Chapter 14

3 1 0
                                    

Arsen's Pov

Nasa pintuan ako ng room ngayon. Inaantay ko si Kizeya na pumasok kasi may ibibigay ako sa kanya.

Syempre, para tuluyan ng ma fall diba *smirk*

Speaking of Kizeya, nandito na siya.

"Good morning" bati ko

"K" tipit niyang sagot

Seryoso ba talaga siya?

K lang sagot niya?

Ano yun?

Parang sa text lang?

Tss -,-

"Keish---"

"Wag mokong tawaging Keish di kita close."

Pambihirang babae 'to -_-

"Magkaharap na nga tayo di parin close?"

"Psh"

"Nga pala, para sa isang magandang babae." Nilabas ko yung bulaklak at chocolates na kanina ko pa tinatago sa likuran ko. "Para sayo." Sabay abot ko sa kanya pero tinitingnan niya lang.

"Ilan ng babae ang nabigyan mo niyan? 10?11?12? Wala akong balak mapabilang dun kaya tabi diyan dahil papasok nako."

"Grabe -,- 10 agad? Di ba pwedeng 1? Ikaw palang kaya nabibigyan ko niyan."

"Lokohin mo nalang yung iba wag ako."

"Seryoso ako. Ikaw palang nabibigyan ko."

Hayuf!

Ayaw pa maniwala -,-

Totoo naman din yun nakailan nakong babae pero ni isa sa kanila di ko pa nabibigyan ng flowers at chocolates.

Tss pakipot pa 'to si Kizeya eh.

Kung di lang ako nacha-challenge sa kanya di ko lahat 'to gagawin-_-

"..." Imbis na umimik. Nilagyan niya ng earphones yung tenga niya.

Bastusan amp -__-!

Pwew----

Ah!

May pogi akong naisip *smirk*

Lumuhod ako sa harapan niya. Yung parang magpo-propose yung style ng luhod ko.

"Flowers and chocolates for you kizeya."sabay ngiti pero inirapan lang ako.

Ang taray -_-

Tinanggal niya earphones niya."Tumayo ka diyan. Mamaya niyan, baka kung ano pa isipin nila." Sungit niyang sabi.

"Tanggapin mo muna na 'tong bulaklak at chocolates bago ako tumayo."

"Yoko nga" sabay lagay uli ng earphones sa tenga niya.

Pakipot pa -,-

Tinitigan ko siya at di parin ako tumatayo hanggang sa may narinig akong nagbubulungan sa paligid namin. Nagbubulungan pero naririnig ko din.

Chismosa 1: Grabe si Kizeya oh, kung makapagpaluhod kay baby Arsen ko akala mo talaga kung sila.

Chismosa 2: Gaga! Baka nga nililigawan siya ni Arsen eh kasi tignan mo naman. May hawak pa na bulaklak at chocolates.

Chismosa 1: Naku! Naunahan pa ako.

Tinignan ko si Kizeya. Kahit naka earphones 'to naririnig niya naman siguro mga nag uusap.

The Womanizer and I (#YourChoice2017) (#GlitterAwards2017)Where stories live. Discover now