Chapter 2 - "Ground Zero"

3 0 0
                                        

- - -

Nang matapos ang kwentuhan nina Ayane at Rin, nagpasya si Ayane na isama si Rin sa isang lugar.

"Teka, saan ba tayo pupunta ?", tanong ni Rin.

"Basta, sumunod ka lang", sagot ni Ayane. "Ano ba 'yang dala mong bagay na nababalutan ng tela ?", tanong ni Ayane noong napansin n'ya ang dala-dalang bagay ni Rin. Isa itong mahabang bagay na nababalutan ng itim na tela.

"Ah, ito ba ? Isa 'tong mahalagang bagay, palagi ko itong dinadala", sagot naman ni Rin.

Naglalakad ngayon ang dalawa sa isang tago at tahimik na eskinita, tanging huni lamang ng daga at kalapati ang maririnig ng biglang, "Hoooy ! Mga mababahong baliw ! Naghahanap ako ng away ! Lumabas kayo d'yan mga duwag !", sumigaw si Ayane ng napakalakas.

"Engot ka ba !? Madami na ngang naghahabol sa'yo gusto mo pang maghanap ng gulo", wika ni Rin kay Ayane.

Unti-unting nagsilabasan ang mga tao sa eskinita, napakadami nito at bawat isa ay may dalang armas tulad ng baseball bat, kutsilyo, brass knucle, arnis at katana.

"Ngayon, hindi ko lang gulo 'to, gulo mo na din 'to. Hahaha !", wika ni Ayane.

Ginawa ni Ayane ang bagay na 'yun upang makita n'ya kung gaano talaga kalakas at kahusay si Rin. Tumabi ito sa isang gilid at itinulak si Rin papunta sa gitna ng mga galit na tao sa eskinita.

"Ang lakas ng loob mong manghamon dito sa teritoryo namin ah !? Sino ka ba ?"
Lumapit ang isa sa mga tao kay Rin at tinutukan ito ng patalim.

Itinaas ni Rin ang kanyang dalawang kamay, "Teka lang muna pre, ah eh ayoko ng away ano lang kasi, ano..", wika nito sabay tingin ng alanganin kay Ayane.

Mula sa likod ni Rin ay umatake ang isang lalaki na may baseball bat.

SWIIISSSHHH...

Parang hanging gumalaw si Rin at nailagan ang pag-atake mula sa likod, at tumalon ito papunta sa isang tumpok ng sirang upuan. Namangha lahat ng tao sa eskinita sa ginawang pag-ilag ni Rin, pero biglang gumuho ang tumpok at lumagapak ito sa lupa. Iyon ang naging hudyat para sa mga tao upang umatake.

"Ayyy naku patay", napahawak na lamang si Ayane sa kanyang ulo sa pagka-dismaya.

DUUUGGSSSHH ! BLAM !

Tumalsik at bumangga sa pader malapit kay Ayane ang lalaking may hawak ng kutsilyo. Gulat na gulat si Ayane sa kanyang nakita, bumakat sa dibdib ng lalaki ang tila isang linya na gawa ng isang talim ng espada. Lumipat ang tingin ni Ayane kay Rin, hawak nito ang isang itim na espada. Napaatras ang mga lalaki papalayo kay Rin, "Huh ? Na...Nakita mo ba 'yun ?", tanong ng isang lalaki sa isa n'yang kasamahan. Hindi nakasagot ang kasamahan nito, nakatingin lamang ito kay Rin habang hawak ang armas nito.

"Ayaw ko sana ng away. Hangga't sa makakaya ko iniiwasan kong makipaglaban dahil, ", wika ni Rin. Tahimik lamang na nag-aabang ang mga lalaki sa susunod na sasabihin ni Rin.

"Dahil... napakabigat nitong espada na 'to", dugtong ni Rin.

"Pinaglololoko yata tayo ng taong 'to ", bulong ng isang lalaki.

"Ang dami mong satsat ! Sugurin s'ya !", sigaw ng lalaki at sabay sabay ulit na sumugod ang mga lalaki.

Kaliwa't kanan ang pagsugod pero naiiwasan pa din ang mga ito ni Rin ng para bang walang kahirap hirap. Iniwasiwas ni Rin ang kanyang espada, nasangga ito ng tatlong lalaki pero napatalsik parin ito ng malayo dahil sa lakas.

Project STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon