(AN: Medyo emo emo yung casts dito ngayon, pero hayaan niyo everything and everybody will get better in no time din! Pag tiyagaan muna)
[Elijah's POV]
"Pre", nilapitan ako ni Rain, "Ano bang tinitingnan mo diyan?", sabay silip sa likod ng mangga.
"O, wala naman a! Ano bang nangyayari sayo?", tanong niya sa kin.
"A..." umiling ako, tas sumilip din sa likod ng mangga.... "...wala"
Tumalon yung maharot, tas hinigit yung pinakamababang mangga sa puno
"O, halika na, tinatawagan kaya kita kanina..!" sabay hinampas ako sa likod at inakbayan.
Hindi na ako nakasagot sa sinabe niya.
E ano bang isasagot ko dun?
Okay.....?..., Buti na lang andito ka...?
Wala.
Sumakay na kami sa kotse niya.
In 5 minutes andito na kami sa bahay ni Tommy, e kasi hindi rin naman malayo yung nilakad lakad ko pagkatapos kong paliparin yung first latern para kay Tommy.
Kung para saan ba yun?
Ay, ang kulet lang, kay Tommy nga. Kay Autumn Hino.
Sayang at hindi niya ito nakikita.
Hiniling niya kasi ito sakin bago siya mamatay.
Mahal ko siya e, at siguradong sigurado ako pati ng pamilya niya.
"Elijah!", tinawag ako ng mama niya, si Tita Alice.
Lumapit ako at binigyan niya ako ng isang mahigpit na yakap.
Ang sarap ng feeling, dalawa. Isa, parang ina ko na rin kasi siya sa tagal namin ni Autumn, pangalawa, dahil mama siya ni Autumn, parang yakap na din niya yung yakap ng mama niya.
Si Tita Alice, hindi siya, kahit paminsan, nagdoubt samin ni Autumn. Alam niyang aalagaan kong mabuti si Autumn at yun naman din ang ginawa ko. Siya pa nga ang naglapit samin kay Tito e.
"Anak" yan, yan ang tawag sa kin ni tito.
"Po?", hindi ko parin magalaw masyado yung mga mata ko, ang pungay dahil sa pag iyak ko kanina. Ang bakla ba?
"Anak, alam kong talagang naging matagal kayo ni Autumn, at saksi ako sa sobrang pagmamahal mo sa anak namin." ngumiti si tita sa kanya, inakbayan niya ito at hinimas himas pa ang braso.
I wonder kung magiging ganyan din kami ni Autumn kung hindi lang siya umalis agad...
"... pero hindi ba sapat na yung isang taon para makalimutan mo na ang sakit, yung kayo..."
"Makalimutan?" ano bang sinasabi nila?
"Anak..." at hinawakan ni Tita yung kamay ko. "Salamat at ganyan mo minahal ang anak namin, at diba? Tinuring naman namin ikaw na parang tunay na ring anak...?, napaiyak si tita. "... kaya nga nagaalala kami sa iyo. Nakalimutan mo na ang sarili mo sa pagiitindi sa pagkamatay ni Autumn. Nalimutan mo na nga din kahit birthday mo di ba?"
"tita..?" naguguluhan pa rin ako..
"Kaya naisip namin ng tita mo, magpakalayo layo muna, isasama namin ang ash ni Autumn, sa America" sabi ni tito.
"Yun ay hindi para malayo na siya sayo, yun ay para... mag open ka na din sa iba pang possibilities at maging masaya ka na ulit"
"Sinasabi niyo po ba na kalimutan ko yung anak niyo?", naiiyak na rin ako. Hindi ko mapigilan, masyadong masakit.
"Hindi, gusto lang naming maging masaya ka ulit. Simula kasi na nawala siya, yung Tommy ko..."napaiyak lalo si tita.
"Ang sinasabi ng tita mo, ay naging malungkot kang bata, nawala ang saya dyan" at tinuro niya ang dibdib ko. "... dyan ng nawala siya. Alam kong hindi na rin masaya si Autumn sa mga bagay na nangyayari sayo ngayon.."
"Mahal natin si Autumn, but this isn't all about her. I think you should move on and..."
Hinawakan ni Tita yung kamay ko, pero inalis ko agad "I'm sorry po", at tumakbo palabas.
Takbo lang ako ng takbo.
Hindi ko nga alam kung saan ako makakarating nito.
Hinayaan ko na lang yung paa ko gawin ang trabaho niya.
Hanggang sa na realize ko na lang na andito na ako sa tagpuan.
Nag stop ako
Natawa ako bigla.
Dito kami ni Autumn nagkikita pag tumatakas kami sa papa niya a!
Natawa ulit ako....
"Stupid destiny!" binulong ko sa sarili ko.
Umupo na ako sa may gater ng dam at kinuha ko yung wallet ko.
Tiningnan ko yung picture niya na andun pa rin sa wallet ko. Hanggang ngayon...
"Autumn..." napa sigh ako bigla.
Tiningnan ko pa ang nasa loob ng wallet ko, kinapa kapa, ayun. Nakuha ko na rin.
Yung Wish List ni Autumn na pangalawa sa picture niya na nagpapaalala sa kin sa kanya.
Nasa isang maliit lang siya na papel:
AUTUMN'S WISHES
xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxo
1. Bumili ng cupcake sa Elmo St.
Ang weirdo weirdo talaga nitong babaeng to! hahaha
2. Makapanalo ng Pikachu sa claw crane machine.
Hindi din naman niya nagawa, buti na lang andoon ako nun!
3. Mahawakan yung rebulto ni Rizal sa Luneta Park.
4. Makagawa ng Chocolate Cake at ipakain sa Kanya.
5. Mag swimming sa ilalim ng tulay.
6. Makasampal ng malakas sa isang tricycle driver.
Natawa ako dito talaga ng soba sobra. Matindi talaga kasi ang galit niya sa kanila. "Masyadong barat! Maka singil! Akala mo naman kung sino sila! Kaya hindi nayaman e. !"
7. Magkulong ng 10 palaka.
8. Magsiesta sa tuktok ng bundok.
9. Makaexperience ng snow.
10. Makakita ng Shooting Star.
11. Learn to drive.
12. Mapakasal sa kanya bago ako ma deadlaks.
Ito yung mga parteng nalaman niya na mamamatay na siya...Dinagdag niya ito sa Wish list niya.
At ginawa naman namin to, walang pari, walang tao, hindi nakasuot ng pangkasal, at kahit makeup wala siya. Pero sa mga oras nato, ang ganda ganda niya, dahil ito rin ang pinakamagandang nagyari sa buhay ko. "You may kiss you bride", ginagawa pa niyang lalaki ang boses niya...
13. Hug and kiss the people that I had in my life.
14. Ja, yung paper lanterns a!
Napatingin ako sa taas, sa langit.
Gustoko siyang kausapin, gusto ko ulit makita ang muka niya at ang kanyang ngiti, yung pinakamagandang bagay na nakita ko sa buong buhay ko.
Sana hindi na lang nagyari to, sana panaginip na lang ang lahat.
Biglang lumakas ang hangin. Pero hindi pa rin ako nag paawat. Nakaupo lang ako dun at still tinitingnan ang langit.
Sa sobrang lakas ng hangin, nabitawan ko yung papel, nilipad, pero hindi naman malayo.
Kinuha ko ito agad. Pero ano to: may sulat pa sa likod ng papel?
BINABASA MO ANG
Autumn's Wishes
RomanceThis is a story of a boy and a girl, with another boy and another girl, teaming up with another boy, with another, plus, joining the group, another girl and a gay, but they're not relevant, anyway... so... here it goes! I can't think of a cool descr...