The Beginning

5 0 0
                                    

Isang digmaan ang naganap sa Slain, labanan sa pagitan ng mga Angkan, Mafia, Gang at Government Resistance. Ang Kazane Clan, ang angkan na nagpasimula ng digmaan sa siyudad. Sa pagnanais nilang maging una sa pinakamalaks na angkan sa Slain, dinukot nila ang nag-iisang anak na babae ng Shijou Clan(nangungunang angkan sa Slain). Ang dahilan ng pagdukot ay para isuko ng Shijou Clan ang lahat ng kapangyarihan nila sa Kazane Clan. Halos perpekto na ang plano ng Kazane Clan ngunit isang pangyayari ang nagbago ng lahat. Si Leanna Shijou, ang babaeng dinukot ng Kazane Clan ay miyembro ng Night Shadows. Ang Night Shadows ay isang gang na pinamumunuan ng isang assasin na tinatawag nilang Slayer. At ito ang pangyayaring hindi inaasahan ng Kazane Clan, ang pagsugod ng Night Shadows para iligtas si Leanna Shijou, nalaman din ng ibang angkan ang pagsugod kaya't nagpasya ang silang na magsanib pwersa kasama ng mga hawak nilang gang at pabagsakin ang Kazane Clan. Malakas ang Kazane Clan lalo na't hawak pa nila ang nag-iisang anak ng Shijou Clan ngunit nahati ang lakas nila dahil sa kaliwa't kanan na pagsugod. At sa teritoryo nga ng Kazane Clan naganap ang digmaan. Kumilos din ang government resistance para pahintuin ang digmaan. Sa loob ng isang gusali nagaganap ang isang mainit na labanan sa pagitan ng Slayer at buhay na armas ng Kazane Clan habang napapaligiran ng naglalagablab na apoy.

Hawak ni Raijun Kazane(pinuno ng Kazane Clan) si Leanna, "Magbabayad ka Slayer ! Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito", sigaw ni Raijun.

Sugatan at duguan na ang Slayer, "Bitawan mo s'ya, 'wag mo akong bigyan ng dahilan para tapusin ka dahil hindi ako magdadalawang isip na wakasan ang buhay mo", wika ni Slayer habang dahan-dahang inaalis ang suot niyang maskara.

Nagulat ng husto si Raijun sa mukhang nakita n'ya sa likod ng maskara ni Slayer, "Ra...Raizen ?", tanong ni Raijun sa kanyang isip.

Si Slayer na nasa harap niya ay ang anak niyang si Raizen Kazane.

At isang malakas na pagsabog ang na mula sa gusali ang nagpatigil sa digmaan. Sa malawak na teritoryo ng Kazane Clan, walang bakas ng bangkay ni Slayer ang nahanap, tanging ang espada na lamang n'ya ang nakita sa lugar.

- to be continued

Project STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon