Alice's POV
"Excuse me po. Excuse me." Arg! ba't ba ang daming tao dito sa hall way! Lalo talaga akong malalate nito eh! Lagot ako prof ko nito. Terror pa naman 'yun. Aish! Kakasimula lang sa klase, late na ako.
Halos tumakbo na ako para makarating agad sa room ko. Eh ang laki-laki pa naman ng school nato.
Halos matanaw ko na ang section ko, 3A-1. Isang palapag na lang ang tatahakin ko sana nang may nakabunggo ako. 'Pag minamalas ka naman talaga oh!
Tinulungan ko syang pulutin ang mga naglaglagan niyang mga gamit. Grabe! first day pa lang pero ang dami na niyang dala. Bilib ako sa isang to ah!
"S-s-salamat at s-sorry kasi naabala pa kita." wika niya. Isa pa la siyang nerd na lalaki. Parang transferee siya kasi ngayon ko lang siya nakita dito.
"Ok lang. Sige una na ako kasi late na ako eh. Bye!" Hindi na ako nagtanong pa para makumpirma kung transferee ba siya o hindi at baka mas lalo pa akong matagalan.
Tumakbo ulit ako. Kakatok sana ako pero natigilan ako nang makarinig ako sa boses ng prof namin.
"Mr. Lee labas!" Parang alam ko na kung ano ang nangyayari dito ah. Araw-araw na talaga sila ganyan -.- .
"Ayoko nga. Lumabas ka kung gusto mo."
"Wala ka ta--" Hindi natuloy ang sasabihin niya sana dahil pumasok na ako.
"Good morning Sir. Sorry I'm late."
"Anong good sa morning Miss Sandra?!" taas kilay pa niyang tanong.
Hindi na lang ako sumagot at dumeritso sa upuan ko which is katabi sa upuan ni Alexandyr Lee. Siya na lang palagi ang nagiging seatmate ko simula pa noong first year pa lamang kami. Pero hindi kami close kasi ang sungit-sungit niya parang may dalaw parati. Hindi rin naman kami magkaaway. Nag uusap lang kami kung mai activity o may kailangan. Maraming nagkakagusto sa kaniya kasi gwapo naman talaga sya eh at matalino pa. Marami ngang naiingit sa akin kasi katabi ko siya ng upuan.
"Palagi niyo na lang talagang pinapainit ang ul-" and again naputol na naman ang kaniyang sasabihin kasi may kumakatok sa pinto.
"A-ahm. Good morning po sir." Yung nerd pala kanina. So? Magiging kaklase namin sya?
"Ah. Ikaw ba 'yung transferee?"
"Opo sir."
"Ok. Please introduce your self."
Pumasok naman sya at pumunta sa gitna."G-g-good morning everyone. M-my name is Jester Min."
"Ok Mr. Min, doon ka umupo katabi ni Ms. Sandra."
Pumunta naman kaagad sya sa tabi ko.
"Hi. Salamat ulit kanina ha?"
"Ah wala 'yun." tsaka ngumiti ng tipid. Binaling ko na lang ang atensyon ko sa prof kasi nagdiscuss na siya ulit.
~~~~
Nandito ako ngayon sa isang bleacher na malapit sa isang puno at kasalukuyang kumakain ng tanghalian ko. Hindi naman kasi ako kasing yaman ng ibang studyante na sa cafeteria kumakain.
"Hi. Pwede bang sumabay sa'yo?"
"Ah sige ok lang." Akala ko na kung sino. 'Yung nerd lang pala.
Umupo sya sa kaharap na bleacher na inupuan ko at kinuha niya rin 'yung baon niya."Ano nga pala ang pangalan mo? Hindi kasi kita natanong kanina kasi nahihiya ako sa'yo eh. Baka sabihin mo na feeling close ako."
"Ok lang. By the way my name is Alice Sandra."
"Alisandra? diba 'yung apelyido mo ay Sandra? So ang buo mong pangalan ay Alisand-"
"Alice 'yung pangalan ko at Sandra ang apelyido ko."
"Wow! Kakaiba naman ng buo mong pangalan." Manghang-mangha niyang sabi.
Maskin ako nga nagtataka kung bakit ako pinangalanganan ng ganyan eh.
"Yeah." tipid kong sagot at kumain na ulit. Hindi talaga ako sanay na may kasabay kumain. Si papa lang kasi 'yung palagi kong kasabay.
"Ah sya nga pala, ba't ka nag-iisang kumain? Wala ka bang mga kaibigan?"
"Wala." Ewan ko ba kung bakit walang may gusto maging kaibigan ako. Palagi na lang akong iniiwasan. Siguro ayaw nila maging kaibigan ang isang tulad ko----isang average person.
"Eh boyfriend?"
"Mas la-"
"Meron." Napatingin ako bigla sa nagsalita. At shocks! Si Alexandyr pala!
Ang sama ng tingin niya kay Jester.
"A-a-ahh." Napayuko na lang si Jester.
"Babe diba sabi ko sa'yo na sabay tayong kakain ngayon? Eh ba't may kasama kang iba?" Si Alexandyr ba ito? O baka naman alien to at kinain siya?
"H-ha? Ah-" Hindi ko talaga alam kung ano ang irereact ko sa mga oras nato. Parang sinapian itong si Xandyr ngayon ah!
"Halika na babe. Gutom na ako." at hinawakan niya ang kamay ko at hinila. Nilingon ko si Jester at binigyan ko siya ng apologize look.
Naiwan ko tuloy si Jester pati na 'yung baonan ko. Sayang naman iyon, wala pa akong pambiling bago.
Pero saan ba niya ako dadalhin? Nakakahiya na sa ibang estudyante rito kasi pinagtitinginan na kami -- ay mali! sa mga kamay pala namin na hanggang ngayon ay magkahawak pa rin. HHWW (Holding Hands While Walking) lang ang peg namin. Pero sheyt! nararamdaman ko na namumula ang mga pisngi ko. Ano ba ang nangyayari sa akin?
Ilang minuto na kaming palakad-lakad at hanggang ngayon hindi ko alam kung saan kami patutungo. Pero alam ko sa sarili ko na safe ako sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Secretly In Love With My Unexpected Sister
De TodoI used to love her as a seatmate or as a normal girl before. But suddenly, everything has changed when we found out the truth about our real lives.