Chapter2. Draizen Ken Sy

4.6K 134 5
                                    

"I can't believe this! I just kiss a woman who doesn’t even know how to kiss and..." Tiningnan niya pa ng isang beses ang suot ko, "masyadong manang." Nag-smirk ito. Nang insulto pa talaga.

Mas lalong umuusok 'yong ilong ko sa galit dahil sa narinig mula sa kanya. Aba! Ano tayo rito, gagohan lang? Ako baduy? Tapos manang? Epal pala ang lalaking ito, eh! Gusto yatang makatikim ng sapak sa mukha.

Agad kong sinuntok ang mukha niya at tinadyakan siya papalabas ng cubicle.

"What the! Hoy babae! Anong ginagawa mo? Why the hell you punch me? God dammit!  Ang sakit nun," Inis niyang singhal sabay pahid sa bibig niyang putok.

Nilapitan ko siya para kwelyohan, tapos tiningnan nang matalim.

"Tangina ka! First kiss ko iyon tapos ninakaw mo! Pisti ka ba! Mamatay kana sana, at saka hindi ako baduy, gago!" Sinuntok-suntok ko siya sa dibdib. Panay sangga siya sa atake ko.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay nang mas sinuntok ko pa siya ng malakas. May gana pa siyang titigan ako nang matalim na matalim ngayon, sa kabila ng kapangahasan niya sa labi ko.

"Stop hitting me. You don't have the right, stupid. And excuse me, lady. That's only a fuckin' kiss. Hindi kita ni-rape. You’re too sensitive, Miss.” Tinulak niya ako.

Umusok nanaman ang ilong ko dahil sa na rinig. Namimihasa na talaga siya sa mga pinagsasabi niya sa'kin. Ano nga ulit sabi niya? Minamaliit niya ba ang first kiss ko? Minamaliit niya. Grabe ang arogante niya naman kong ganon.

"Gago ka ba, ha! 'Wag mo akong mamaliitin. Sinong matutuwa nun? Sa isang kagaya mong lalaking hindi ko kilala basta-basta na lang ninakaw ang first kiss ko?! Ano, ha! Anong gusto mo? Suntokan-suntokan?"  Tinulak ko ulit siya kaya napasandal siya sa dingding.

"Don't you fvcking touch me!" Tinakwil niya ang kamay kong nakatulak sa kanya. "Nadudumihan mo ang damit ko. Baka mahawaan pa ako sa kabaduyan mo.Your dirty hand was ruining my t-shirt, damn it!”

Pinagpagan niya 'yong dibdib niya na tinulak ko kani-kanina lang, pagkatapos ay ako nanaman ngayon ang tinutulak niya para maka-alis na siya sa harapan ko.

Natulala ako sa asta niyang napakayabang. Ngayon lang yata ako nakaka-encounter ng ganitong ugali. Napaka-arogante masiyado, akala mo kong sino.

Bago pa siya makalabas nang tuluyan sa comfort room, hinila ko nang malakas ang damit niya at pinaharap sa akin.

"Ano? Aalis ka na lang na parang walang nangyari, ha! Panagutan mo ako. Waaah! Ipapabarangay kita dahil sa kapangahasan mo. Makikita mong magnanakaw ka!" mangiyak-ngiyak na sigaw ko.

Nagkamot siya ng ulo at bagot akong binigyan ng tingin sabay pasok sa kamay niya sa bulsa ng pantalon niya. May kinuha siyang pitaka roon.

"Mukhang pera. Is that enough money to pay my unsatisfied kiss? 'Yan, pwede na ba 'yan."

Hinagisan niya ako ng limang libo sa mukha. Hindi ako makapagsalita dahil sa ginawa niya, hindi ko nga namalayan na nakalabas na siya nang tuluyan.

Nang matauhan ako ay agad pinulot ko 'yong limang libo sa sahig at nagmadaling lumabas ng c.r para hanapin ang lalaking napaka-arogante. Kaya lang 'di ko na siya nakita. Nagpapadyak na lamang ako dahil sa sobrang pagka-inis. Pumasok ulit ako sa loob para roon magsisigaw.

"Hayop ka! Minamaliit mo talaga ako. Minamaliit mo ang first kiss  ko. Kapag nakita kita ulit, makakatikim ka ng, power technique of Shion Zeek Macapagal. Naknamputcha ka!" sigaw ko sa salamin.

Tama bang bilhin ang halik ng limang libo. Leche niya, bakit hindi niya ginawang sampong libo, diba? Masaya sana, kaso limang libo lang. Paano ko mababayaran ang mga utang ko nito sa amin?Ang laki kaya ng utang ko, bente mil iyon, hindi pa kasama 'yong utang ni papa riyan.

The Billionare's Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon