"Dalian mo baka mahaba na pila." sabi ni Ali habang naghihintay sa may pintuan.
"Oo teka lang." sabi ko habang sinusoot ang jacket kong itim.
Nakasuot ako ng Black pants, Timberland, White Shirt at ang black jacket ko. Di na ako nagdala ng bag kasi cellphone at money lang naman at ticket ang dala ko. Syempre light stick di mawawala, pinalagay ko lang yun kay Ali sa maliit na bag niya. Di ako makakapagdala ng any weapon kasi alam ko iinspect yun ng mga security guards.
Dumeretso na kami sa kotse ko at sumakay.
"Ano may nakalimutan ka?" tanong ko sa kanya. Chineck niya yung bag niya at bulsa. tinignan niya ako at umiling.
"Good lets go." nilagay ko na ang earpiece ko sa tenga ko. kailangan ko ito para may contact kami ni Alex about sa assassin. Kailangan ko rin si Alex para tulungan akong mahanap agad yung assasin.
"So? Habang nagco- concert hinahanap mo yung nag threat?" tanong niya. lumingon ako sa kanya saglit at tumingin sa daan since ako ang driver.
"Well oo baka nga di ako makapag focus sa concert dahil sa lintik na threat na yan." Totoo naman eh, di talaga ako makakapag saya dahil hindi mapapanatag ang loob ko hanggang nasa paligid yung assasin.
Pagkapark namin, kaagad kaming pumila para naman hindi kami masingitan at maunahan. Medyo mahaba na ang pila kahit maaga pa kaya tiis-tiis muna. Inabot kami ng siyam siyam bago papasukin sa main concert event. VIP Standing kami kaya nasa harap kami. Malapit na malapit sa stage. Yung pwede mo na talagang hawakan yung stage sa sobrang lapit.
"Omy ghad Sophia, ang lapit- lapit natin. Ahhh" Sabi niya habang nakahawak sa railings at inaabot ang stage.
Tumingin- tingin ako sa paligid at may mga tao na sa may taas at may mga nakabukas na lightstick na kaya kita mo dito ang maliliit na ilaw. Kahit na nakabukas pa ang ilaw sa kabuuan ng main event, ang ganda parin tignan. Biglang naputol ang pagmumuni-muni ko ng may nagsalita sa earpiece ko. Si Alex.
[" Dito ko sa may taas. Saan ka na?"] tanong niya.
"Dito nako sa harap." hinahanap ko yung spot niya dahil sa maliwanag pa, nakita ko agad siya nakatayo at mukang hinahanap ako.
"kakaway ako para makita moko." sabi ko at kumaway ako. Mukang nakita naman niya ako. kumaway naman siya pabalik.
["Maging alerto ka baka mamaya nandiyan yan sa paligid."] sabi niya habang tumitingin- tingin sa paligid.
"Ikaw rin maging alerto. Baka mamaya nandiyan siya sa taas, dahil alam mo na baka sniper ang dala." tumingin-tingin ako sa paligid kung saka sakaling may suspicious na assassin. Tsaka paniguradong makakapagdala ng weapon yun dahil 'di naman kasi mawawala sa kanila ang ganun lalo na kung planado na nila. Jusko sana 'di makagulo ng sobra dito pag nagkataon na may nangyareng di maganda mamaya.
["Sige na it's about to start"] sabi niya. Kumaway siya at umalis sa pwesto, mukang uupo na.
Namatay lahat ng ilaw kaya ang makikita mo na ngayon ay ang mga lightstick sa buong paligid. Wow ang ganda. As in WOW.
"Huy eto na lightstick mo." nilahad sakin ni Ali yung lightstick ko at binuksan. Umilaw naman ito.
Nagsimula na ang concert kaya ang mga fans todo tili, cheer, at sumasabay pa sa mga kanta. Pati si Ali na katabi ko napaka hyper. Nagtatatalon pa at nagtititili. Ako? Eto di mapakali kasi todo tingin ko sa buong paligid. Di ko makuhang makapag focus sa performance nila.
"Huy papalapit na sila. Ahhh!" Tili ni Ali. Tinignan ko naman ang stage at papalapit nga samin. Oh my ghad kung pwede lang magwala nagawa ko na kaso may tungkulin pakong kailangan gawin. Nang makalapit na sila para akong nabuhayan lalo. Hindi ko ma-explain yung emosyon ko. Sobrang galak na maiiyak? kasi atlast nakita ko na sila. Malapitan pa. Hindi lang iyon. Nakita ko pa siya.
Kumakaway sila sa mga fans ng magtama ang mga mata namin ng ilang segundo. O my ghad! nakipag eye contact ba ako sa kanya or something? Natauhan ako ng sumigaw si Ali.
"Hi Taehyung!" kumaway siya. Kumaway naman pabalik si V sa kanya at hindi lang iyon Kinindatan pa siya. Tinignan ko si Ali na tulala na nakangiti. Tinapik- tapik ko naman ito.
"Huy ano buhay ka pa?" tanong ko.
"Hindi lang buhay. Buhay na buhay." grabe kasi yung mukha niya priceless. hahaha
Sa kalagitnaan ng pagkaway- kaway nila sa fans. Nagsalita si Alex mula sa earpiece.
["Sophia bumaba ako sa area niyo pero nasa dulo ako."] ha? bakit siya bumaba. tsaka pano siya nakababa diba bawal at mapapagalitan siya ng guard?
"Bakit ka bumaba sa area namin? Diba bawal bumaba, tsaka malay mo nandiyan siya sa taas." hinahanap ko siya sa dulo pero hindi ko siya makita.
["Basta kwento ko na lang kung paano ako nakababa. Pero nahanap ko na siya. masyado siyang pahalata pero ako lang nakapansin. Bumaba siya dito sa may dulo. Hindi ko alam kung bakit at paano. Baka dito na siya mage- aim ng shoot."] sabi niya. Hala kailangan ko ng maghanda baka mabaril niya ng wala sa oras si Jimin at magkagulo dito. Hindi ko hahayaang mangyare sayo yun Jimin. Hindi ko hahayaang may mangyareng masama sayo.
~•~•~•~
Ang lalaki na ng mga spaces no? haha syempre. -Maxin
YOU ARE READING
Protect || Park Jimin
Fiksi PenggemarHeto ako ngayon nakatayo kasama ang maraming taong naghihiyawan, nagkakasiyahan, nagliliwaliw dahil sa grupong kanilang hinahangaan. Ngunit kahit ako'y nasa harap at ang lapit-lapit sa kanila ngunit hindi ko magawang sumaya. Ang tanging nasa isip ko...