***21***

890 29 1
                                    

"I'm so hungry na kaya samahan mo na ako doon sa garden para makakain na tayo." Tapos ako na ang nagbuhat nung bowl papuntang garden.

"Hmmm... Ang sarap mo talagang magluto Yuan. Sabihin mo saan ka natutong magluto?"

"My mother thought me when I was still a child. Diba nasabi ko na naman sa'yo na lumaki ako sa broken family?"

"Kung ganoon saan ka naka-stay sa mommy mo ba o sa daddy mo?"

"I'm with my mom."

"Yuan may kapatid ka ba?" Pangungulit pa ulit niyang tanong.

"Yes meron akong kuya."

"E bakit hindi ko pa siya nakikita? I mean saan ba napasok ang kuya mo?"

"College na siya at pumapasok siya bilang scholar sa isang international school."

Mabuti na lang at saksakan ng talino ang utol ko kaya totoong scholar siya sa Palace Academy at least pwede na akong makalusot sa babaeng ito.

"Really? Saang international school?"

Alam nyo mukhang nakakahalata na ata ako sa babaeng ito ah. Bakit mukhang kanina pa siyang tanong ng tanong sa akin?

"Maiba tayo e ikaw saang school ka ba nanggaling dati?" I ask.

"A--ako?" Tanong niya habang nakaturo sa sarili.

"Bakit may iba pa ba tayong kasama dito?" Tanong ko pa ulit.

"Alam mo Yuan ngayon ko lang nalaman na nilalagyan ng itlog ang adobo pero masarap pala pag may itlog 'no?"

See e di kinabahan siyang bigla.

Nakita kong parang hirap na hirap siyang abutin yung bowl kaya ako na lang ang kumuha para sa kanya kaso nagkabungo ang mga kamay namin. All of a sudden parang bigla akong natuksong kapitan ang mukha niya. This girl really had something that makes my mind confused and makes my heart beats fast. Ngayon alam ko na kung bakit siya hinahabol ng mga kaklase naming lalake pero pasenya na lang sila dahil girlfriend ko na si Steph sa gusto at sa gusto nila.

"A--ah Yuan yung mukha ko."

Nahimasmasan naman ako sa sinabi niya kaya bigla akong napabitaw sa mukha niya.

"May dumi ka kasi kaya inalis ko." Nakatungong sabi ko bago binitawan yung bowl tutal kapit na naman niya.

Pagkatapos naming kumain ay agad ko na ring iniligpit yung mga pinagkainan namin pero nagprisinta siyang siya na lang ang maghuhugas kaya pumayag na lang din ako. Aba ako na ata ang nagluto kaya siguro it's her turn to paid me back. Hindi naman sa naniningil ako ang sa akin lang kailangan na talaga siyang masanay at matuto ng mga gawaing bahay aba paano na lang pag naging mag-asawa na kami. Teka asawa agad? E diba nga ang plano ko ay gawin ang lahat para ma-in love siya sa akin at sa huli kailangan ko siyang saktan para siya na mismo ang umayaw sa kasal na ipinagpipilitan ng mga magulang namin.

"Thanks for this night." Nakangiting pasasalamat niya habang nakatingin sa buwan.

Narito kami ngayon sa garden para magpahangin.

"Ang ganda ng mga stars 'no?" Nakangiting tanong ko sa kanya habang nakatingin sa kalangitan.

"Why are you doing this?"

Napatingin naman akong bigla dahil sa sinabi niya?

"Ang ano?"

"Bakit mo ako niyaya para makipag-date sa'yo?"

"Sinabi na ngang hindi date ito!"

Hindi nga ba? Aish! Kasalan ito nito Andrei siya ang nag-suggest sa akin na gawin ito e. Remember I ask his help?

Oplan: Keep My Identity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon