***22***

966 29 2
                                    

"No!" I answered.

"Ano ba talaga ang totoo?" Maarte namang tanong nung isa pa nilang kasama na walang iba kung hindi ang maarteng cheerleader ng Royal Academy na si Ashley Cyrus.

"Honestly I don't personaly know her but I think I already heard her name. Jane Ilagan... Souns familiar right?" Medyo confused na tanong ni Trey doon sa mga kaibigan niya.

Of course sounds familiar talaga ang pangalan ko. Ikaw ba namang maging subject of interest ni Sofie Terry Red at ipangalandakang napakasama mong tao sa buong estudyante ng Palace Academy at Royal Academy.

"Hay naku Trey baka gutom lang yan kaya kung ano-ano na ang pumapasok sa isip mo. Alam mo na masyado kang na-pressure nung ipinakilala mo itong si Ashley sa parents mo." Singit naman nung magandang babae na katabi ni Shinju.

This girl looks so familiar and I know that I already saw her in somewhere.

"Yeah right. You didn't even taste the food that ate Sairyl at kuya Xander prepaired for us." Sang-ayon naman nung babaeng maganda na mukhang model na katabi ni T-J.

"By the way Miss Ilagan---"

"Just simply Steph." Pagtatama ko dito sa magandang babae na mukhang Koreana.

"I'm Megumi Park and this is my boyfriend Ken Lee." Pakilala pa niya doon sa lalakeng katabi niyang mukhang Korean hearthrob.

That Ken Lee really look like a Korean.

"Nice to meet you Megumi and Ken." Nakangiting sabi ko habang nakikipagkamay sa kanila.

"Ito naman ang bestfriend namin ng boyfriend ko na si Michia." Pakilala naman ni Megumi doon sa girl na katabi ni Shinju na parang nakita ko na sa kung saan.

But in fairness super gwapo pala talaga ng Shinju na ito sa malapitan. Kadalasan kasi sa malayuan ko lang ito nakikita dahil sa pambabakod ng maarteng cheerleader ng Royal Academy na si Ashley Cyrus. Oops! Nandito nga lang pala si Ashley. Kung wala lang talaga akong tinatagong identity malamang na kanina pa akong nakipaglandian dito sa Campus Mr. Perfect Guy ng Royal Academy na si Shinju Asagi.

"Anyeong! *bow* I'm Mizx Michia Nadeshiko but you can call me Mich. *wide smile*" Then she stretch her hand to me.

Ang cute naman ng babaeng ito lalo na nung nag bow siya at nang ngumiti na siya. Wait what's her name again? Mizx Michia Nadeshiko? I'm sure I already heard it...

Naalala ko na! Kung hindi ako nagkakamali si Mizx Michia Nadeshiko ang nag-iisang anak ng may-ari ng Palace Academy. Grabe why in this world this is really happening? Ano ba talaga ang nagawa ko at nagsama-sama lahat ng mga kilalang personalidad ng generation namin ngayon dito sa harapan ko. Siguro kung wala akong identity na itinatago malamang na naglulundag pa ako sa tuwa ang kaso meron e. O lupa please kainin mo na ako.

"Nice to meet you Mich." Tapos nakipagkamay ako sa kanya.

"This is my fiancé, Shinju Asagi." Pakilala naman ni Mich kay Shinju.

"Hi I'm St---"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil inunahan akong magsalita nitong si Shinju.

"Jane. Your Stephanie Jane Ilagan right?" Nang uusig na tanong sa akin nitong si Shinju.

Promise kinakabahan na talaga ako ngayon. Nase-sence kong nakilala na ako nitong si Shinju. Sabagay genius nga pala itong si Shinju kaya mabilis makakilala ng tao lalong-lalo na at naging issue sa eskwelahang pagmamay-ari ng pamilya nila ang ang kagagahang nagawa ko doon kay Mikaela Suarez.

"Naku miss pagpasensyahan mo na itong fiance ko ganyan lang talaga anag ugali niyan. Hindi talaga siya pinangank na friendly." Singit naman ni Mich.

Oplan: Keep My Identity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon