Best answers kapag mag-aabot ng bayad sa jeep.#MedyoDeLima
Driver: San galing ang 20?
Pasahero: Manong, huwag nyo 'kong husgahan please. Ang perang 'yan ay hindi galing sa gobyerno.#MedyoParanoid
Driver: San yung bente?
Pasahero: Ano?! Kaaabot ko lang nawala agad yung bente ko?!#MedyoMayabang
Driver: Studyante?
Pasahero: Mechanical Engineering. 2016 Board Passer.#MedyoHarotToTheNthPower
Driver: Studyante?
Pasahero: Opo. 2nd year high school. Hindi pa nireregla pero may anim na crush na.#MedyoDumadamoves
Driver: Ilan sa 20?
Pasahero: Dalawa po. Isang manhid at isang nagmamahal ng palihim.#MedyoHarotPart2
Driver: San galing?
Pasahero: Nag group study po. Tapos alam nyo po ba, nandun din yung crush ko. Magdamag nya akong tinuruan sa Math. Tapos nung nag-exam kanina, 0 nakuha ko. Hihi.#MedyoDefensive
Driver: San galing?
Pasahero: Sa motel po. 3hrs kami dun. At wag po kayong judgmental please. Gumawa lang kami ng loombands.#MedyoNakahithitNgPentelpen
Driver: San ang baba ng bente?
Pasahero: Tung inuhh!!! Naglalakad yung bente?!!!#MedyoHighblood
Driver: San ang baba?
Pasahero: Sa gitna ng kalsada. Para patay ako tapos kulong kayo.#MedyoEmoH3artZ
Driver: Ilan dito sa bente?
Pasahero: Isa lang. Wag nyo na din sanang itanong kung bakit. Sanay na ako na palaging iniiwan. Kaya nasanay na rin akong mag-isa. Keep the change.#MedyoBroken
Driver: Walang barya?
Pasahero: Yan tayo eh. Sobra sobra na nga ang binigay, pero kulang parin. Parang pag-ibig lang.#MedyoPilosopo
Driver: Saan bababa?
Pasahero: Sa semento po.PS: Tinype ko sya kahit nabasa ko lang din naman para hindi masabing copy paste haha!
MaCOOLit
Ctto.