Kizeya's Pov
Nasa ilalim ako ngayon ng puno. Nakasandal ako at nakikinig ng music. Maganda narin to para ma relax ako. Sobrang stress kasi ako nitong nakaraang araw eh.
Hays....
"Maybe we don't need no reason why c'mon c'mon..." Sinasabayan ko yung kanta ni jonas blue. Perfect stranger tittle.
Naalala ko rin yung movie na Vince kath and James dahil sa music na to <3
Tinanggal ko yung earphones ko ng marealize kong malapit nakong ma lowbatt.
Pinatay ko na yung music. At pumikit nalang.
Ang sarap sa pakiramdam ng hangin na dumadampi sa mukha ko...
Nakakarelax
"Dumilat ka kaya. Mamaya niyan may magnakaw pa ng halik sayo."
O____________________O
Sino nagsalita????
Napamulat ako at isang demonyong mukha ang nasa harapan ko!
"AAAHH!!" Tili ko
Lumayo siya sa pagkakalapit ng mukha niya sa mukha ko.
"Uy..wag ka ngang ma excite na nandito ako." Sabi nitong bwisit na malanding babaero -_-
Tumayo ako at halata sa mukha ko ang pagka irita sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?!!" Sigaw ko
"Bakit? Masama bang pumunta dito?"
"Oo lalo na pag IKAW!"
Bwisit na to iinisin na naman ako!
Umupo siya sa pwesto na inupuan ko at sumandal din siya puno.
"Hoy! Pwesto ko yan! Lumayas ka nga dito! Bawal ang malalanding tulad mo!" Reklamo ko pa
"Grabe naman. Kailan pa pinagbawalan ang poging katulad ko na pumunta dito..."
"Umalis ka nga! Naaalibadbaran ako!" Bulyaw ko pa
Para siyang walang tenga -_-
Di marunong makinig!
"Bakit ako aalis? Sayo to? Binili mo to? Para paalisin moko ng ganyan?"
"Oo bibilhin ko palang. At pag nabili ko to. Yang mukha mo! Di makakapasok dito!"
"So yung katawan ko pwede?" He said in a sarcastic way
B. U. S. E. T. K. .A
ARGH!
Akmang kukunin ko na sana yung bag ko ng bigla niyang hinawakan yung wrist ko.
"Wag mo nga kong hawakan!" Sabay pagpupumiglas ko sa pagkakahawak niya pero ang higpit.
"San kaba kasi pupunta? Ganda na ng moment natin oh."
"Moment? Anong moment pinagsasasabi mo? Naka drugs ka ata eh."
"Moment na..... solo kita."
Kinilabutan bigla ako sa sinabi niya pero ramdam kong parang nag init yung pisngi ko.
Shet! Anong nangyayari sakin?
"Oh! Bat namumula ka?" Natatawa niyang tanong.
Buset kang tao ka mamatay kana!
Pero syempre joke lang tao parin siya kahit papano. Di nga lang halata *wink*
YOU ARE READING
The Womanizer and I (#YourChoice2017) (#GlitterAwards2017)
Novela JuvenilMeet Kizeya Klein a.k.a Keish, palaban. Meet Arsen Dean Brennan, The womanizer. Lahat ng babae ay gustong gusto siya kahit pa alam nila na babaero ito at walang pakialam sa nararamdaman ng mga babaeng masaktan o nasasaktan niya. but what if...