Chapter 6
Bianca POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw grabe ang ganda ng tulog ko. Tska ang lambot lambot ng kamang hinihigaan ko...
Napatayo nalang ako bigla ng maalala ko na wala pala ako sa bahay kundi nasa bahay ng isang demonyo.
Tumingin ako sa paligid ng kwarto black and white ang theme nito. Halatang lalaki ang may Ari. Dahil narin sa Amoy ng kwarto
Nag mamadali akong bumaba para maka-uwi na dahil late na late na late na ako sa trabaho ko.
"Good Morning ma'am" bati sa akin ng isang katulong at nag bow pa ito sa akin
"Good morning din po" halatang nagulat pa ito sa sinagot ko may isang babae pa ang lumapit sa akin
"Maam breakfast na raw po kayo" sabi niya sa akin sabay alis nong isa pang katulong kanina
"Wag na po aalis na rin ako" sabi ko at tumalikod para maglakad
"Ho? Pero maam magagalit po si sir" habol nya sa akin
Pag bukas ko sa pinto ay nanlaki ang Mata ko sa nakita ko. Isang napakahabang gate ang nakita ko
At may mga lalaking nag aaligid dito. Parang sasabak sa wrestling ang mga lalaki dhil sa laki ng mga katawan nila may dala-dala din silang armas
"Kong inaakala mong makakaalis ka dito nag kakamali ka" napatingin ako sa nagsalita na nasa likuran ko
"IKAW!" Sigaw ko sa kanya habang dinuduro
"What?" Pagtataka niyang sagot.
"What wha-tin mo mukha mo!" Sigaw ko at nag patuloy sa paglalakad
Patungo sa gate ng may Sampung lalaki ang humarang sa akin
"Padaanin nyo ako" utos ko sa kanila pero parang wala silang narinig kaya tumingin ako Kay Bryan na naka pamulsa. Relax na relax ang gago habang ako. Arrghh..
"Sabihin mo sa kanila na padaanin ako" utos ko sa kanya pero nakatitig lang ito sa akin parang walang narinig
"ANO?! Tutunga kalang dyan" Irita kong sigaw naglakad siya palapit sa akin kaya kinabahan na ako
"Awh!" Reklamo ko ng pinitik niya ang noo ko
"Papa-uwiin kita. Pero sa dalawang condisyon" sabi niya sa akin. Ano nanama kaya'ng condisyon to
"Ano na naman Yan" mahinahon kong sabi
" Eat first.at ihahatid kita"huminga ako ng malalim at ibinuga ito
"AYOKO!!"Mariin Kong sabi
"Ayaw mo?. Ok dito ka lang at di ka makakauwi" sabi niya at tinalikuran ako
Habang naglalakad siya papasok sa mansyon nya ay may lalaking biglang bumulong sa kanya at nag mamadaling tumakbo sa mga lalaki sa may gate
Nakita ko na lang si Bryan na nagmamadaling lumapit sa akin habang tumatakbo
"Yuko!!" Sigaw niya sa akin bigla nalang akong Napa upo dahil sa malakas na pag putok ng baril
"Ahhh!!." Sigaw ko dahil sa gulat at napatakip sa tenga
"Yuko ka lang Bianca yuko!" Sigaw niya
Habang ang kanyang mga gwardiya ay nakikipag palitan ng putok sa nga umatake sa amin.
Kahit naka sirado ang gate ay pumapasok parin ang mga bala galing sa labas.
May kinuha si Bryan sa bulsa nya. Cellphone pala niya at may tinawagan
"Hello. Ced inatake kami sa Mansyon magdala kayo ng mga tauhan bilis!" Utos nya
"Ano bang nagyayari?" Tanong ko sa kanya
"Inatake kami ng kalaban" tanging sagot nya
"Gumapang ka papasok ng mansyon. Ngayon din" utos niya sa akin
"Ayoko! Ayoko! Di kita iiwanan dito " sigaw ko
"Sige na Bianca. Ayokong makita mo ako kaya sige na your not safe here" sabi niya ulit sa akin
"Ayoko nga sabi bat ba ang kulit mo!" sigaw ko
"Please hanggang dito ba naman mag tatalo tayo!" Sigaw niya sa akin
"Eh ikaw kas-- Ahhhh!." Sigaw ko ng may biglang malakas na pagsabog ang naganap
Ng mangyari yun ay hinila nya ako papasok ng Mansyon habang tuloy parin ang putokang nagaganap
"Stay here I'll be back" sabi niya sa akin
"No..bry dito ka lang" naiiyak Kong sabi
"I'll be back I promise" sabi nya at hinalikan ako sa noo
DID HE KISSED ME???!
Ilang minuto pa bago natigil ang putokan ng nakasigurado akong wala ng putukang nagaganap ay
Tumayo ako at lumabasPag labas ko nag kalat ang mga basag na mga salamin at mga katawan ng tao sa labas ng gate
Nakita ko si Bryan na itinutok ang baril sa lalaking gumagapang then.
*bang* *bang* *bang*
Binaril niya ito ng tatlong beses
Bigla siyang napatingin sa akin. Nagmadali siyang lumapit at hinila ako papalabas ng gate
Wala parin akong imik sa nangyariNakita ko sina Ced,Tyrone, Jacob and James nabaling ang tingin ko sa sasakyang sumabog ito siguro ang dahilan ng malakas na pagsabog kanina
"Alamin nyo Kong sino ang may gawa nito" utos nya sa apat nagkatinginan kami ni Ced ang laki ng pinag bago nya
"Ok ka lang ba Bianca? Nasaktan ka ba?" Nagulat ako sa ginawa ni James parang may hinahanap siyang pasa sa katawan ko
"Don't touch her!" Bulyaw sa kanya ni Bryan
"OA nito nag aalala lang ako" sabi ni James pero wala paring lumalabas sa bibig ko
"Ced pahiram Mona ng kotse mo" sabi ni Bryan Kay Ced
Inabot naman ni Ced sa kanya ang Susi
"Mag ingat kayo. Ako na bahala dito" sabi ni Ced tumango lang si Bryan bilang sagot
Habang bumabyahe kami ay tahimik lang kaming dalawa
"Are you okay?" Tanong nya sa akin tumango lang din ako bilang sagot
"Okay lang"walang gana kong sagot
"Yung nakita mo kanina normal lang yun" anito.
Anong normal,normal lang ba na barilin ang isang taong gumagapang na walang kalaban laban
"Sayo normal pero sa akin hindi" narinig ko pa malalim niyang pag hinga.
"Just forget it" kakalimotan nalang ba yun. Siguro nga hanggang sa mamatay ako hindi ko parin makakalimotan ang nangyari.
-------------
A/N: Ang lame ng Action ko. Pag pasensyahan nyo na begginer lang po ako sorryVote and comment
BINABASA MO ANG
My Ex Is A Mafia Boss (Complete)
RomanceFour years na ang nakalipas mula nong iniwan ko siya dahil sa nalaman kong katutuhanan. He court me dahil lang sa Pustahan. Pero ang sabi niya di na daw nya iyon itinuloy dahil na fall na rin siya sa akin. Pero Ewan ko ba kahit Anong gawin ko nasasa...