Chapter3. Tricky

3.8K 100 8
                                    


"Ate gusto ko maging superman, " sabi nung batang chubby. Tumawa muna ako bago ko sinabi sa kanya kong paano siya maging superman.

"Talian mo ng kumot ang leeg mo. Edi, superman ka na,” walang kwentang sagot ko.

"But I want to fly. How can I do that?"

"Edi, tumalon ka, mula sa mataas o kaya sa kama. But you have to make sure ang babagsakan mo ay malambot baka kasi ma-injury ka o mabalian ka ng buto."

"Yes po ate. Thank you!" Nagtatakbo na siya habang dala-dala ‘yong ice cream niya. Nagsisigaw pa siya nang ‘I'm a superman!’
Napailing ako ng ulo saka nag-entertain pa ng mga batang nakapila.
"Ate, I want to become a darna, hihihi." 

Pinigilan ko munang huwag matawa. Ang cute niyang bata, lumulubo ang pisngi niya sa tuwing humahagikik siya.

"Lumunok ka ng candy para maging darna ka tapos magsuot ka ng panty at bra," tawang-tawang sabi ko. Mas malala pa yata ako sa adik.

"But ate, If I chew the candy candy, my lungs will get hurt," yamot niyang saad.

"Edi, huwag ka na lang magdarna para hindi sumakit ang lungs mo," balik na sabi ko.

"Okay po ate. But still, I want to become a darna so that I can help many people." Nagtatakbo na siya palayo kaya ang susunod na bata naman, 'yong ingrata.

"Ate, what should I do? I hate my stupid yaya. She's really a bitch, duh!"

Aba! kebata-bata pa alam na ang salitang bitch. Walang duda spoiled ang isang ito. Naalala ko tuloy iyong babaeng maarte sa mall na pinahiya ko. At inakusahan kong kabit.

"Simple lang, pahirapan mo hanggang sumuko."

Aruy! Bad influence na ata ako sa mga batang makukulit.

"Duh! Ginawa ko na iyan but still, hindi pa rin siya umaalis sa bahay namin. Nakaka-umay ang pag mumukha niya. Napaka panget niya. Natatakot akong mahawaan."

Sarap naman sandukin ng batang ito. Napaka-spoiled brat. Ang arte rin masyado. Kapag ito naging kapatid ko, 'di 'to aabotan ng bukas.

"Simple lang iyan, takutin mo. Magmulto-multohan ka at lagyan mo ng ipis iyong damit niya. Gugulatin mo siya nang todo-todo. Tingnan mo, one week pa lang suko na 'yan tapos 'yong kaluluwa nung maid niyo nauna na sa langit. Maha-heart attack sa pagiging demonyita mong bata ka," tumatawang sabi ko. Isang tawang pang bruha.

"Yes! Thanks ate." Aba! Ang ingrata talaga, may pahalik-halik pa sa pisnging nalalaman.

"Gusto ko maging famous sa social media ate, how can can I do that? " tanong nung batang sobrang tisoy.

Nag-isip ako kunwari sa gagawin niya. Mapapasubo talaga ako sa pagiging Madam Auring.

"Gumawa ka ng video na kumakanta ka o sumasayaw tapos i-post mo "

Diba, ganyan naman kadalasan? Amp!

"I did na po, but I'm not satisfied, ate. Gusto ko, libo-libo 'yong followers ko  because my mom told me, na bagay sa akin ang sumikat dahil gwapo ko raw," pagmamaktol niya.

"Bata, sumali ka na lang sa The Voice Kids para maging famous ka, o 'di kaya mag-auditon ka para maging artista ka. Magugulat ka na lang, million-million mga fans mo, pati likes tapos hindi lang likes matatanggap mo may maghahabol pa sayo. Kita mo na? Di lang aso ang maghahabol sa'yo niyan,” kumbinsi ko sa bata.

"Talaga ate? Totoo ba 'yan? Is that effective?” Tumango-tango ako. Lumaki ang kanyang mga mata sa gulat

"Thank you!" Niyakap niya ako pagkatapos nagtatakbo na siya pa layo.

The Billionare's Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon