Kizeya's Pov
Nandito ako ngayon sa main entrance ng university. Inaantay ko si Arsen. Araw araw kaming magkasabay pero 2 days ko na siyang di nakakasama. Mailap na :3
Di ko tuloy masabi ang isang salitang makakapagpasaya sa kanya...
Yes :(
"Hi keish!" Tawag ni Celine at kumaway pa habang papalapit sakin. "Bat nandito kapa? Tara na pasok na tayo."
"Mauna ka nalang muna. Inaantay ko pa si Arsen eh."
"Mukha yatang di ko na kayo madalas makita na magkasama ah. May problema kayo?"
"Hindi ko rin alam."
"Hmm...samahan kaya muna kita dito."
"Wag na, mauna kana okay lang ako."
"Sigurado ka?"
Tumango ako. "Hmm" sabay ngiti
"Okay sige. Bye"
"Bye..."
Naglakad na siya palayo at ako naman sumandal ako sa gate. Nakayuko ako habang sinisipa sipa ko yung batong nasa harapan ko.
Hays....
"Kizeya?" Napatingin ako sa harapan ko.
Arsen...
Lumapit siya sakin. "Ma-may hinihintay ka?"
Oo, ikaw :'(
"O-oo-----ah eh wa-wala naman."
"Ganun ba? Sige una nako."
Ha?
Bakit?
Arggh!
Di mo ba ako yayayaing sumabay!?
Nakakabwisit ka!
Hindi ako nakapagsalita. Bwisit kasi >_<!
Humakbang na siya paalis.
Wag na wag kang babalik!
Bahala ka!
Tumalikod nalang ako. Ayokong makitang umalis siya :(
"Kizeya...." Napaharap agad ako sa kanya.
Waaahh!
Nakakakaba !
Lumapit siya sakin at inilahad kamay niya."Tara?" Sabay ngiti niya
Arrggh!
Namiss ko to!
Napangiti nalang ako habang nakatingin sa kamay niya. Inabot ko yun at magkahawak na kami ng kamay.
Habang naglalakad kaming magkaholding hands <3 ni isa samin walang umiimik :(
Hanggang sa di ko namalayan na nasa secret river side pala kami.
Oo, alam niya rin ang lugar na 'to. Siya nga nauna sakin na makadiskubre dito.
Umupo kami sa bench na may puno.
Dun mismo sa spot na pwesto ko nong unang kita ko sa lugar na to. Paboritong spot niya rin to <3
Tiningnan ko yung kamay namin na magkahawak hanggang sa tiningnan ko rin mukha niya. Yung mukha niyang nakatingin sa lawa.
Arsen:'(
Na miss kita!
Na mimiss kita!
Miss na miss!
"Na mimiss na kita." Sabay naming sabi.
O___O
Di ko alam kung bakit lumabas mga salitang yun sa bibig ko pero wala akong pinagsisisihan kasi sabay pa naming sinabi :)
Napangiti siya at tumingin sakin. "Weh? Totoo?"
"Psh"
"Alam mo..." Pinag intertwine niya mga daliri namin. "Na miss kita ng sobra."
"Psh kasalanan mo." Tumingin ako sa lawa. "Nanlamig ka..."
"Eh kasi...nagselos ako eh."
Napatingin ako sa kanya nang nakakunot ang noo. "Kanino naman?"
"Kay Blake."
"Bestfriend ko lang siya."
"Yun nga eh. Wala akong panlaban sa kanya kasi bestfriend mo siya samantalang ako, kahit friendship wala. Wala man lang label...."
Inhale....
Exhale....
I think eto na ang perfect time and perfect place <3
"Sigurado kabang wala kang label sakin?" Natatawang sabi ko. Tumingin siya sakin na para bang may mix emotion yung mga mata niya.
"Bakit,sino ba ko sayo? Ano ba ko sayo?"
"Hmm..." Lumapit ako sa kanya.
2 INCH !
Landi mode na ko nito! xD
"My....BOYFRIEND?"
Pinagdiinan ko word na yun para dama niya.
O____O➡his reaction :D
"To-too?"
Sa wakas nakapagsalita rin. Ilang seconds din siyang tulala.
Tumango tango ako. "Yes!"
Nabigla ako ng niyakap niya ko. Yakap na sobrang higpit, yakap na para bang wala ng bukas, yakap na di ka na niya pakakawalan pa,yakap na mararamdaman mong safe ka at yakap na parang sapat nako sa kanya ♡□♡
"I love you kizeya. Up up up till my last breath."
Up up up?
HAHAHAHA baliw talaga 'to
"I love you too...up up up till my last breath." Bulong ko rin sa kanya
And that moment end up with a kiss. A true love kiss. Yung halik na di pilit, yung halik na may pagmamahal, yung halik na sincere at yung halik na totoo talaga.
"You're mine" Arsen
"Yes, Im yours."
YOU ARE READING
The Womanizer and I (#YourChoice2017) (#GlitterAwards2017)
Teen FictionMeet Kizeya Klein a.k.a Keish, palaban. Meet Arsen Dean Brennan, The womanizer. Lahat ng babae ay gustong gusto siya kahit pa alam nila na babaero ito at walang pakialam sa nararamdaman ng mga babaeng masaktan o nasasaktan niya. but what if...
