Sulat para kay Inay

1.9K 16 17
                                    

Sulat ko ito para sayo Inay..

Mahina akong tao kaya hindi ko mailabas sayo to ng personal.

Natatakot at sobrang kinakabahan ako dahil nga nakakatakot ka.

Bunga lang ito ng mga nangyari't nagawa mo sakin noon at hanggang ngayon..

Naalala mo ba nung bata pako? Siguro 5 or 6 years old ako non,mga panahong normal lang maglaro , hinahabol moko habang may bitbit kang pamalo, hinahabol moko kasi ayaw kopang umuwi! Gusto ko pang maglaro! Pero hindi moko mapagbigyan, nang makuha moko, ano pa nga bang ginawa mo? Pinagpapalo mo lang naman ako nung kahoy na hawak mo!

Hanggang ngayon nakatatak parin sa isip ko yon, although wala nang masyadong epekto sakin yun ngayon.

Naalala mo pa ba nung pinamigay mo nalang basta basta yung manika ko ? Hindi mo ba naisip na masasaktan ako? Bata pako non at sobrang possessive sa mga laruan, kumbaga ayun na ang kasiyahan ko, pati ba naman kasiyahan ko kukunin mo?

Sobrang unfair mo talaga inay! Nakakainis ka!

Naalala mo ba nung nasa grade school nako? Nasa daan tayo, weekend yon at walang pasok. Kasama natin sa daan yung mga kumare mo at mga anak nila. Rinig ko kayo non, nagkkwentuhan. Sila, bidang bida nila ang mga anak nila. Umaasa nga ko non na ipagmamayabang moko, dahil magaling naman ako sa klase dba? Pero sabi ko nga UMASA lang ako.. Parang wala lang ako non sayo e.. Pero dahil bata pako non, wala nalang din sakin yon..

Naalala mo ba nung Grade 3 ako at pang 3rd place ako sa klase? Masaya kong binalita sayo yon, dahil AKALA ko masisiyahan karin, pero hindi e. Sabi mo pa nga "Sus!Pang 3rd lang! Ang tatay mo na ang sasamang aakyat sayo sa stage!"

Hindi mo alam na napaiyak ako non, akala ko magiging proud ka kasi. Pero hindi pala! Tss

Nung dumating yung araw ng Recognition namin, parang wala lang. Walang handa, walang espesyal sa araw na yon! At nalate pako sa Program non dahil hinintay kopa si tatay na nasa trabaho , at ikaw naman kasi ayaw mokong samahan!

Imbes na magsaya ako kagaya ng ibang honor students, ako'y mukha luging lugi non. At dahil sayo yon!

Mga simpleng bagay lang kasi ang hinihingi ko sayo pero hindi mo pa maibigay.. kahit bilang anak nalang sana..

Naalala mo ba yung araw na pinagpapalo mo ang mga daliri ko ng ruler ni tatay? Ruler na makapal yon. Kaya hindi ko maiwasang umaray at umiyak! Bakit mo nga ba ko pinagpapalo? Kasi hindi ko masagot ng tama yung problem sa Division, hindi ko masagot ng tama dahil bago bago palang naming napag aaralan yon! Kaya't kahit hirap na hirap ako, inintindi ko parin yon! Dahil sa bawat pagkakamali't pagrereklamo ko katumbas non ay palo sa daliri ko! Sadista ka kase! Pssh!

Namuhi ako sayo non! pero kinalimutan ko din. Naging magandang resulta naman yung pananakit mo sakin e, naging consistent kasi ako sa mga grades ko dahil nga takot na takot akong masaktan mo ulit!

Natapos ako ng Grade school pero ni minsan hindi kita nakitang pumunta sa school, sa mga meetings wala ka at sa mga Recognitions wala rin, ni hindi ka nga nag abalang ihatid ako kahit minsan e!

Kaya nung nagHighschool ako, hindi nako nag expect pang magbabago ka para sa anak mo, para saken..

Hindi ka nga nagbago Inay, dahil nandun parin yung pananakit mo saken! Yung pangungurot mo, yung paghahampas mo, imagine malaki kang tao, mataba tapos akong anak mo sobrang payat at patpatin. Hindi ka ba naaawa sakin pag sinasaktan moko? Kahit konti lang inay wala ba?

Nung nagHighschool ako, puro bigay lang ang suot ko. Blouses, skirts and even shoes, walang bago. Normal lang naman magreklamo pag ganun dba? Sarap sigurong pumasok sa school na kahit sapatos lang ang bago inspired ka parin mag aral..

Sulat para kay InayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon