CHAPTER 2

11 1 1
                                    

"Ali dyan ka muna ha pinababalik na ako dun." sabi ko habang binobotones ang polo ko.

"Ok buti ka pa may trabaho agad. ay hindi pala. Buti ka pa balik trabaho na." pagmamaktol niya.

"Ok lang yan makakahanap ka rin. Tutulungan na lang kitang maghanap." offer ko sa kanya. Nginitian niya lang ako

"Salamat Sophia !" nginitian ko lang siya

"Oo nga pala nakalimutan kong sabihin."

"Ano yun?" tanong ko habang nagsusuklay

"Sa april 1 and 2 na ang selling tickets ng concert!" dahil dun bigla akong nasiyahan.

"Medyo malapit na. O MY G eto na yun Sophia." sabi niya at nagtatalon pa sa kama ko.

"Oo nga. Kaso ang problema wala tayong sapat na pera kulang yung ipon ko, ipon nating dalawa." lumungkot ang kanyang ekspresiyon at tumigil sa kakatalon

"Oo nga. Tapos si mama pa kailangan din nating tulungan para sa gastusin sa bahay."

"Wag kang mag-alala dahil may trabaho na ako, makakatulong yun." sabi ko sa kanya

"Pero hindi sapat ang sweldo mo diba?" tanong niya. Oo nga hindi sapat sweldo ko. Kung tutuusin gastusin pa lang ng bahay ang kaya ng sweldo ko, Paano pa yung pang concert namin.

" Wag kang mag-alala basta ang gawin natin ngayon ay ang magtipid. okay?" sabi ko sa kanya dahilan para mag cheer up siya.

"Okay!" tumayo siya at niyakap ako. niyakap ko rin siya.

"Sige na aalis na ako baka naiinip na yung si Alex alam mo naman yun." tumango naman siya.

Pagbaba ko ay nagpaalam ako kay mama na pinababalik na ako sa trabaho. Tuwang-tuwa naman siya para sa akin.

"Lagi kang mag-iingat ha?" tinanguan ko lang siya at hinalikan sa pisngi.

"Bye ma!" kumaway ako at sumakay na ng kotse.

***
"What?"

"Sabi ko kailangan mong pumunta ng concert."

OMy. Totoo ba naririnig ko ang pumunta ako ng concert. Omygahd I can't believe it. Makikita ko na sila. Siya. Ang kaso yung pambayad. Wala ako niyon. :(

"Wag kang mag-alala, Quarters na ang may sagot ng concert ticket mo." sabi niya sakin dahilan para ako ay ngumiti ng sobrang laki.

"Talaga? Oh my Ghad!...Pero teka may koneksiyon ba ito sa mission?" tanong ko.

"Oo."

Kaya pala ako pupunta dahil sa concert pero anong gagawin ko dun. Ano o sino ang po-protektahan ko?

"Heto.." nilahad niya sakin ang isang folder. "Nandiyan ang case ng tao na po-protektahan mo." binuksan ko ang folder para tiganan kung sino at laking gulat ko na ang tumambad sa akin ay ang emahe ni...

"Park Jimin?"

~•~•~•~

Protect || Park JiminWhere stories live. Discover now