MABAGAL, ROMANTIKO— ganyan ko siguro mailalarawan ang kantang bumabalot sa buong lugar. Araw na ito ng JS, o kung paano namin tawagin—araw ng kalandian. Hindi naman talaga dapat ako pupunta ngayon kundi dahil dun sa kaibigan kong araw-araw yatang may menstrual cycle. Pero ayun nga, nilagnat siya kaya wala akong kasama ngayon. Details, details.
Jusko. Alam mo ba yung pakiramdam ng mag-isa? Generally speaking, mag-isa. Walang kasama, matatahimik ka nalang bigla kasi kung magsasalita ka eh iisipin ng iba na may saltik ka na. Mahirap maiwan sa ere at ayun ako ngayon. Kasi naman itong si Dennise—pero hindi ko siya sinisisi.
Sabi ko na eh, mababagot lang ako sa ka-ek-ekan na ito. Uto-uto naman ako kay Dennise, akala ko talaga makakapunta siya. Excited na excited pa siya kahapon tapos ngayon—no-show? Kung hindi ko lang talaga mahal yun, dati ko pang minurder that losyang.
Pero honestly, alam ko namang walang makipagsasayaw saakin in the first place. Paano ba naman, mukha nang connect the dots yung mukha ko sa daming pimples, at para na akong pinaputok na suman sa suot kong pinamana ng ate ko. Blue na hapit na hapit na gown. Parang pang eighteenth birthday, ba. Yung tipong isang gamitan lang tapos tago ulit sa kahon.
Pero kung alam ko lang na magiging ganito kalungkot ang JS prom na ito, pinilit ko na talagang hindi pumunta from the very beginning... hayst.
Bago pa tayo mapunta sa kung ano mang mangyayari sa kasalukuyan, bakit hindi muna natin balikan ang buhay ko bilang estudyante then kayo ang humusga...
![](https://img.wattpad.com/cover/105642547-288-k495999.jpg)
BINABASA MO ANG
Their Last High School Dance (TLHSD) [COMPLETED]
Random"Ang pinakamahirap na parte ng buhay ay ang pagharap sa mga bagay na hindi mo inaaasahan." -Danni Layne AFTER A LOT OF EDITING, BINABALIK KO NA PO ANG Truthfully Unexpected Highschool Dance pagkatapos ko pong palitan ng pamagat. Cringey title, good...