Yale's pov:
Pagkapasok at pagkapasok ko pa Lang sa room ko, napanganga na ako.
Sino ba naman Ang Hindi mapapanganga sa ganda nito?Dalawang Kama Ang mayroon dito. Mukhang okupado na ang Kama na nasa Kanan dahil may mga gamit na nakalagay sa side table nun. May pagkagusot gusot na rin Yung kumot.
So, dito ako sa kama sa kaliwa. Parehas Lang naman sila ng kulay, mas madilim nga Lang sa pwesto doon sa Kanan dahil pader Ang katabi Ng Kama doon.
Samantalang Ang sa pwesto ko naman, katabi Ng bintana.
Mayroon ring kitchen dito na kumpleto na sa kagamitan at mukhang mamahalin Ang mga ito.
Kumpleto rin Ang mga pagkain, at hindi Basta Basta pagkain dahil ang mahal ang mga presyo nito sa mortal world.
Tinignan ko Ang cr namin at wow Lang Ang laki! Kasing laki nito ang kwarto ko sa bahay namin sa mundo Ng mga Tao.
Parang cr Ito sa mga five star hotel na napapanood ko sa TV, ay Mali, higit pa Ang kagandahan at pagkaelegante nito sa mga napapanood ko.
Hanggang ngayon Hindi ako mapakaniwala na Nandito na ako sa paaralan na ito.
Parang kahapon Lang nung huling pasok ko sa school ko sa mundo Ng mga Tao.
Haaay, hindi ko Rin naman maiwasan Ang malungkot kahit papaano, dahil matagal ko Hindi makikita si mama.
Hindi nga rin ako nakapag paalam sa mga kaibigan ko sa mortal world. Panigurado nagtatampo Ang mga yun hahaha, para Lang mga babae.
Kapagod din Ang araw ngayon. Mabuti pa at matulog muna ako, maaga rin naman ako nagising para pumunta dito eh.
Sid's Pov:
Ba yaan, Hindi ko ka room si Yale. Mamaya weird na naman itong kasama ko. Tsk.
Kahit naman kasi nag aral na ako rito, Yung mga kaibigan ko nasa ibang dorm na, diba nga dapat 5th year na ako, kabanas naman kasi eh.
Makapasok na nga.
Pagkapasok ko, napamura agad ako. Fckng sht Lang! Bakit siya pa Ang room mate ko? Tangna naman! Bakit Ang pinsan ko pa?!!
" Oh hello there insan!" bati sa akin Ng hambog Kong pinsan.
Putspa naman! Bakit siya pa?!
" Wag mong sabihing ikaw Ang room mate ko?! Aba tangna naman Kung ganoon!!" Pustpa talaga!!
" Relax Lang insan hahahah, bakit naman ayaw mong kasama Ang napakagwapong ako? " ginagalit talaga ako nito!
" Sinong Hindi magagalit sayo?! Eh ikaw Lang naman Ang may dahilan kung bakit hanggang ngayon 4th year pa Lang ako!!!" Argghhhh! Mapapatay ko tong ungas na ito!
" Aba Aba, wag mo ko sisihin, sila tita ang nag decide Ng parusa satin nun, Malay ko ba na ganun sila magparusa, bakit ako Rin naman damay ha?"
" Sayong idea Yun eh! Kung Hindi ka kasi baliw at naisipan na pumasok dun eh di sa-" naputol Ang sinasabi ko dahil, may lumabas sa cr.
" Pwede ba? Masyado kayong maingay. Justin, pumunta ka na nga Lang sa room mo."
Sabi nung lalaking nakasalamin.
Wait, Ang Sabi, pumunta sa room mo? Ibig sabihin , Hindi dito si Justin?! Ang pinsan Kong hambog?!
Ay sus mayrosep, salamat Lord at hindi siya! Jusko, Kung nagkataon, wasak itong room na ito!
" Hoy Sam! Kung makapagutos ka akala ko mas gwapo ka sakin ha? Mas gwapo pa rin ako sayo hahahahhaha"
napaka talaga nitong Justin na ito." Hindi ka pala dito eh, umalis ka na nga Lang, epal ka na naman eh"
YOU ARE READING
Shadow Glass Academy
FantasyOras. Panahon. Mga bagay na Hindi dapat pinagsasawalang bahala. Gagawin ko Ang lahat para mabuhay siya. Kahit Ang kapalit ay Ang buhay niya. Hahamakin ko Ang oras para sa kanya. Ngayon, maghanda na sila, dahil kahit anong gawin nila, hinding Hindi...