Nagdidilig si Rosario sa maliit na garden sa harapan ng apartment building. Mahilig talaga siya mga luntian at bulaklak kahit na medyo hindi halata dahil boyish siya gumalaw.
Papasok na sana siya ng mamataan si Alaric na papasok na sa paaralan. Nagtataka siya kung wala bang uniporme ang eskwelahan na pinapasukan niya dahil hindi niya pa ito nakitang naka-uniporme, pulos itim ang suot nito simula nang magsimula ang klase
"Baka college na itong ulupong na ito. Akalain mo yun? Naka-abot siya doon?"
Syempre, kapag itim ang t-shirt, itim na lahat, ulo hanggang paa. Ganon ka-weird si Alaric, mapagkakamalan mo siyang miyembro ng kulto sa mga sinusuot niya sa araw-araw. Napatagal pala ang pagkaka-titig ni Rosario sa binata kung kaya't nahuli siya nito at agad siyang nag-iwas ng tingin.
"Manang, anong tinitingin-tingin mo?" nang-aasar na tanong ito at nilapitan pa sya. Tumapang naman ang mukha ni Rosario upang pagtakpan ang pagkapahiya
"Hindi kita tinitignan Abnoy ka!lumayas ka na nga! sinisira mo ang kagandahan ng umaga"
" Ah~ Gustong gusto mo talagang palihim akong tignan no? tsk! pwede mo naman akong titigan ng harapan basta ba, ligawan mo muna ako at patunayan na hindi mo ako iiwan. Masakit kasi ang umasa eh" lalong namula si Rosario, hindi dahil sa pagkapahiya o kung ano bagkus ay sa pagka-asar
"Pwede ba, tigilan mo ako?! Anong akala mo sakin? May gusto ako sayo?!"
" Bakit? Wala ba?" ngumiti pa ito ng nakakaloko bago pinisil ang magkabilang pisngi ni Rosario
"ARAAAAAYY KOOOO!!!!! WALANG HIYA KA TALAGANG KUMAG KAAAAAA! ULUPOOOONG!!!"
"Manang... ang kunat naman ng balat mo"
"Walang hiya ka talaga. Abnoy! Panget! Abnoy! Abnoy!"
Nagdadabog na pumasok siya sa loob ng apartment. Pakiramdam niya ay pwedeng magprito ng itlog sa pisngi niya. Kung maaari lang na itapon si Alaric sa pinakamalapit na banggin ay matagal na niyang ginawa. Asar talaga siya sa presensya nito dahil mayabang at mapang-asar. Tinatawag pa siyang manang!
"Uy Ate! Sobra ata blush on mo ngayon? Bongga! May pa-blush on si Mayora. Halatang may pinagpapagandahan ka eh 'no?"
"Isa ka 'ring bwiset ka!" tumakbo na siya at nilagpasan si Rose ngunit hindi naman naka-iwas ang sinabi nito
"Oh? Ano na namang kasalanan ko?"
********
"Pahingi ako, salamat" napapikit ng mariin si Rosario nang marinig ang boses na kinaiinisan niya.
Sino ba ang abnoy sa paupahan nila ng kapatid? Syempre yung color coded na si Alaric Brighton
"Bakit ka kunukuha? Hindi naman kita binigyan" nilayo niya ang isang plato ng nakabalat ng singkamas at isang mangkok ng alamang. Masama ang pagkakatingin niya sa lalaking masarap nang nilalantakan ang pagkain niya
"Nagpaalam naman ako sayo"
"Pero hindi ko sinabing kumuha ka!"
"Kasasabi mo palang. Salamuch~" ngumuso-nguso pa ito saka pa-ninja moves na kumaha ng singkamas
"Ano ba?! Akin ito eh!"
"Sinabi ko 'bang akin?"
"KASASABI MO LANG!"
Napatakip ng dalawang tenga ang binata. Malakas talaga ang boses ni Rosario kahit na nagsasalita lang. Ano pa kaya kapag sumigaw na ito? Iiling-iling na pinagmasdan siya nito.
"Pwede paki-lower down ang boses mo? Lalo na't nandito lang ako sa tabi mo" malambing ang pagkakasabi nito sa huling sinabi na nakapagpapula muli ng pisngi niya
Hindi na siya umimik pa at yumuko na lamang. Narinig niya ang pagtawa nito at ang paghaplos ng calloused nitong palad sa kanyang pisngi. Malalaki ang kamay ni Alaric at lalaking-lalaki. Ayaw 'man niyang aminin pero aaminin na niya.
"Ano bang ginagawa mo rito?!" asik niya
"Naamoy ko kasi 'yang bagoong. Amoy masarap kasi kaya sinundan ko ang amoy"
"Hindi naman matapang ang amoy, dito nga sa kinauupuan ko konti lang ang amoy eh"
Nagdududang binigyan niya ito ng tingin. 'Wag niyang sabihin na may incredible sense of smell ang lalaking ito? Ibang klase na nga sa pananamit may lahing aso pa yata.
"Ewan, sa na-amoy ko eh."
"Nasaan kaba nung maamoy mo yung bagoong?"
"Papasok pa lang ng apartment building." kibit balikat na sagot nito
Okay, confirmed. Alien ang isang ito na may lahing aso.
Gwapo naman si Alaric, maganda ang tindig at pangangatawan. Perfect pointed nose, makakapal na kilay, manipis at pula ang mga labi. Turn off nga lang dito ang weird nitong kasuotan. Pero all in all gwapo talaga siya at isa pa iyon sa nagpapa-inis sa kanya
"Ang cute mo eh 'no? Gusto ko 'yan"
Sa tingin niya ang lahat ng dugo niya sa katawan ay umakyat na sa kanyang mukha.
"Ang kapal kapal ng mukha mo. Bakit kaba nandito ha?!"
••••••
Not edited. Sorry for typos
BINABASA MO ANG
The Eccentric Man: Alaric Brighton Tramonta
ChickLitKasagsagan ng tanghaling tapat, naglalakad sa ilalim ng arawan si Rosario pabalik sa kanilang pinapa-upahang apartment nang mamataan niya ang isang lalaking maliwanag pa sa Araw. Natatawang pinagmasdan niya ang lalaki dahil pulos dilaw ang suot nito...