Alice's POV
Monday na naman kaya ibig sabihin ay magkikita ulit kami ni Xandyr pero parang hindi pa ako handa.
Hindi ko pa rin makalimutan 'yung nangayari sa amin.
"Anak! hindi ka ba papasok ngayon?" Sigaw ni papa mula sa labas. Hindi kasi two storey 'tong bahay namin eh.
"Hindi po papa!"
"At bakit naman aber?" pumasok siya sa kwarto ko.
"Masama po ang pakiramdam ko eh." palusot ko lang 'yon. Ayoko munang kasing makita si Xandyr ngayon.
"Baka naman palusot mo lang 'yan anak ha." saka lumapit siya sa akin upang tingnan ako kung may lagnat ba o wala.
"May sinat ka. Sandali lang at kukuha ako ng gamot." siguro dahil sguro ito 'nung nagpaulan kami.
"Pa, 'wag na kayong mag-abala. Kaya ko na ang sarili ko. Umalis ka na at baka malate ka pa."
"Sure ka na kaya mo? Eh kung lumiban na lang kaya ako? Para naman may mag-alaga sa'yo."
"Pa, promise kaya ko na po. Sige na pa. Mag-iingat ka ha?"
"Sige anak. Mag-iingat ka rin dito. Ilock mo ang pinto. Alis na ako" paalam niya at hinalikan ako sa noo tsaka umalis na.
Kung nagtataka kayo kung nasaan na 'yung mama ko, nadoon na siya sa bago niyang pamilya. Iniwan niya kami ni tatay noong 7 years old pa lang ako. Ang sabi pa niya sa akin noon na maghahanap lang siya ng trabaho at babalikan niya kami. Naghintay ako sa kaniya. Pero makalipas ang ilang taon, kahit anino niya ay hindi ko nakita. Nawalan na rin ako ng pag-asa 'nun na babalikan niya pa kami. Hanggang isang araw, nabalitaan na lang namin na may bago na pala siyang pamilya. Ang sakit-sakit nang malaman ko iyon.
Aish! Tama na nga ang drama. Ayoko ng maalala ulit 'yung pang-iiwan na ginawa ni mama sa amin, nasasaktan lang ako.
Grooooo~
Parang gutom na ang mga alaga ko sa tyan ah! Makalabas nga muna ng kwarto.
Bumangon ako at dahan dahang tumayo kasi medyo nahihilo ako ng kaunti. Baka matumba pa ako rito.
Pagkalabas na pagkalabas ko ay nagtungo agad ako sa kusina.
"Ok na 'to." kinuha ko 'yung ulam na niluto ni papa, sardinas na may itlog.
Ang sarap-sarap talaga ng ulam namin kahit ganito lang. Napadami tuloy ang kain ko. Baka madadagdagan na naman ang mga bilbil ko.
Pagkatapos kong ligpitin ang pinagkainan ko ay napagdesisyon ako na lumabas muna ng bahay upang maglakad-lakad nang sagayon ay mabawasan ang bilbil ko. Pero hoy! hindi naman ako masyadong mataba ha! chubby lang ng kaunti.
Dinala ako ng mga paa ko sa ilog na malapit lang din sa amin. Malinis ang ilog na ito hindi katulad ng iba. Naaalala ko pa noon na palagi kaming pumunta rito ni mama upang mag-picknick. Umupo ako sa may lilim ng puno ng kahoy na kung saan doon nilalatag ni mama ang banig noon.
Flashback~
"Alice tama na muna 'yang paglalangoy mo diyan. Kumain ka muna."
"Sandali lang po mama. Bigyan niyo pa po ako ng limang minuto. Ang sarap pa pong maligo." Sabi ng batang ako.
"Hay nako Alice tama na 'yan. Kanina ka pa jan ha. Tingnan mo nga 'yang sarili mo, mukha ka ng negra sa itim."
"Mama naman eh. Maitim na kaya ako noon pa lang."
"Pero mas lalo ka nang umitim oh. Umahon ka na nga jan."
"Hali ka mama, samahan mo akong maligo."
BINABASA MO ANG
Secretly In Love With My Unexpected Sister
De TodoI used to love her as a seatmate or as a normal girl before. But suddenly, everything has changed when we found out the truth about our real lives.