2.

0 0 0
                                    

Yale's Pov:

Pagkapasok na pagkapasok ko, nakaramdam na ako Ng nakakakilabot na enerhiya.

Well, di na nakakapagtaka Yun, academy to Ng mga nilalang na may kapangyarihan eh.

So far, Wala pa masyadong mga estudyante, bukas pa kasi ang 1st day Ng school. Pauwi pa Lang siguro Yung iba o Kaya naman nasa dorm nila.

May mga nakakasabay ako na mga estudyante na sa tingin ko mga transferee Rin na Gaya o Kaya naman mga 1st year.

Paano ko nalaman? Dahil iisa Lang Ang pupuntahan namin, at Yun ang auditorium. Hindi naman mahirap hanapin dahil may binigay naman na map nung nag enroll kami.

Actually, malaki rin Ang naitulong Ng map na ito, kasi natitiyak ko na maliligaw ako Kung sakali Wala silang   ibinigay.

Napakalaki naman kasi Ng academy na ito. Old fashioned na kastilyo Ang itsura niya, parang sa Harry Potter, palawakin mo pa dahil, pagpasok mo sa loob, may mga kastilyo ka pa rin ba makikita.

Kung ihahambing sa school sa mortal world, kumbaga mga buildings Yung mga nasa loob, pero di hamak na malalaki, kastilyo pa rin naman din kasi eh.

Pagpasok mo kasi sa pinaka kastilyo, may makikita ka pa na sabihin na natin mga mini kastilyo or mga department or buildings na Alam natin sa mortal world.

Sa kaliwa, may tatlong kastilyo, Ang nakalagay sa mapa, Ang tatlong kastilyo daw na yan ay dyan matatagpuan Ang mga classrooms, training rooms, etc.

Sa unang kastilyo, nandyan Ang mga classrooms Ng 1st year and 2nd year, kumbaga dyan sila tambay hehehe.

Sa pangalawa naman, nandyan Ang mga rooms Ng 3rd year and 4th year, dahil 4th year na ako sa pasukan, dyan ako mananatili.

Sa ikatlo naman, nandyan naman Ang sa 5th and 6th year.

Sa Kanan na bahagi ko naman, may makikita ka na apat na kastilyo. Yun naman Ang mga dorms. Hiwalay Ang sa babae at lalaki.

Sama sama sa isang kastilyo/dorm Ang 1st year hanggang 3rd year na mga babae. Samantalang, sama sama naman Ang 4th year at hanggang 6th year na mga babae, ganun din Ang sa mga lalaki.

Hindi ko nga alam kung anong meron at after Ng 4th year, lilipat ka pa Ng dorm, kaurat Lang. Parang Wala naman pinagkaiba eh. Oh well, magic school eh, walang imposible.

Sa gitna naman, may isang malaking kastilyo. Doon kami papunta sa kastilyo na nasa gitna. Dahil nandoon ang auditorium.

Nandoon din Ang headmaster's office, main library, may mga training rooms din at marami pang ibang rooms na di ko alam kung ano Ang nasa loob.

Oh well, makapunta na nga sa auditaurium. Habang naglalakad ako, may sumabay sa akin sa paglalakad.

" Hi! Ako pala si Sid. Sid Ortez., Ikaw ano pangngalan mo?" Nakangiti niyang tanong. Ang friendly masyado nitong lalaki na ito.

" Yale" sagot ko naman.

"1st year ka noh?"  Huh? Anong 1st year?

"Hindi. Transferee ako"

"Weh? Di nga?" Pinagloloko ba ako Ng lalaki na ito? Magtatanong tapos hindi maniniwala?

" Oo nga, transferee ako. Eh ikaw?"

" Talaga? Hindi halata, mukha ka pa kasing bata hahahaha, oh well, Hindi naman na transferee ako pero kasi nag stop ako Ng isang taon, dapat nasa 5th year na ako pero dahil nag stop ako 4th year pa Lang ako."

Ahh ganun pala, Kaya parang Alam na Alam na niya ang gagawin dito.

" Ano pala kapangyarihan mo? Plant manipulator ako eh" proud niya na Sabi.

" Nice. Ahh ako? Kaya ko mag travel sa past and future" nahihiya Kong sagot.

Paano Naman kasi ang corny nung akin, Kung titignan pang babae ang kapangyarihan na Yun.

" Talaga?! Ang cool naman!"

" Huh? Paano naging cool Yun? Eh mukha ngang pambabae Yung kapangyarihan ko"

" Uy hindi ah! Ang cool nga eh! Parehas kayo Ni patr-"

" Boys! Tama na ang kwentuhan at pumasok na kayo sa auditaurium!" Sigaw nung isang professor.

Nakakatakot siya sa totoo Lang. May pula siya na Mata!

" Tara na Yale! Pasok na tayo" at hinila na ako ni Sid.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa auditaurium, namangha agad ako sa nakita ko. Ang lawak at Ang ganda!

Naka Air-conditioned Ang buong auditaurium, carpeted Ang sahig at Ang upuan ay parang sa upuan Ng mga royals sa mortal world.

Marami rin na mga chandeliers na wow, may mga diamonds at crystals! Kumikinang kinang pa!

" Oy Yale, tulala ka na dyan hahaha, Tara na doon tayo umupo sa may gitna!" tawag sakin Ni Sid.

Nang makaupo kami, saka ko Lang napansin na marami Rami din pala kaming mga bago. Hiwalay Ang upuan Ng mga transferee at mga 1st years.

Nang makaupo na ang lahat, saka naman may pumanik sa taas.

Nandoon ang professor na nakakatakot kanina, Yung May pulang Mata. Mayroon din na babae na sa tingin ko professor din na may kulay berde na buhok.

Marami pang ibang mga Tao sa stage na sa tingin ko may mga katungkulan sa paaralan na ito. Lahat sila ay nakasuot Ng puti na blazer.

Ang huling umakyat ay Ang isang lalaki na matangkad, maputi, may pagkalaki Ang katawan, may itsura kahit matanda na, siguro mga nasa 40s na ito.

Ang Mata niya ay kulay asul na Ewan ko ba, parang may something sa loob Ng Mata niya. Nakakakilabot Ang presensya niya. Seryoso Ang mukha niya.

Sa pagdating niya, saka tuluyang tumahimik Ang buong auditaurium.

" Good morning students! Welcome to Shadow Glass Academy! I am your headmaster, headmaster Lucas Yiriel." Seryoso niyang pagpapakilala samin. Pero nagpalakpakan na Lang din kami.

Pagkatapos namin pumalakpak, tumuloy na niya ang kanyang sinasabi.

" We all know that Shadow Glass Academy, is an academy for people who are gifted. We're here to train you on how to control your powers and use it for the betterment of our world. So now, I'm going tell you the rules of this school. You are not allowed to go outside the academy until you graduated here, unless you have a permission from me. You are only allowed to go out if we gave you a mission."

Mission? Nagbibigay sila Ng mission sa mga estudyante?

" Second, you are not allowed to stay outside your dorm after the dinner. And lastly, you are not allowed to fight each other whenever you wanted to. It can caused a commotion, and we don't want that to happen"

Seryoso niya kami tinignan Isa isa.

" So students, that's all for now, I hope that you would enjoy your stay here in the academy. See you around!"

At bigla na Lang siya nawala....

Soo, talagang nawala siya agad. Agad agad!

" Students, pwede na kayo pumunta sa mga dorm niyo, and good luck tomorrow." sabi nung babaeng naka kulay berde na buhok.

" Yale , Tara na! 4th year ka rin naman diba? Ano room number mo?" nakakagulat naman itong si Sid.

" Ahh, room number 325 ako"

" Oh? Sayang naman, 307 Ang room ko eh, ba yan kabanas naman!!"

" Hahahah, okay Lang Yan, magkikita at magkikita pa rin naman tayo eh."

" Tsk, mag aadjust na nman ako, Yung Nakaraan kasi, Yung nakasama ko sa room, weird eh."

" Di Yan, tiwala Lang, sige na Tara na, at Ng makapagpahinga pa tayo."
yinaya ko na siya at nagtungo na sa magiging dorm namin.


 Shadow Glass  AcademyWhere stories live. Discover now