Chapter 23

5 1 0
                                    

Kizeya's Pov

Pang isang linggo na ni Blake sa university na pinapasukan namin at di naging mahirap sa kanya ang makipagkaibigan kasi naging matunog narin pangalan niya sa campus.

Siya rin ang partner ko sa kakantahin ko na Almost kaya nakakaexcite <3

Blake's Pov

Nanditi kami sa school field ngayon. Naglalakad lakad para makapagkwentuhan narin.

"My Princess?" Tawag ko habang busy siya na kumakain ng fries.

"Hmm?" Sagot niya

"Totoo bang nililigawan ka ni Arsen?"

Tumingin siya sakin at nagkunot ang noo. "Sino namang nagsabi sayo niyan?"

"Hmm...sila celine."

"Psh" binaling niya ulit paningin niya sa fries na hawak niya.

"So, totoo?"

"O-oo. Sorry prince."

"Daya naman. Di mo sinasabi sakin."

"Eh kasi...kasi nahihiya akong magkwento sayo."

Napataas kilay ko. "Bakit naman?"

"Kasi diba...na kwento ko sayo dati nong mga bata pa tayo na ayoko sa mga womanizers? Kasi mga malalandi, walang respeto sa mga babae, puro katawan habol, hindi kuntento sa isa..."

"Oh, ano ngayon?"

"Psh nakakahiya kaya sayo kasi kinain ko lahat ng sinabi ko."

"What do you mean?"

Sasagot sana siya ng may nakita siyang puno na naman -,- tumakbo siya dun at sumandal.

Kahit kailan talaga ang hilig niya sa spot na ganyan...

Sumunod ako sa kanya at tumabi ako sa pagkakasandal niya sa puno.

K.     A.     T.     A.    H.    I.   K.  A.  N

"First, naiinis ako sa kanya kasi alam mo yung tipong ang dumi dumi niyang lalaki. Not physically. What I'm trying to say is, ang dami dami niya ng babae. Kung sino sino na nakakasama niya tapos parang para sa kanya di nirerespeto ang mga babae. Wala kasi siyang pakialam sa nararamdaman basta ang kanya, mambabae lang." Sumandal siya sakin. "Kaya di ko aakalaing magugustuhan ko si......Arsen."

Nabigla ako sa sinabi niya. Ibig sabihin din pala may gusto na siya...

"Hmm...ganun naman madalas noh?" Tumingin ako sa langit.

Drama ko na naman -,-

"May mga bagay na di natin inaasahan na mangyayari...tulad mo, yung characteristic na meron si Arsen ay di mo gusto pero di mo aakalaing ma fa-fall ka pala sa kanya. Di naman masama yun eh, malay natin. Ikaw pala ang makakapagpabago sa kanya...sa pagiging babaero niya."

"Hmmmmm sana."

Tumahimik kami ulit.

"Prince? Pwede bang magkwento kapa tungkol kay Cindy? Alam ko kasing may tinatago ka eh."

"Ha-huh? Wa-wala. Kung anong na kwento ko sayo totoo yun at yun lang naman nangyari."

"Psh sinungaling ka."

Huminga ako ng malalim. "Okay, first din. Ayoko sa babaing yun. Maganda siya, makulit, matalino, mabait at may pagkapalaban sa mga desisyon niya na alam niyang tama in short may paninindigan siya. Ayoko sa kanya dahil, ayokong magkagusto sa...kaibigan..."

The Womanizer and I (#YourChoice2017) (#GlitterAwards2017)Where stories live. Discover now