3 years Later
Tatlong taon mahigit na ang nakalipas mula nang matapos ang digmaan sa Slain. Mabilis na naisaayos at naibalik muli sa normal ang lahat.
Sa isang kalye ay may tumatakbong babae habang hinahabol ng tatlong malalaking nakaitim na lalaki. "Tumigil kana sa kakatakbo ! Hindi ka din naman makakatakas sa amin ! Sumuko ka na !", sigaw ng isa sa mga lalaki.
Si Ayane Kumo, mahaba ang buhok, katamtaman ang tangkad at katamtaman ang puti ng balat, isang babaeng.. teka paano ko ba sasabihin 'to, isang babaeng madaming utang kaya alam n'yo na kung ano ang dahilan kaya s'ya hinahabol ngayon. Siya ay mula sa isang angkan na bumagsak noong naganap ang digmaan, ang Kumo Clan. Nang mamatay ang pinuno ng angkan ay naipasa kay Ayane ang lahat ng utang ng angkan.
"Naku naman oh ! Sabi sa inyong babayaran ko naman yung boss n'yo, kailangan ko lang ng konti pang araw", sigaw ni Ayane habang tumatakbo.
Sa tabi ng daan ay may isang lalaking naka-hood at madaming dalang bagahe ang biglang humarang sa daanan dahilan upang magkabungguan sila ni Ayane.
BUUUUMMMPP !!
Natumba si Ayane dahil sa lakas ng pagkaka-bangga n'ya. "Ah ! Aray, naku naman", wika ni Ayane. Napatingin s'ya sa lalaki, matangkad ito at may puting buhok. Napatingin din ang lalaki kay Ayane at sabay tiningnan ang hawak nitong litrato. "Huh ? Ikaw...", tanong ng lalaki.
Lumapit ng mabilis ang tatlong lalaking naghahabol kay Ayane at dali-daling dinampot ito. "Sa wakas, nahuli ka din namin ! Pinahirapan mo pa kami", wika ng isa sa mga lalaki at itinali ang mga kamay ni Ayane.
"Ah, teka muna. Ikaw ba si Ayane Kumo ?", tanong ng matangkad na lalaki kay Ayane.
"Oo ako nga, te..teka wala naman yata akong utang sa'yo 'di ba ?, pagtatakang tanong ni Ayane.
"Teka muna ! Tsaka mo nalang s'ya singilin kapag tapos na kami sa kanya", wika ng lalaking humahabol kay Ayane.
"Ako nga pala si..", 'di pa man natatapos magsalita ang matangkad na lalaki ay sinabat agad ito ng lalaking naghahabol kay Ayane. "Aba ! 'Di ka ba nakikinig !? Bastos ka ah !", sigaw ng lalaking humahabol kay Ayane sabay nagtangkang susuntukin ang matangkad na lalaki.
BLAAGGSSH !
Nailagan ng matangkad na lalaki ang suntok ng lalaking humahabol kay Ayane at lumagapak ito ng malakas sa lupa. "Ako nga pala si Rin, pinadala ako dito ng isang kaibigan, hanapin daw kita", pagpapakilala ng matangkad na lalaki kay Ayane. "Ikaw na yata 'yung sinasabi sa akin ni Nishi", tugon ni Ayane.
"Err ! At hinahayaan n'yo pa talaga silang mag-usap mga hunghang ! Turuan ng leksyon ang lalaking 'yan !", utos ng lalaking humahabol kay Ayane.
Sabay na sumugod ang tatlong lalaki kay Rin, ngunit bawat suntok at sipa nila ay naiilagan n'ya ang mga ito. Parang sumasayaw sa hangin si Rin sa bilis ng kanyang pag-ilag, hanggang s'ya naman ang umatake.
BUUGGSSHH !
BLAAAM !
DUUGGG !!!
"Ahhhh !", sigaw ng mga lalaki kasabay ng paglagapak nila sa lupa.
Hindi na nagsayang pa ng oras si Rin at dali-daling hinatak si Ayane ang tumakbo papalayo upang makatakas. Naiwan ang mga lalaking humahabol kay Ayane at tuluyan ngang nakatakas sina Rin at Ayane.
Tumigil sila sa isang daan at umupo dahil sa pagod. "Haaay ! Buti nalang dumating ka", wika ni Ayane habang hinihingal, "Sino ka ba talaga ? Anong pangalan mo?", tanong nito kay Rin.