everything has gone. Sobra siyang na-upset sa mga nangyari. Ayon sa sulat na iniwan ni Kaye ay hindi pa raw ito handang magpakasal. Isa itong sikat na modelo at si Freed naman ay isang registered nurse. Malapit na sana siyang umalis ng bansa ngunit mas inuna niya ang planong pagpapakasal kay Kaye ngunit, kabaligtaran ito sa ginawa ng nobya niya, she chose her career over him.

Sobrang sakit nito para sa kanya. Maaari pa rin naman itong mag modelo kahit na kasal na sila ngunit wala siyang nagawa kundi tanggapin na mas mahal ni Kaye ang career nito kaysa sa kanya. Nag-resign din siya sa hospital na pinagtatrabahuhan niya dahil nga sa ikakasal na siya.

Lahat ay isinakripisyo niya para lang kay Kaye, ang nobya niya ng higit na apat na taon.

"Welcome back bro!" bungad sa kanya ni Kian, isa ring nurse sa Angel's Hospital. Ito ang kabarkada niya sa hospital at halos kapatid na ang turingan nilang dalawa.

Pinagpasyahan niyang bumalik uli sa pagtatrabaho matapos ang dalawang buwan pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Kaye. Narealize niya na hindi dapat huminto ang buhay niya dahil sa pag-alis ng nobya niya. He needs to live, he needs to be strong and he needs to move forward.

"Thanks bro! Kamusta rito?" tugon niya habang sinusuyod niya ang buong paligid. Wala namang nabago roon simula ng umalis siya rito five months ago.

Sa totoo lang ay namiss niya ang magtrabaho at ang mga katrabaho niya rito. Tatlong buwan kasi siyang nagpahinga dahil sa pag aasikaso ng kasal nila ni Kaye at dalawang buwan naman ang iginugol niya upang makalimot sa pangyayari.

"Still the same, nga pala pwede samahan mo muna ako bro? Wala pa naman si dok eh," pag-aaya nito.

Hindi naman siya nag dalawang-isip na sumama rito. Nang makarating sila sa isang kwarto kung saan naka-asssign si Kian ay naunang pumasok ito at sinundan niya ito.

"Bakit ba ako nandirito? Bakit hindi 'nyo pa ako hinyaang mama-" galit na sabi ng babaeng nakahiga sa kama.

Isang malakas na sampal ang ibinigay ng isang may edad na babae sa pasyente. Ito ang mga pangyayaring bumungad sa kanila ni Kian.  Agad namang inawat ni Kian ang babaeng iyon. Marahil ay ito ang ina ng pasyente.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi na siya babalik? Hindi mo kailangang gawin 'to anak. Nandito pa kami, may nagmamahal pa sa'yo." naiiyak na tugon ng ina ng pasyente.

Tinignan niya ang babaeng nakahiga sa kama at hawak-hawak ang pisngi nito. May benda ito sa may kamay, malapit sa pulso. Kung hindi siya nagkakamali ay, nagsubok ito na magpakamatay.

"Ma'am tama na po... Iwan na po muna natin siya." mungkahi ni Kian. Tinignan na lamang ng pasyente ang ina nito bago ito lumabas sa kwarto.

Lumabas si Kian at ang ina ng pasyente at si Freed ay naiwang nakatayo roon. Hindi niya maiwasang hindi maawa sa lagay ng babae. Parang may bahagi sa puso niya na gusto niyang alagaan ito. Kita niya sa mga mata nito ang labis na lungkot at pagdadalamhati. Ganoon ba kalaki ang problema nito at nagawa niyang maglaslas?

"O ikaw, hindi ko kailangan ng awa mo! Lumabas ka na!" baling nito sa kanya.

Halata ba sa mukha niya ang pagkaawa rito? Ngunit alam niyang wala siya sa lugar para pakialaman ito.

"Miss, alam kong wala ako sa lugar para sabihin ang mga bagay na ito pero gusto kong makatulong. Kung anomang problema ang mayroon ka ay hindi pagpapakamatay ang solusyon. Mas masarap ang mabuhay na naipakita mo kung gaano ka katatag. Mas masarap huminga kapag nagawa mong lampasan ang mga mabibigat na problema. Tandaan mo miss, hindi ibibigay ng panginoon ang mabigat na dinadala mo kung hindi mo ito kaya." masuyong sabi niya rito at tinungo ang pinto.

"At isa pa Miss, tingin ko mas bagay sa'yo ang nakangiti." dagdag pa nito at tuluyan ng lumabas.

Parang may kung anong kabog sa dibdib ang naramdaman ni Inah nang makita niya ang lalaking kasama ng nurse na nag-aalaga sa kanya. Bago siguro ito, kahit na galit siya ay hindi nakaligtas ang magandang itsura nito sa paningin niya.

Maputi ito at matangkad. Maganda rin ang built ng katawan nito, matangos ang ilong at may makakapal na kilay na bumagay naman sa magagandang mata nito.

Napansin din niya ang pag-kaawa sa mga mata nito. Pakiramdam niya ay gusto siyang yakapin nito at pagaanin ang kalooban niya. Ngunit bago pa siya tuluyang mahipnotismo ng mga magagandang mata nito ay sinungitan na niya ito.

Halos mawalan siya ng dila sa mga sinabi nito at sa huling turan nito. Parang may kung anong kumislot sa dibdib nito ngunit, hindi siya sigurado rito. Basta ang alam niya ay si Luis ang laman nito.

"Dok, ilalabas ko na ang anak ko..." mahinahong sabi ng ina ni Inah.

Nasa opisina ito ng doktor kung saan ay naroroon din si Freed. Hinintay niyang matapos ang usapan ng mga ito para itanong kung ano ang magiging schedule niya sa hospital.

"Sigurado ho ba kayo? Sa tingin ko ho kasi hindi pa kaya ni Inah ng walang mag-aalagang nurse sa kanya." tugon ng doktor.

"Kukuha na lang ho siguro ako ng private nurse para sa kanya." tugon ng babae.

"Pero Ma'am, lahat po ng nurse namin dito ay kailangan namin dito sa hospital... pero mayroon ho kaming isang nurse na maaari 'nyong isama roon." sabi ng doktor at tinignan si Freed.

Parang alam na niya ang ideyang pumasok sa utak ng doktor.

"Willing po ako." singit niya.

Simula kasi ng makita niya ang kalagayan ng babae ay gusto niyang siya ang magpagaling dito, hindi lang sa sugat nito sa kamay ngunit ang sugat sa puso nito.

Nginitian siya ng ina ni Inah. "Iho, maraming salamat." turan nito.

"Simula bukas Freed kina Madam ka na papasok bilang private nurse ng anak niya." baling sa kanya ng doktor.

May kung ano namang saya ang naramdaman niya sa puso niya. Gusto niyang pagalingin ito at imulat ang isip nito na hindi pa katapusan ng mundo. Maraming pang magagandang dahilan upang patuloy na mabuhay.

**

Until I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon