{CONTINUATION}
15. Ja, Find a girl. Be in love and loved in return.
16. Take her on a date.
17. Pakainin mo siya ng Chicken Parmigiana. (Wag Madamot..! XD)
18. Dalhin mo siya sa pinakamagandang lugar sa earth.
19. Pakilala mo siya kay na lolo at lola.
20. Marry her.
Ano to? Bakit ngayon ko lang nakita to.
Tsaka anong ibig sabihin nito?
Pati ba naman ikaw, Autumn? Gusto mong kalimutan na rin kita?
Haisssst.. Punyemas..
Umuwi ako ng bahay.
Pumasok agad sa kusina at kumuha ng bote, tutunggain ko na sana..
"Hep", nginitian ako ni lola at binigyan ako ng baso."so anong nangyari sa yo ngayon apo? Medyo natagalan ka a.."
Tiningnan ko yung orasan. Its already 4:00 (am)
"Wag po ngayon lola..." badtrip kaya ako! TCH
Umupo ako sa lamesa at uminom ng tubig sa basong binigay sakin ni lola.
Hinimas himas ni Lola yung likod ko. Gusto niya yatang pagaanin ang loob ko, pero hindi e. Hindi sapat.
Sinaklob ko yung ulo ko sa lamesa.
Ayokong makita niya akong umiiyak.
Nakaramdam naman si lola at umalis din sa kusina.
Ako naman, pumikit na lang, iniisip na.., baka kung matulog ako, magising na lang ulit ako na andito siya, si Autumn at ma realise ko na panaginip lang pala lahat ng ito. Sana.
DING-DONG!!
Makailang saglit lang... mga 2 hours (oo naman! bilang ko.. ganyan ako kagaling pag tulog *wiggle the eyebrows*), may sumusundot ng doorbell.
As in, literally, sundot talaga. E... binakbak kasi yun ng mga adik adik dyan sa may kanto. Akala siguro, mabebenta sa junk shop.. Idiots..
6:34 am . sabi ng orasan.
Boklogs...! Ang aga- aga may nanggugulo na...! Tch.
DING DONG!
Ano ba! Wala nga sabi dito si Dingdong! *BA DUM TISS!!* (haha! ang waley!)
Tamad kong hinila pataas yung ulo ko. Kinamot kamot yung mata pati yung ulo.
"Tch! Lintik!"
Sinaklob ko uli yung ulo ko sa lamesa...
Walang paawat! Bala ka diyan! Tutulog ko dito!
"Sige na apo.. ako na dito", hinayaan ko na lang si lola ang sumagot... lahi naman yan ng ninja turtles!
Tsaka, malakas din ang pandinig ko, kung hindi niyo naitatanong.. Aninag ko lahat ng mga bagay bagay sa mundo kahit yang nasa labas ng bahay.
"Goodmorning po", boses nung kumatok sa gate, kinakausap yata si Lola.
"Kayo po ba si.... E-Elayja Mad...?"
Dang bobo naman nun! Babae, Elijah?
Di ko alam yung sinagot ni lola dun sa bobong tanong. Mahina kasi boses niya e.
Mamaya maya, narinig ko ng pumasok si lola.
"Pagod kasi, iha!", sabay hagikgik ng tawa si lola bungisngis.
"La... sino na naman bang kinakausap ninyo..? Di ba sabi ko sa inyo, walang ibang nilalalang dito kundi tayo lang dalawa...", may third eye yata tong si Lola e.
"Siya po ba si Elayja Mad?"
Babae? Sino naman to na nangapit bahay ng ganto kaaga?!
BINABASA MO ANG
Autumn's Wishes
RomanceThis is a story of a boy and a girl, with another boy and another girl, teaming up with another boy, with another, plus, joining the group, another girl and a gay, but they're not relevant, anyway... so... here it goes! I can't think of a cool descr...