THIS IS THE DAY. Kung saan tayo nagsimula ng storya. Maayos naman lahat: great ventilation, maraming fuds, murang entrance fee. Gusto talaga ng MNHS ang isang maayos ng JS, apparently. Kahit ngayon lang, hindi naging bulok ang school. Thank goodness.
But you know, more than anything else; isa lang yung napansin ko, buong araw, Mr. Neil Santos. Hindi ko na siya madalas nakikita lately after nung quiet encounter ko sa kanya sa jEEpney. Masaya siya, or it looks like—mukha siyang masaya. Hindi kasi ako magaling magbasa ng iniisip.
Neil, nakita ko, kakasimula palang ng unang kanta eh may umaya na sa'yong magsayaw. Napakagwapo mo talaga, noh. Nakita ko kung paano mo ngitian 'yung babae— Crisara Jengkins, fresh from NYC. Hinawakan mo 'yung kamay niya pati narin yung beywang niya saka kayo nagsayaw. Masakit, oo. Pero wala ako sa posisyon para magreact.
Nandito lang ako sa isang silya, nanonood. Wala akong makausap dahil lahat ng kakilala ko, may kasalukuyang sinasayaw at si Lisa naman, no-show nga diba. Isa pa, kung nandito rin siya, malamang ilang lalaki ang pipila para isayaw siya.
Ako lang naman kasi yung naiiba. Lahat sila magaganda, perpekto. Ako itong mukhang baboy mula sa kulungan. Body shaming, LeXzGo! Gusto kong mawalan ng pakialam sa itsura ko, kaso yung nagpapahupa ng ganitong pakiramdam ko eh no-show. Sana na ngalang, may isang lalaki o kahit babae nalang na makipagsayaw saakin. 'Yun nalang sana.
Pero... wala. A few more minutes, wala pa rin. Halos isang oras na yata akong nakaupo sa bench, wala pa ring lumalapit saakin para alukin akong magsayaw.
Hanggang sa naging sweet na 'yung tugtugan, naging sweet 'yung ambiance ng buong lugar. May maliliit na bilog na mga sinag ng ilaw ang kinakain ang buong lugar. Lahat sila, nagsasayaw. Lahat sila may partner. Ako? Wala pa rin.
Tumayo nalang ako sa kinauupuan ko, pero bakit parang may tumutulong tubig sa mata ko? Hindi naman ako dapat umiiyak. Pero sobrang lungkot talaga. Hindi sa inisip kong may makikipagsayaw sa akin nung pumayag akong pumunta dito. Gusto ko lang ng sundae. But the body shaming is taking a toll on me.
In-expect ko naming walang makipagsasayw saakin at pinaghandaan ko, gaya ng paghahanda ko sa pagpasok ko sa grade nine pero bakit ganito?
Hindi ko alam na mas masakit pala ang malaman mong wala kang pag-asa para sa isang bagay kaysa ang malaman mong totoong mahirap makuha ang isang bagay pero may pag-asa.
Nakahanda na ako para umalis, lumabas ng gym ballroom nang may humawak sa balikat ko. Pagtalikod ko, nakita ko ang mukha ni Neil. Nakangiti siya saakin at unti-unting kumurba din ang mga labi ko. Sa dami-rami ng lugar, dito pa. Sa dinami-rami ng tao, siya pa. Sa dinami-rami ng oras, ngayon pa. Nakakatuwa naman...
Natuwa ako nang hawakan niya yung kamay ko. Napawi lahat ng pagod ko, nakalimutan ko lahat ng body shame.
"Do you... Want to dance?" tanong niya sa akin na nagawa akong pangitiin sa oras na malapit na akong mawalan ng pag-asa.
For instance, hindi ko naisip yung negatives ko... Lahat ng kapintasan ko. Nung makasayaw ko siya, nawala lahat ng hirap na pasan-pasan ko. Nagsayaw kami habang hawak niya ang kamay ko at hawak ko rin ang sa kanya. Magaang na nakapatong ang isa kong kamay sa balikat niya at yung kanya naman sa beywang ko. Kadiri siya in paper pero kung ikaw na mismo 'yung nakaranas, the cringe becomes sweet and the pandidiri changes to pagmamahal. Pero cringey pa rin talaga.
Hanggang sa nai-play ang isa sa mga paborito kong mga kanta—endless love. "My love, there's only you in my life..."
"... the only thing that's right..."
Nagsasayaw lang kami sa gitna at nakatitig lang ako sa kanya. Napakasaya ko dahil akala ko, sa dinami-rami ng babae na isinayaw niya, sa akin siya tumingin ng malalim. Sa akin siya nakatingin habang may tunay na ngiti sa mga labi.
Ako yung huli niyang isinayaw. This— everything, from the time he asked me for a dance up 'til endless love finished, it was unexpected. Hindi ko siya inasahan. Pero napakasaya.
Call me malandi o ano, hindi ko papansinin. As long as masaya kami, ako, siya, I think masaya naman siya... Nothing will and can come between us... at least sa oras na yun, oo.
But guess what?
Hindi rin kami nagkatuluyan. A dance won't change the fact that it won't change the fact. I mean— a single dance won't file a certainty na nasa listahan kami ni Miss Tad Hana. Maybe I missed tadhana.
Siguro may expiration date din si Miss Tad Hana. Siguro pati ang Endless Love, may end din. Hanggang Highschool Dance lang daw siya. Pero masaya narin ako na yung huling school year ko ay naging masaya kahit papano. I am fifteen and grade nine is the last year of my life. This is the last of my everything. This has been my first and last high school dance, and I appreciate the fact na nakasayaw ko ang hinahangaan ko.
Handa na akong magpaalam sa lahat. I never said anything about my illness in my introduction. In fact, tinago ko pa nga sa inyo. That's what we call lies of omission; see?— nag-aaral din ako! May lung cancer ako, stage three. Alam niyo ba kung gaano kahirap magrecord habang nasa hospital? Haha. Kanina pa kayo nakikinig sa recording ko at siguro kaya niyo ito nalaman lahat, wala na ako sa universe niyo. Siguro nasa ibang universe na ako.
Masaya naman kayo para saakin, diba? Lalo na nung nalaman niyong nakasayaw ko si Neil?
Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng taong gumawa ng parte sa buhay ko. Salamat sa pamilya ko, sa mga kaibigan... Salamat sa'yo Neil Santos. Kasi kahit sa huling sandali, without using words, nasabi mong maganda ako at may karapatan akong magpakasaya. I love you. I will love you, endlessly.
... Paalam.
STOP RECORDING BY CLICKING THE VOTE BUTTON—
BINABASA MO ANG
Their Last High School Dance (TLHSD) [COMPLETED]
Random"Ang pinakamahirap na parte ng buhay ay ang pagharap sa mga bagay na hindi mo inaaasahan." -Danni Layne AFTER A LOT OF EDITING, BINABALIK KO NA PO ANG Truthfully Unexpected Highschool Dance pagkatapos ko pong palitan ng pamagat. Cringey title, good...