Kanina kasi naglalaro si daddy ng Plants vs Zombies sa computer namin. Tapos maya-maya papasukin na ng Zombie yung bahay e hindi pa nagre-recharge yung Jalepano (yung sili na pag tinanim umaapoy) Tapos dahil adik kami sa sa K-Drama ng mga kapatid ko, habang nanonood kami kay daddy nakikisigaw kami ng korean words kase nga papasukin na yung bahay.Ako: Waaahhh! Abeoji! (Abeoji means Father) Papasukin yung bahay!
Ate: Waaahahaha! Abeojiiiii!!
Bebe: Abeojiii! Dalian mo!
(si daddy kase pag natetense sya lalo syang nagagalit)
Daddy: P*tangina mo sili! Bilisan mooo!
Kaming lahat: Wahahahaha! abeojiiii!!Tapos nakarating na sa pinakadulo yung Zombie nung nagrecharge yung Jalepano tapos agad-agad na tinanim ni daddy yun dun.
Daddy: Yeaaaah! Nanalo pa ko nun! Angaling ko noh!
Kaming lahat: Waahahaha! Abeojiii!! Abeojiii!! (tawang-tawa talaga kame kay daddy e.)
Daddy: I wooooon! Yeaaahhh!
Ate: Yown oh! Panalo! Galeng ahh! Balato naman!
Ako: Abeojii! Balato naman!
Daddy: Sige bili kayo ice cream dun! Akalain mo yun! nanalo pa ko. Last minute na yun ah! (sabay abot ng pera)
Ako: Mamaya na. Tinatamad pa ko e.
Daddy: Ngayon na! (nagulat talaga ko dun sa sigaw niya e)
Ako: Ye Jeonha (Yes your highness)Laptrep talaga! Kase nanalo lang siya nagpabili na ng ice cream! Sana araw araw syang manalo sa Plants vs. Zombies!
P.S: Itatag ko si daddy pag napost to :)
Mermaid
Caloocan