CHAPTER 1

7 1 0
                                    

"OMG SOPHIA!!!"

Isang nakakabinging sigaw ang aking narinig mula sa labas ng aking kwarto.

Maya-maya lang nagbukas na ang pinto at ang magaling kong kaibigan ang pumasok.

"OMG Sophia alam ko na kung kelan ang selling tickets~" tinanguan ko lang siya para ituloy niya.

" Sa april-"

Naputol ang kanyang sasabihin dahil sa may nag door bell.

"Sige mamaya mo muna sabihin titignan ko lang kung sino yun baka si mama na yun." tinanguan niya lang ako

Bumaba ako para tingnan kung sino iyon. Bago ko buksan ang pinto tinignan ko ang maliit na butas na nasa pinto at nakita ang imahe ni mama na napaka-daming dala-dala.
Agad kong binuksan ang pinto.

"Ma napaka-dami mo namang dala-dala." binitbit ko ang dalawang malaking supot at pinasok sa loob.

"Pasensya na Sophia ha. Naku marami pa sa labas." Aakma na sana siyang buhatin ang mga gamit pero pinigilan ko.

" Ako na po. Magpahinga na po kayo diyan. Papatulong na lang po ako kay Ali." Sabi ko sa kanya habang inaalalayan siyang umupo sa sofa.

"Salamat Iha." nginitian ko lang siya.

"Kamukha mo ang tatay mo." sabi niya at ngumiti. Ang aking ngiti ay dahan dahang nawawala. sinikap kong ngumiti ng tipid.

"Sige po tawagin ko lang po si Ali." tinanguan niya lang ako.

Umakyat ako sa kwarto para tawagin si Ali. Habang papunta sa kwarto ko. Iniisip ko si tatay. Ayoko sana siyang isipin pero hindi maiwasan e. Ang hirap isipin na wala siya ngayon sa tabi ko at iniwan na akong mag-isa. Siya na nga lang meron ako mawawala pa siya. Sumunod pa kasi siya kay nanay. Pero kung tutuusin wala siyang kasalanan ang may kasalanan ay ang pesteng kriminal na yun. Dahil sa kanya nawala si tatay. Dahil sa kanya suma-kabilang buhay na siya.

Di ko namalayan na may tumulo na pala na luha sa gilid ng aking mata. Agad ko itong pununasan. Kainis kasi lagi na lang akong naiiyak pagdating kay tatay. Di ko rin namalayan na nasa tapat pala ako ng pintuan ng CR. Ayy bwisit sabi ko sa kw-

"AAAAAHHHH!!!" sabay namin sigaw ni Ali. kainis tong si Ali. bigla kasing nagbukas yung pinto at lumabas siya at yun nagkasigawan pa kami.

"Ano ba manggugulat ka pa!" sigaw niya sa akin

"Aba ikaw nga bigla bigla lumalabas!" sigaw ko rin.

"Ako pa tong may kasalanan e ikaw nga diyan na mukang kanina pang nakatayo!"

"E k-kasi.. l-lutang isip ko kaya napunta ako dito."

"Yan kasi. Hmm ewan ko sayo. Magc-Cr ka ba?" tanong niya

"Hindi."

"Hindi pala pero nandito ka? diyan ka na nga fangirl pa ako e." aakma na sana siyang umalis pero hinila ko ulit siya. Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Tulungan mo ko magbuhat ng gamit ni mama, nandiyan na siya at mukang stress na stress." sabi ko at bumaba na kami.

Pagkatapos namin ipasok ang mga gamit ni mama. Narito kami sa hapagkainan, kumakain.

"Bakit nga pala Ma ang dami mong gamit na inuwi? mukang galing lahat sa opisina." sabi ni Ali. nagkatinginan kami dahil may kutob ako na...

"Wala na. wala na akong trabaho. Pasenya na anak." sabi niya at napayuko.

Sabi ko na nga ba. Paano na yan wala ng trabaho si mama pano na yung mga pambayad sa bahay? paano mga gastusin sa bahay? Saan kami kukuha ng pantutos sa araw-araw? Naaawa ako kay mama.

"Wag kayong mag-aalala magahahanap agad ako ng trabaho." sabi sa pagitan ng pagsinghot. Pati si Ali naiiyak na.

Tinapik ko si Ali at sinen-nyasan na yakapin ang mama niya. Tumango naman siya. Tumayo siya at lumapit kay mama at niyakap, niyakap rin siya pabalik ni mama.

Yung totoo hindi ko nanay o mama ang mama ni Ali. Tinawag ko siyang mama simula ng nawala si tatay. Ang mama kasi ni Ali ang kumupkop sakin. Tinuring niya akong totoong anak gaya kay Ali. Tinuring narin akong tunay na kapatid ni Ali. Hindi nila ako pinabayaan, kaya tinuring ko na silang pamilya.

***
Kasalukuyan kami ni Ali na nakatutok sa kanya-kanyang laptop para maghanap ng trabaho. Napag desisyon namin na tulungan si mama. Napagkasunduan namin na kami na lang ang magtrabaho instead na si mama.

"Ano nakahanap ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"Wala pa e." sabi niya at naginat-inat pa

"Sige pahinga ka muna diyan, maghahanap na ako." tinanguan niya lang ako at dumeretso sa kama ko at humiga.

Itutuloy ko sana ang paghahanap ng trabaho pero naputil din dahil sa may tumawag sa akin.

"Hello?" sagot ko

"Hello Sophia?" o si ano to ahh

"Alex napatawag ka"

"Ahh oo kasi kailangan ka dito eh"

"Ha? Hindi pa naman tapos yung Break ko ah?" tanong ko.

"E kailangan ka talaga dito. Basta bukas makipagkita ka sakin."

"Sige na nga basta importante yan ha."

"Oo sige na."

Hay mukang balik trabaho na ako. Wait. Tama. Tamang-tama kailangan ko ng trabaho. Buti na lang at kinailangan ako sa Quarters. Yes may trabaho na ako. ayy mali pala balik trabaho na ako.

~•~•~•~

Protect || Park JiminWhere stories live. Discover now