Wait tawa muna ako HAHAHAHA isa pa HAHAHAHA last na HAHAHAHAHA. Ayan okay na, nangyari lang to kanina at hanggang ngayon sa pag uwi ko ramdam ko pa rin ang kahihiyan.Madalas naman akong sumasakay sa bus at lagi ko namang nababasa yung "Keep Tickets For Inspection". Matagal-tagal na pero wala namang inspection na nagaganap kaya akala ko joke lang yun (parang yung ex ko matagal na pala kong niloloko) Charaught!
Papunta akong Paranaque, sumakay ako ng bus bandang Ortigas. Ordinary lang, (nasusuka kase ko sa aircon lalo na dun sa amoy ng air fresher lemon flavor pero hugis Christmas tree). Bandang Coastal na kami nun, tumigil yung bus. May sumakay na mga babaeng maiingay mukhang aangkas lang talaga sila.
Mamaya may babae, naka tshirt na red at naka short, mukhang masungit. Naglilibot siya sa mga pasahero tapos may binibigay sa kanya na papel na kulay orange, akala ko donation.Nung nakalapit na siya sakin, aligaga akong maghanap ng bente halos lahat kasi yun yung binigay pero wala puro barya yung akin. Inaabot niya yung kamay niya sa mukha ko.
NV
Ako: Ay ate wait lang po ah, puro kasi barya to eh.
Siya: (nakatingin na parang na naiinip)
Ako: Ay sorry po, puro po kase barya to. Okay lang? Sakto naman ho bente to.
Siya: Ano ba pinagsasabi mo miss? Ibigay mo na marami pa pasahero sa likod oh.
Ako: (napressure, inabot yung tigpi-piso sa kamay niya)
Siya: Ano to?
Ako: Donation ho sainyo (isip-isip ko, wow ah ikaw pa galit)
Siya: Niloloko mo ba ko miss? Yung ticket mo kailangan ko.
Ako: (natauhan) Ay! Sorry po! Hala, akala ko kasi kasama kayo nung mga sumampa kanina eh, eto po ticket ko.
Siya: (mukhang nainis) WOW NAMAN. HAGGARD AKO OO PERO DI NAMAN AKO BADJAO, MUKHA KANG MABAIT PERO JUDGEMENTAL KA RIN EH NO. SAKA ATE BUS TO HINDI STAR CITY.Ayun, mali pa pala yung ticket na nabigay ko. Sorry ako ng sorry sakanya tapos yung katabi ko tawa ng tawa huhuhu feel ko galit yun si ate eh. Napahiya kami pareho.
Ps. Bati na tayo ate, okay lang kahit di mo na binalik yung tigpi-piso ko hahaha
Pps. Ta-tag ko yung gf ni ex pag napost to.AteMONGGIrl
Bus