Chapter 17

241 4 0
                                    

"Bakit hindi ka makasagot? Ganun ba kahirap sagutin yun?"tanong ko at nakita kong napaiwas sya ng tingin.





"This is not the right time for you to know the answer for that question."sabi nya kaya napalunok ako.





"Okay,naiintindihan ko. Sana pagdating ng tamang panahon masabi mo saken ang rason at sana pagdating ng panahong yun hindi pa huli ang lahat."sabi ko at nilagpasan ko na sya pero napatigil ako kasi hinawakan nya ang braso ko kaya napatigil ako sa paglakad.





"Gusto rin kitang tanungin, at gusto ko sagutin mo rin ako ng kung anong nararamdaman mo."sabi nya at naramdaman ko na ang unti unting pagtulo ng luha ko dahil sa sinabi nya.





"Do you still love me?"mahinahon nyang tanong kaya natahimik ako dahil hindi ko alam kung anong dapat kong isagot.





"Yuki."sabi nya at naramdaman kong humarap sya saken samantalang ako nakatalikod sa kanya.





"Hindi ko alam."sabi ko at pinilit kong tanggalin ang kamay nya sa braso ko pero nagulat ako ng bigla nya akong higitin kaya napayakap sya saken mula sa likod. Nanlaki ang mata ko ng niyakap nya ako mula sa likod at pinatong nya ang baba nya sa balikat ko.





"I know. Naguguluhan kalang ngayon dahil sa sitwasyon naten. Pero Yuki, wag kang magalala gagawin ko ang lahat ng kaya kong gawin tanggapin mo lang ulit ako sa buhay mo. I won't stop loving you even if you don't feel the same for me. Dont worry I will help you feel that again."sabi nya at naramdaman ko ang pagbasa ng balikat ko. Umiiyak sya at ako ang dahilan.





Tulala ako ng nakarating sa bahay, kaya sinita ako ni kuya pero hindi ko sya pinansin. Masyado ng magulo ang utak ko at ayoko ng gumulo pa lalo.




Nakapagdesisyon na ako at sana lang tama tong desisyon na to. Maaga akong nagising kaya nagayos na ako para pumunta ng school.






"Yami!"napatigil ako sa paglakad dahil sa tumawag saken ang isang pamilyar na tao. Kaya lumingon ako at nangunot ang noo ko ng makitang si Hein pala.






"O Hein. Teka bakit yata ngayon ka lang nagpakita? Ang tagal mong nawala ah."sabi ko sa kanya pero ngumiti lang sya saken.






"Wala lang, tinatamad lang akong pumasok at tsaka marami rin akong inaasikaso eh. Teka, namiss mo ko no?"nakangising tanong nya kaya napatawa ako.





"Ikaw talaga, syempre wala ng mangungulit saken eh. At tsaka medyo naging boring yung araw ko ngayong linggo kasi nga wala ka."sabi ko at napakamot naman sya sa batok nya.






"Sus makapagsalita parang walang may nangulit sa kanya habang wala ako"bulong nya peo narinig ko pa rin. Kaya nangunot ang noo ko.






"Anong sinasabi mo?"nagtatakang tanong ko. Kaya napatingin sya saken at napakamot ulit sa batok nya.





"Ano ka ba Yami, wala akong sinabi. Halika na nga ako na magdadala nyan."sabi nya at kinuha nya ang gamit ko at sya na ang nagdala ng mga yon kaya hinayaan ko na lang sya. Pero agad ko syang naalala kaya tinanggal ko na agad sya sa isip ko.






Hinatid ako ni Hein sa classroom ko at pumunta na rin sya sa first class nya. Nang magsimula na ang discussion ay hindi ako mapakali,ewan ko pero parang may kulang ngayon at alam ko sa sarili ko kung sino at hindi ano ang dahilan ng kakulangang yon.






Nang matapos ang 4 classes ko ngayon umaga ay naglakad na ako papunta sa tambayan namen pero napatigil ako ng may lumapit sakeng isang lalaki na nakatuxedo kaya medyo napaurong ako kasi ang unusual ng itsura at porma nya.





Once Again (The Seniors Book 2)Where stories live. Discover now