Writing Tip #10: Paasang Author

325 19 0
                                    

Mga Author diyan sa tabi-tabi! 'Wag tayong paasa ha? Maraming kabataan diyan ang laging nasasaktan dahil diyan sa mga paasang tao!

Tinatanong mo kung umasa na ako?

Heh, sorry pero SILA KASI ANG UMAASA SA'KIN.

GWAPO KO KASI EH! HAHAHA!

Kidding aside...

My dear authors, 'wag kayong mangako sa mga readers niyo kung hindi niyo magagawa. 'Wag niyong bigyan ng time limit ang sarili niyo kasi kayo rin ang mapepressure.

Tignan niyo ako, pogi pa rin hanggang ngayon. Galing ko kasi eh ;)

'Pag pinepressure niyo ang sarili niyo, mas lalong hindi kayo makakapag-isip ng matino. Bawat chapter dapat pinag-iisipan, 'wag 'yung basta lagay.

Woah, nagkaro'n ako ng dèja vu. Nasabi ko na ba 'yun?

Nasabi ko man o hindi,

I DON'T CARE.

Okay, mabalik tayo.

Mga authors, mag-update lang kayo kapag sa tingin niyong worth it ang chapter na ipapublish niyo. Pero hindi ko sinasabing mag-update kayo ng sobrang tagal.

Baka nilayasan na kayo ng mga readers mo.

Meron kasing author na umaabot na ng isa, dalawa, o tatlong taong hindi naga-update. Tapos sabi in 2 months mag-uupdate na?

Paasa antokwa!

'Wag ganun! Nakasasama!

Kung nawriters block naman kayo, hanapin niyo 'yung insipirasyon niyo kung bakit kayo nagsulat. Baka mainspire ulit kayo na magsulat. Malay niyo ;)

Too much pressure might lead your face into worst.

Naintindihan niyo?

'Wag tayong papressure, papanget ka. Magkakaro'n ka ng wrinkles niyan, sige ka!

Ako nga 17 years old na, Architecture ang course, mga project namin nakakabangag pero hanggang ngayon, pogi pa rin!

Hindi kasi ako nagpapapressure eh.

'Pag nakita niyo ako baka nalaglag panga niyo dahil sa kagwapuhan ko.

Tsk, #PogiProblems101

Wala akong tigyawat, maputi ako, at 5"7' ang height ko.

Oh ano? Elib kayo 'no?

Pogi ko kasi eh.

Anyway, dahil naglalakbay na ang usapan natin, mabalik na tayo dahil baka mapag-usapan pa natin ang mala-tragic na love life ko.

Mga writers, 'wag niyong paasahin ang mga readers niyo sa mga bagay na hindi niyo naman pala kayang panindigan.

#Hugot!

Readers naman, subukan na lang nating huwag umasa. Lagi naman kasi tayong sinasaktan sa huli eh.

#Hugot!

Mga author, gaya nga ng sabi ng mga nakararami,

"Walang Poreber!"

KAYA MAG-UPDATE KAYO BAGO KAYO ABUTAN NG POREBER!!

AYAN, CAPS LOCK NA NAMAN PARA INTENSE!

Pero ang pinagtataka ko lang, bakit ba "poreber" ang pagbanggit nila dun? Bulol ba sila o ngo-ngo?

Whatever, I DON'T CARE.

Buti pa ako, gwapo na nga, maganda pa ang pananalita (except lang sa pagkaharsh ko).

Writers, 'wag kayong paasa, nakamamatay 'yun lalo na para sa mga taong suicidal.

Readers, 'wag kayong suicidal, update lang 'yun. OA niyo.

Tip lang para sa mga writers, 'wag papressure para hindi kayo pumanget.

Readers, 'wag kayong maging atat sa paghihintay ng update. Madaling magbasa, mahirap magsulat! Masakit sa daliri!

Kaya pasalamat kayo nag-uupdate pa ako ng umaabot ng hanggang 500 words. Maswerte kayo dun. Conscious ako sa katawan ko pero hindi ako tumitigil mag-type para sa readers ko, out there. Bait ko 'no?

WAHAHAHA.

POGI KASI AKO.

'Yun lang, thank you!

P.S. Pogi ko talaga ""F""OREVER

Kahit wala naman talagang forever lifetime lang.

-B_A_S_H_E_R

Writing Tips #101 and How to Bash #102Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon