Bash #13: Prologue

238 13 0
                                    

Author's Note: Medyong serious 'to.

Grabe guys! Ang tagal bago ko pa nabanggit 'to. Well hindi ko alam kung dapat ko pa ba gawing Bash #13 'to dahil sa totoo lang bahala na kayo dyan. Like before, nasabi ko na that we all have our own styles of writing. Pero 'yung sa prologue? Yes importante talaga 'yan. Halos lahat ng libro ay may prologue.

Pero since na sa una siya, gandahan niyo naman! Hindi 'yung basta magpipindot lang kayo kung ano ang naisip niyo and then yehey may prologue na ako! Kahit walang kwenta at least meron na yihee!

'Wag kayong maglagay ng prologue na wala namang kwenta at masabi lang na may prologue na kayo. Depende pa din naman ang prologue kasi 'yung iba kumukuha ng scene sa story nila or 'yung isang parang description lang.

I know magulo, hindi bale may example naman ang poging author.

Example #1 : Scene in the story

Prologue

" Oh no what na?! " natatarantang tanong ko kay Hailey. Tumingin siya sa akin at makikita mong natataranta na din siya.

" Let's go there quick! " sambit niya at kinuha na namin ang mga gamit namin nang mabilisan. Agad naming tinanong kay Casey kung saang hospital isinugod si Xavier.

Pagdating namin 'dun nakita kong nakaupo ang iba pa naming mga kaibigan sa labas ng operation room. So it means, malala na nga talaga ang condition niya.

Umiiyak ang iba ko pang kaibigan pero laking gulat ko ng lumapit sa akin si Fiona at sinampal ako nang pagkalakas. Nag-echo pa ang sampal niya sa labas ng room. Napatigil ang iba sa pag-iyak at napatingin sa akin. Napahawak ako sa pisngi kung saan sinapal ni Fiona at feeling ko namumula na ito.

" Ikaw! Ang kapal ng mukha mong magpakita dito! " tumulo ang luha niya at akmang sasampalin dapat ulit ako ng natyempuhan siya ni Nike at hindi natuloy ang pagsampal sa akin pero nagpatuloy lang siya sa pagsasalita.

" Kung hindi dahil sa'yo edi sana maayos pa kalagayan niya! Kung hindi mo siya niloko edi sana hindi siya nagpakalasing at naaksidente! Kung alam ko lang na mapapahamak siya ng dahil sa'yo sana 'nung una pa lang inilayo na kita kay Xavier... Kung ako na lang sana ang minahal niya... " unti-unting kumalma si Fiona.

Habang umiiyak siya tumakbo ako palayo duon and good thing na walang humabol sa akin. I used that as a chance to escape, escape the fact na totoong ako nga ang dahilan kung bakit nasa peligro ang buhay niya. Please God, save him...

End Of Prologue

Okay so 'yan ang kinuhang scene sa story niya. Ah wala pa palang title. Kunwari "No Escape" nalang. Maganda noh? Well alam ko naman galing ko kasi eh.

Next is the example for the description for prologue.

Example #2 : Description style

Prologue

Simula bata palang ako. Talagang controlled na ang buhay ko. Hindi nasusunod ang mga kagustuhan ko, kundi ang mga kagustuhan ng iba. I'm used to it. I've never felt free. Para akong isang stuff toy na nakakulong sa kwarto at gumagalaw kapag may gumalaw sa akin.

Writing Tips #101 and How to Bash #102Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon