Writing Tip #05: Cliché Scenes

706 25 7
                                    

Oh, oh, oh. Bago mag-react, pakinggan muna ang explanation kung bakit ko sinabi 'yan.

Honestly speaking, hindi naman talaga ganun kasamang gumamit ng cliché scenarios sa isang story. 'Yun nga lang, siguraduhin mong may isang matinding dahilan kung bakit mo gagamitin 'yon. Minsan kasi, ang ibang writer ('yan ha, hindi ko nilalahat), makaisip lang ng idea, 'yon na agad ang ilalagay. Hindi na pinag-iisipan. 

Pero hangga't maaari, try to avoid using "gasgas" or "cliché" scenes. Minsan kasi nakakatamad nang basahin dahil paulit ulit na lang at wala nang ibang rason. Kumbaga, wala nang "thrill" at nawawala na ang makabagbag damdaming scene.

Want some example of Cliché Scenes?

Okay, sige, pagbigyan.

Cliché Scenario:

Girl's POV

"Ano? Na-inlove sa'yo? P're, ano na? Kamusta pustahan natin?"

"P're, akin na 10,000 niyo. Umamin na sa'kin,"

Naramdaman kong may luhang bumagsak mula sa'king mga mata. Pusta? Pustahan lang lahat? Pagkatapos niyang iparamdam sa'kin na mahal niya ako? Niloko niya lang ako? Ano, dahil ba nerd at panget ako? Dahil ba hindi ako kasing ganda, sophisticated, at kasing sikat na katulad nang iba? Dahil ba isa lang akong nerd?

Mabilis ako tumalikod. Balak ko pa naman siyang sorpresahin. 

Sayang lang ang effort ko.

Paalis na sana ako pero nasagi ko ang isang babaeng dumaan sa gilid ko.

"Aray! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Tss. Palibahsa nerd!" 

Napatingin sa'kin si Carlo. "Lane?" Tawag niya sa'kin.

"N-Narinig mo–"

"OO! NARINIG KO LAHAT! BWISIT KA! ANG SAKIT! BAKIT MO GINAWA 'YON?! HAYOP KA!" My knees collapsed.

"Lane! Maniwala ka sa'kin, mahal kita! Dati lang ang pustahan na 'yon, pero Lane! Mahal kita! Mahal na mahal kita!" He shouted and gave me a kiss.

End of Cliché Scenario

Comment ko? Ang daling maniwala, at maloko nung babae. Alam niyo na ang tawag dun. About sa lalaki? Babaw mga pare. Unang una, tama bang makipagpustahan at pagpustahan ang isang tao? Tapos ang mangyayari, pagsisisihan din? Eh kung alam mo na nung umpisa, bakit mo ginawa?

Dahil kakain ng maraming oras ang pag-iisip ng hindi cliché scenes, sa susunod na 'yon. Sa storyng ginagawa ko na 'yun. 

Alam kong hindi ako harsh ngayon at hindi nakakatawa. Pero at least binigyan ko kayo ng advice. 'wag na kayo ng maarte. Ito naman talaga ang "purpose" ng Writing Tips at How to Bash eh.

'Geh, bye. 'Wag mag-alala, babawi ako sa kasunod nito. Nung gumawa kasi ako ng cliché scene nawala ako sa mood. Basahin niyo na lang 'yung Bash #05, may matututunan din kayo ro'n at may pagtatawanan.

BWAHAHAHAHAHAHA.

-B_A_S_H_E_R

Writing Tips #101 and How to Bash #102Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon