KABANATA 3

32 2 0
                                    

Maagang gumising si Inah kahit na hindi pa ito nakakatulog gaano dahil sa pagbabantay niya kagabi kay Freed. Ipagluluto niya ng lugaw si Freed, hindi niya alam kung bakit gusto niyang bumawi rito gayong ayaw naman niyang naririto ang binata.

Kagabi rin umalis ang Mommy niya para raw sa isang business trip for four days at ang katulong naman nila ay naka keave pa rin. In short, dalawa lang sila ni Freed na nasa bahay. She had no choice, mas maganda ng may kasama rin siya rito sa bahay kaysa naman nag-iisa lang siya.

Busy siya sa paghihiwa ng manok na isasahog niya sa lugaw na lulutuin niya. Humihikab pa siya habang ginagawa ito. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nagpuyat para alagaan ang binata, siguro dahil nakunsensya siya dahil sa nangyari pero hindi ibig sabihin ay gusto na niyang manatili ito rito lalo pa't alam niyang may balak din naman itong mangibang bansa. Better for her, better for him pero bakit parang may tumutusok sa puso niya kapag naiisip niya ang bagay na 'yon.

Nasanay na ba siya sa prisensya ng binata? Is she finally felt something for him? Napa-iling siya sa ideyang iyon, alam niya na si Luis pa rin ang nasa puso niya.

Halos isa't kalahating oras niyang ipinrepare ang lugaw para kay Freed. Ala-sais na ng umaga. Naglagay siya ng lugaw sa isang malukong na mangkok, inilagay niya ito sa isang maliit na tray kasama ang tubig at ang gamot na ibinigay sa kanya ng Mommy niya na ipapainom kay Freed.

Bakit ba niya naisipang gawin ito? Dapat ay kasintahan niya ang gumagawa nito ngunit sa tingin niya ay wala itong kasintahan dahil wala naman siyang nakikitang tinatawagan o tinetext nito upang kamustahin. May lumuksong ligaya sa puso niya ng mapagtanto ang bagay na iyon. Ano ba ang nararamdaman niya oara kay Freed? Nagugulumihanan siya sa itinatakbo ng damdamin niya.

Dumiretso siya sa kwarto ng binata at naabutan niya itong mahimbing pang natutulog. Ibinaba niya ang tray sa mesita na katabi ng kama ni Freed at naupo siya sa gilid ng kama.

Napansin niyang wala na masyado itong pantal sa katawan at hindi niya maiwasang titigan ang gwapong mukha nito. Mula sa matangis na ilong nito ay bumaba ang tingin niya sa mapupula at kissable na mga labi ng binata. Napalunok siya, para bang nang aakit ang mga ito na halikan niya ito.

Parang may kung anong sumapi sa katawan niya at inilapit niya ang mukha niya sa mukha nito. Habang lumalapit ang mukha niya ay napapikit siya at nang nararamdaman na niya ang hininga nito ay napadilat siya. Halos tumalon ang puso niya ng makita niya itong nakadilat at nakatitig sa mga mata niya. Nagniningning ang mga mata nito na para bang bituin sa madilim na kalangitan.

Bigla siyang tumayo at tumalikod. Naramdaman niya ang pag-init ng mga pisngi niya.

Are you insane Inah? Bakit mo siya binalak na hagkan? That's embarrassing! sa isip-isip niya.

"Ah, ipinagluto kita ng lugaw. Kainin mo na bago pa lumamig. Lalabas na ako." sabi niya habang hindi ito nililingon at tuluyan ng lumabas sa kwarto ni Freed.

Halos parang may naghahabulang kabayo sa dibdib niya ng damhin niya ito. Sobrang kaba ang naramdaman niya. Ano na ang iisipin nito sa kanya, na may pagnanasa siya rito?

Napailing at napangiwi siya sa naisip niya. Wala siyang pagnanasa sa binata pero bakit natukso siyang halikan ang mga labi nito? Nagugustuhan na ba niya ito? Malabo.

Maagang nagising si Freed pero nanatili siyang nakahiga at hindi mawala sa isip niya ang ginawa ni Inah kagabi. Napangiti na lamang siya habang naaalala ang pangyayari.

Pumikit ulit siya ng marinig niyang may pumipihit sa seradura ng pinto ng kwarto niya at pinakiramdaman ang taong papasok dito. Idinilat niya ng kaunti ang mata niya at naaninag niya si Inah na may dalang tray. Pumikit siya at pinilit niyang huwag ipahalata na gising na siya. Naramdaman niyang umupo ito sa tabi niya.

Gusto niyang samyuin ang dalaga dahil sa bango nito. Kahit na hindi pa ito naliligo ay may angking natural na bango ito na nagustuhan niya rito. Nakiramdam siya sa gagawin ng dalaga, naramdaman niyang dumiin ang kamay nito sa magkabilang gilid niya.

Hindi niya alam kung didilat ba siya o ano, ngunit nang maamoy nito ang mabangong hininga ng dalaga ay hindi na niya napilitang hindi dumilat.

Bumungad sa kanya ang magandang mukha ni Inah. Hindi katangusan ang ilong nito pero hindi rin naman ito pango. Makinis ang mukha nito at may natural na mapupupang pisngi. At ang mga labi nito manipis lang at natural na mapupula. Halos mag ning-ning ang mga mata niya dahil sa paghanga sa magandang mukha ng dalaga. Ngunit bakit nito nilapit ang mukha nito sa mukha niya at bakit ito nakapikit? Hahagkan ba siya nito? Pero bakit naman nito iyon gagawin?

Hindi niya inaalis ang titig niya sa mukha nito at sa halip ay ipinakita niya ang desire niya sa dalaga sa pamamagitan ng magandang pagtitig niya rito.

Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito nang dumilat ito at nakita siyang nakatitig dito. Bigla itong tumayo at tumalikod sa kanya. Lihim siyang nangiti sa inasta ng dalaga, animo'y isang makahiya ito na nahawakan at biglang tumiklop.

Hahagkan nga siya nito. Sayang lang at dumilat ito at nakita siyang nakatitig dito., kung hindi ay baka naglapat na ang mga labi nila.

Nang matapos ito sa pagbibilin ay madali itong lumabas sa kwarto niya. Napatingin siya sa mesita na may nakapatong na isang maliit na tray. May ligayang umusbong sa puso ni Freed, nag effort ba ito para sa kanya? Nagugustuhan na kaya nito ang prisensya niya? Magiging maganda na kaya ang pakikitungo nito sa kanya o ngayon lang dahil may kasalanan ito sa kanya? But he was hoping that this is permanent. He wants to get close to her and know her better. Gusto niyang maging kumportable ito sa kanya.

May isang ideyang umusbong sa utak niya, gusto niyang ayain itong lumabas at mag enjoy. Sana ay mapapayag niya ito sa balak niya. Sana ay pumayag ito na makipaglapit sa kanya.

He really wants to mend her broken heart.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Until I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon