Chapter 3

2 0 0
                                    

- - -

Lumalapit paunti-unti si Sho kina Ayane na para bang isang leon na lumalapit sa isang tupa. Bakas sa mukha ni Ayane ang takot na kanyang nararamdaman habang nakatago s'ya sa likuran ni Rin. Hindi naman maalis ni Rin ang kanyang tingin kay Sho, sa kanyang mga mata ay para bang napapaligiran si ito ng isang napakalakas at napaka-itim na awra. Kinuha ni Rin ang kanyang itim na espada mula sa kanyang likod at iniwasiwas ito sa lupa at nakagawa ng isang makapal na alikabok sa hangin. Sinamantala nila ang pagkakataon na iyon para makatakas ngunit hinabol parin sila ni Sho. Mabilis na tumatakbo si Rin habang hawak ang kanang kamay ni Ayane at dumadaan sa pasikot-sikot na eskinita na para bang saulado n'ya ang bawat kanto ng daan na s'yang ikinagulat ni Ayane.

"Bakit parang alam na alam n'ya ang pasikot-sikot dito ?", pagtatakang tanong ni Ayane sa kanyang sarili.

Walang tigil sa pagtakbo si Rin hanggang sa makarating sila sa isang kulong ngunit malawak na lugar na para playing court ng baseball. Doon ay tumigil sa pagtakbo si Rin ganun din ang naghahabol na si Sho.

"Ano ? Pagod na kayo sa pagtakbo ? Hahaha !", wika ni Sho.

"Bakit ka naman tumigil sa pagtakbo ?, tanong ni Ayane kay Rin, ngunit hindi ito sinagot ni Rin at dahan-dahang humarap kay Sho.

"Tch ! Alam ko na, dito mo gustong makipaglaban. Bakit naman dito pa sa walang tao ?", tanong ni Sho.

"Bilang isang naatasang magbantay sa isang tao, tungkulin kong unahin at siguraduhin ang kaligtasan ng taong binabantayan ko", sagot ni Rin.

"Ha ! Hahahaha ! Mahusay ka ngang talaga, kung ganoon ay napansin mo sila. Kahanga-hanga", wika ni Sho.

"Huh ? Sinong sila ?", pagtatakang tanong naman ni Ayane. Hindi n'ya makuha kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa.

Ang tinutukoy nila ay ang mga kasama ni Sho na mga tauhan ni Don Hugo. Mula pagpasok palang nila Rin at Ayane sa Ground Zero ay nakabantay na ang mga tauhan ni Don Hugo na agad namang napansin ni Rin. Ang plano sana ni Sho ay ang mawala ang tingin ni Rin kay Ayane upang magawa ng mga tauhan ni Don Hugo na makuha si Ayane.

"Ngayon ay pwede na kitang labanan", wika ni Rin.

"Mahusay ang ginawa mo, nakuha mo ang interes ko pero kung iniisip mong kaya mo akong talunin, pwes nagkakamali ka", pagmamayabang ni Sho.

Mala-kidlat na kumilos si Sho papalapit kay Rin at umatake ng napakalakas gamit ang kanyang kaliwang tuhod na s'ya naman ikinagulat ni Rin.

FLLAAAASSSHH !!!
BUUUGGGSSSSHHH !!!!!

Napaangat ang buong katawan ni Rin sa lakas ng atake ni Sho, buti na lamang at nasangga ito ng kanyang kaliwang kamay. Sinundan pa ito ni Sho ng isang malakas na sipa gamit ulit ang kaliwang paa, tumama ito ng napakalakas sa kaliwang panga ni Rin.

BAAAGGGSSSHHH !!!!

"Huh ? Bakit hindi ko naramdamang tumama?", pagtatakang bulong ni Sho sa kanyang isip. Alam ni Sho na tumama ang kanyang sipa ngunit hindi n'ya ito naramdamang lumapat sa panga ni Rin.

Muling umatake si Sho, humakbang s'ya ng isang hakbang pakanan at sinabat n'ya ng isang napakalakas na suntok ang kanang panga ni Rin.

DUUUUGGGSSGGHHHHHH !!!

Muli itong tumama ngunit hindi n'ya parin ito naramdaman. "Ano ? Bakit hindi ko maramdaman ?"

Tumalon paatras si Rin na para bang walang natamong pinsala. Dalawang beses s'ya tinamaan ng napakalakas na atake ngunit kahit isang galos ay wala s'ya. Nagulat din si Sho na nangyari, sa ganoong magkasunod na atake ay walang normal na tao ang makakatalon pa paatras at makakatayo pa ng matuwid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Project STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon