Chapter 2
Raizen’s POV
“Bakit parang bad mood ka?”
Tinaas ko ang kilay ko, confused. Nung nakita ni Kath ang expression ko, nagsalita siya. “Kanina ka pang nakasimangot and from time to time you were glaring.”
“Ah. Wala yun, lumilipad lang utak ko.” sabi ko sa kanya habang pilit na ngumiti sa kanya. Minasdan ko ang mga ulap.
Nakakabadtrip pa rin isipin ang nangyari kahapon. Sinungitan na nga ako nung lampa na yun, grabe naman tinulungan ko na nga siya tapos ganun pa siya.At lalong lalo na ang kapatid niya, loko siya! Anong klaseng babae yun?!! Bigla ka na lang hahalikan sa taong kakakilala lang niya na wala pang limang minuto. Grabe ang landi! Sa dinami daming tao dito sa mundo na to, bakit ba yung babae na yun ang nakakuha ng first kiss ko! Damn you Fate!
I inhaled deeply, calming down. At least naman hindi ko na makikita yung crazy duo na yun. Muntikan na akong matumba nang biglang may kumapit sa balikat ko. “Oi! Gusto mo ba matumba ako?”
Ngumiti lang ng malaki si Kath. “Alam ko naman na kaya mo ang weight natin eh,” biglang naging seryoso ang expression niya, “Rai, sabihin mo nga sa akin, anong nangyari kahapon?Para naman at least malabas mo yung sama ng loob mo.”
My eyes widen slightly before chuckling. “I should have known you'd notice.”
“Of course I'd notice. Ilang taon na kaya kitang best friend…so spill.”
I shook my head, smiling. Ang saya talaga kapag meron kang mabuting kaibigan. Kinuwento ko sa kanya ang nangyari kahapon habang papunta kami sa bagong school namin.
“Can you please stop?” sabi ko sa kanya na medyo naiirita
Pinilit ni Kath na huwag tumawa ng malakas pero nagchuckle naman siya. Nagcough siya tapos binigyan niya ako ng isang amused smile. “Sorry ha! Pero wow, just wow. Bakit hindi mo inamin na girl ka tapos ka niyang halikan?”
I sighed deeply. “Too shocked to say or do anything. Tapos biglang lumapit naman ang driver nila at nagsorry sa kanilang dalawa dahil naleyt siya and then iniwan lang nila ako na parang tanga sa sobrang unbelievable at ‘what the fudge’ moment.”
“Well look on the bright side, hindi mo na sila makikita.”
Ngumiti ako sa kanya. Optimistic talaga siya, sana ganun rin ako.
“Ang ganda ng school natin.” Kath commented as she looked around.
Sumangayon naman ako sa kanya habang minamasdan ko yung bagong school namin with awed eyes.
Ang Maclaren Academy ay isa sa pinakamalaking school sa Pilipinas. Ang school na yun ay strict and only accepts those talented and brilliant people. In short, mahirap makapasok sa school na ito dahil puro saksakan ng matatalino o di naman diyos at diyosa sa sports ang mga students ang tinatanggap dito. Pero in fairness ang tuition fee nila ay hindi mahal, normal lang katulad ng ibang schools. Isa rin yan sa mga rason kung bakit kilala at maraming gustong makapasok.
BINABASA MO ANG
The Four Kings
RomanceSi Raizen ay isang maypagkatombay na babae pero imbis niyan masasabi mong normal siya. Except na mukha talagang siyang lalake. Tignan na natin ang buhay ni Rai ng lumipat siya ng school. Gender confusion, love triangles, fighting, and a whole lot of...