Alice's POV
Sabado na at hanggang ngayon 'di ko pa rin makalimutan ang nangyari kahapon sa aming dalawa.
flashback~
Nandito na kami sa parking lot. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa namin rito.
"Hoy! ano pang tinunganga mo dyan? Sakay ka na?" Ay! Bwesit! Nakalimutan ko na mayaman pala ang uggoy na ito.
Pumasok naman ako sa likod kasi nakakahiya kaya pag doon ako sa harap. Baka akalain pa ng iba na mag jowa kami. Mahirap na.
"Hoy! Dito ka sa harapan. Pagmumukhain mo ba ako na driver mo? Ano ka? Sinuswerte?" Argh! Kahit kailan talaga napakasungit niya.
Bumaba naman ako at lumipat sa harapan at hindi pa talaga ako pinagbuksan ng pinto! Napaka-gentleman naman talaga oh!
"Isuot mo 'yang seatbelt bobo!"
"Ay grabe siya kung makabobo oh! Sige ikaw na ang matalino. Tss." Nakakainis talaga siya! 'di porket matalino siya eh may karapatan na siyang tawagin akong bobo.
Tahimik lang kami habang bumabyahi. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nasa utak ng lalaking ito.
Nakakaantok naman. Ang sarap matu---.
~~~~~
"Alice, mahal na mahal kita"
"Mahal na mahal din kita Xandyr"
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tinitigan niya ako sa mga mata.
Unti-unti niyang linapit ang mukha niya sa mukha ko. Pumikit na rin ako. Palapit na ng pala-----.
"Aray! Ano ba?! Ba't mo 'ko binato ng unan?" Sheyt! Panaginip lang pala! Sayang! Akala ko totoo na 'yun. Alice ano bang nangyayari sa'yo ha?
"Ba't ka ngumunguso? Siguro nagpapantasya ka sa akin nuh? Sabihin mo lang, ibibigay ko naman ang gusto mo eh." Sabi niya na may pataas baba pa ng kilay niya. At palapit na siya ng palapit sa akin.
Agad naman akong napabangon sa kama--teka-- kama? Nasaan na ba ako?
"Sige subukan mong lumapit, sisigaw ako." pagbabanta ko sa kaniya pero hindi sya natinag.
"Sige sumigaw ka, wala namang makakarinig sa'yo rito. Sound proof ata tung condo ko." nakangisi niyang sabi.
So, nasa condo niya pala kami.
Atras lang ako ng atras hanggang sa naramdaman ko na ang pader. Sheyt! nacorner na niya ako.
"Hoy Mr. Lee! Subukan mo--"
"Tapos? Anong gagawin mo Ms. Sandra?" At mas lumapit pa siya sa akin.
Magkatotoo na ba 'yung panaginip ko kanina?
"Tigil tigilan mo ako Xandyr ha!"
"Eh paano kung ayoko?" sheyt! ang lapit na ng mukha niya! Nararamdaman ko na ang hininga niya. Nahihiya na tuloy ako magsalita kasi baka mabaho 'yung hininga ko.
Palapit na talaga ng palapit. Ito na ba 'yon? Pipikit na ba ako? Magpapaalam na ba ako sa first kiss ko?
Shocks! Ba't siya pumikit? Can somebody help me here?
ding dong*
Woah! Buti na lang!
"F*ck! Panira naman to oh!" Ganun ba siya kagalit?
end of the flashback~
Nakapagtataka talaga kung ano ang nangyayare sa lalaking iyon. Dati ay napakasungit niya sa akin tapos ngayon hindi ko na maexplain. Ano kayang nakain nun?
"Psssttt!" Ay pusa!
"Ano ba Xandyr! papatayin mo na ba ako sa gulat ha?" sabi ko habang hawak 'yung dibdib ko.
Nanahimik akong naglalakad papunta sa tinatrabahuan ni papa na construction site tapos ginugulat ako nito.
"Hahaha. Sorry na po babe." At inakbayan pa ako. Pero teka! tumawa siya! For the first time 'yon!
"Anong babe ka jan?! Nako Xandyr tigil-tigilan mo nga ako!" Sabay tanggal sa braso niya.
"Saan ka pala pupunta?"
"Sa langit. Ano sasama ka?"
"O sige ba. Gusto mo ako pa mismo ang maghahatid sa'yo?" nakangisi niyang tanong.
"Napakamanyak mo talagang gago ka!"
"Eh $*^/!"
"May sinasabi ka ba ha?"
"Ah wala. Tara samahan mo na lang ako."
At sa pangalawang pagkakataon, hinawakan niya ulit ang kamay ko. Konti na lang at baka sabihin ko na may gusto ito sa akin eh. Pero napakaimpossible naman ata dahil napakasungit nito sa akin eh at hindi ako ang tipo nitong babae.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Basta."
"Ay sandali lang."
"Ba--" tinanggal ko ang kamay niya at tumakbo papunta sa direksyon na kung saan ko nakita si Jasper. Hindi ko pa kasi sya nakakausap pagkatapos namin siyang iwan kahapon dahil hindi na kami pumasok. Kahit ayaw ko ng kaibigan ay nakokonsensya pa rin ako.
"Oy Jasper!"
"O-oy! Hi Alice!"
"Pasensya ka na kahapon ha?"
"Ah. Ano ka ba, wala 'yun."
"Syanga pala, ano ang ginagawa mo rito?"
"A-ah ano kas--"
"Babe ba't ba lage mo na lang akong iniiwan dahil sa lalaking 'to ha?" Nako po. Heto na naman siya.
"Ah sige Jasper. Una na ako." paalam ko sa kaniya at dali-daling umalis.
Tumakbo ako ng mabilis dahil alam ko susunod ang Alexandyr na 'yun.
"Alice! Sandali lang!" sigaw niya.
Sheyt! Bakit ngayon pa umulan. Wala pa naman akong dalang payong.
"Alice! 'Pag hindi ka huminto ay hahalikan talaga kita!" Hindi ko na siya pinansin.
Palakas na ng palakas ang buhos ng ulan kaya naman mas binilisan ko ang pagtakbo para humanap ng masisilungan. Malapad lang na kalsada ang meron sa lugar na ito eh. Malayo-layo pa ang mga bahay. Ewan ko nga kung saan na 'to eh. Itong Alexandyr na 'to kasi!
"Ano b---" O_O
Shemay! Nagulat ako sa ginawa niya. Ba't niya ako hinahalikan?
Aba! papikit-pikit pa ang gago! Pero sheyte! Ang sarap niyang humalik! Ang lambot pa ng labi.
Hindi ko namalayan na gumaganti na ako sa mga halik niya. Kahit na first time ko ito. Sobrang nadala talaga ako.
First kiss ko siya at nangyari pa sa gitna ng ulan. Napaka romantic pakinggan pero sad to say hindi kami mag jowa.
Hinawakan niya ang baywang ko para mas mapalit sa kaniya.
Akma na sana akong lalayo upang matigil na ang halikan namin pero hinawakan niya naman ang batok ko. Aish! Baka kung saan pa to mapunta.
Ewan ko kung ilang minuto na kaming naghahalikan pero bakit parang ayaw kong matapos ito?
Beeeeepppppppp!!*
Agad naman kaming napalayo sa isa't-isa.
"Hoy! 'Wag kayo rito sa daan! Mga kabataan nga naman ngayon oh!" Sigaw ng matandang babae na nasa loob ng sasakyan.
Sheyt! Nakakahiya 'yon ah.
BINABASA MO ANG
Secretly In Love With My Unexpected Sister
De TodoI used to love her as a seatmate or as a normal girl before. But suddenly, everything has changed when we found out the truth about our real lives.