Yale's Pov:
Nandito na ako sa tapat Ng napakalaking gate ng eskwelahan na bago Kong papasukan.
Hindi ko mapiglan Ang mamangha dahil sa aura na ipinapakita nito. Sa unang tingin mo pa Lang, Alam mo na ang kayang gawin Ng eskwelahan, o sabihin na natin Ang nga Tao sa likod nito.
Shadow Glass Academy.
Iyan Ang pangngalan Ng paaralan na papasukan ko. Isang paaralan na tanyag sa galing nilang magturo sa mga estudyante na pinagkalooban Ng mahika.
Oo. May mga taong nagtataglay Ng mahika, at kabilang na ako doon. Sa totoo Lang, nanggaling ako sa mundo Ng mga Tao kasama Ang aking nanay.
Sa isang pampublikong paaralan Lang ako nag aaral sa mortal world, at Walang nakakaalam Ng Kaya kong gawin, maliban na lang sa aking nanay.
Wala akong intensyon na pumasok sa paaralan na ito dahil hangad Lang naming mag Ina Ang simpleng pamumuhay.
Ngunit, nagbago Ang lahat. Kinailangan akong ipasok Ni mama sa eskwelahan na ito dahil sa naganap noong isang Gabi.
Flashback:
11:30 na ng gabi, pero di ko alam at di ako makatulog. Kanina ko pa naman natapos ang proyekto ko eh. Uminom na rin ako Ng gatas, pero Ewan ko ba kung bakit parang may Hindi maganda sa gabing Ito.
Tulog na c mama, at papagalitan ako nun kapag nalaman niyang di pa ako nakakatulog! Aishh!! Badtrip naman, maaga pa ako bukas eh!!
Haaayy, makahiga na nga Lang at pipilitin ko na Lang ulit Ang matulog.
Di pa ako nagtatagal sa paghihiga Ng makarinig ako Ng malakas na kalabog sa pintuan namin sa baba!
"Ano Yun?!!" Di ko alam ang gagawin ko, ano yun magnanakaw?!!
Dali dali ako bumaba sa kama para sana puntahan si mama Ng bumukas Ang pintuan at pumasok si mama.
"Yale! Dito ka Lang, huwag na huwag Kang lalabas Ng kwartong Ito, naiintindihan mo?" paalala Ni mama.
" Pero ma, huwag mong sabihin bababa ka?! Di natin alam kung anong kayang gawin nung magnanakaw na Yun?!"
" Basta! Makinig ka na Lang sa akin! Huwag matigas Ang ulo!" bago pa ako makapagreklamo, umalis na si mama at sinarado Ang pintuan.
Kinakabahan ako para Kay mama, babae siya, ako dapat Ang proprotekta sa kanya.
Kumalabog na naman ang pintuan at sa pagkakataong Ito, mas malakas na!
Hindi ako makagalaw sa pwesto ko, gusto ko lumabas at puntahan si mama pero di ko alam kung paano ko siya tutulungan!
Naging sunod sunod na ang pagkalabog Ng pinto hanggang sa marinig ko Ang pagbagsak nito sa sahig, tanda na nabuksan na nito Ng Kung sino man Yun.
Sa pagkakataong Ito, Alam ko na kaharap na Yun ni mama, at bago ko man isip, inipon ko na ang lahat Ng lakas ng loob na meron ako at lumabas.
Habang binubuksan ko Ang pinto, Hindi ko maiwasan manginig, dahil naging sobrang tahimik Ng paligid. Ang kaninang ulan Ay nawala.
Nang tuluyan ko Ng mabuksan Ang pintuan, pinakiramdaman ko muna Ang paligid. Sobrang dilim at lamig, Ang liwanag lamang na nagmumula sa labas Ang naging ilaw ko.
Dahan dahan kong tinahak Ang ibaba. Nakita ko pa Ang sira naming pintuan. Ngunit wala ako nakitang Tao, kahit si mama.
Nang makababa na ako Ng hagdanan, may narinig akong nag uusap sa isang kwarto.
" So Ang ibig mong sabihin, kahit siya gustong kunin?!" Boses Yun ni mama ha? Hindi ako pwede magkamali.
" Oo,at doon Lang siya magiging ligtas. Ma proprotektahan siya Ng mga Tao doon" boses Ng isang lalaki Ang narinig ko. Mababa at nakapagbigay sakin Ng kilabot. Sino ba yun? Bakit siya kausap ni mama?
"Pero nandoon ang dalawa? Hindi ba mas delikado Yun? Alam nating lahat na gustong gusto niyang kunin Ang dalawa, lalo na ang isa" Sino ba Ang mga tinutukoy Ni mama?
" Wala ka na pagpipilian. Buhay niya ang nakasalalay dito. At isa pa, Alam na rin niya ang tungkol dito." Ano raw?
" Anong ibig mong sabihin?" Tanong Ni mama sa lalaki.
" Dahil Nandito at narinig Ng anak mo Ang napag usapan natin" nagulat ako Ng biglang tumingin sa gawi ako Ang lalaki. Gulat naman na napatingin sa akin si mama.
"Yale?! Kanina ka pa dyan?!" Nag aalalang tanong sakin Ni mama.
" H-hindi ko p-po sinasadya na ma-marinig yung mga pinag uusapan niyo." Kinakabahan ako, baka Kung anong gawin sakin nung lalaki, dahil narinig ko Ang pinag uusapan nila.
" So siya pala yun? Kim, Kung gusto mo maging ligtas Ang anak mo, dalhin mo siya dun."
Pinagmasdan ko Ang lalaki. Matangkad siya ay may kakaibang aura. Ngunit Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakasuot siya Ng cloak, isang kulay gintong cloak. Kala ko tapos na siya magsalita, ngunit, nagulat ako sa sunod niyang sinabi.
"Dalhin mo siya sa Shadow Glass Academy" pagpatuloy Ng lalaki.
Hindi ko alam ang dapat ko maramdaman. Iisa Lang Ang ipinapahiwatig nito, may psobilidad na mangyari Ang napapanaginipan ko.
Ako si Yale Prince. At Kaya kong pumunta at dalhin Ang kahit Sino sa Nakaraan at kasalukuyan.
(Flashback ends)
Kinailangan ko pumasok dito. Ang sabi Ni mama, mas ligtas ako Kung dito ako papasok.
Hindi ko alam kung bakit ako gustong kunin Ng Sino man na Yun, Hindi naman ganun ka special Ang kapangyarihan ko.
Pero, para na rin sa ikakapanatag Ng kalooban namin ni mama, sinunod na Lang namin Ang sinabi Ng lalaki.
Sa paaralan na ito, once na pumasok ka, sa dorm ka nila kailangan mag stay. Hindi ka pwede umuwi sa pamilya niyo hanggat Hindi kayo nakakatapos Ng amin na taon dito.
Oo, 6 years Ang pananalagi ko rito. Hindi naman ako nababahala sa kaligtasan Ni mama dahil Alam ko na malakas siya.
Noong Gabi ko Lang din nalaman na Hindi lang Ang teleportation Ang kayang gawin Ni mama, Kaya niya rin Ang mag summon Ng kahit anong mga hayop na gusto niya, Isa pala siyang summoner.
Haaay, yaan na nga.
muli Kong tinignan Ang gate Ng paaralan na ito at tuluyan Ng pumasok, pumasok sa mundo Ng mahika.
YOU ARE READING
Shadow Glass Academy
FantasyOras. Panahon. Mga bagay na Hindi dapat pinagsasawalang bahala. Gagawin ko Ang lahat para mabuhay siya. Kahit Ang kapalit ay Ang buhay niya. Hahamakin ko Ang oras para sa kanya. Ngayon, maghanda na sila, dahil kahit anong gawin nila, hinding Hindi...