Best of Friends

58 1 0
                                    

Elementary days.. I admit jologs pa ko nun. Well, ganun talaga ang mga style ng mga pananamit hindi na gaya ngayon na pati bagets nakamake-up na jusko! Ibang iba na talaga pati sa pananamit kulang nalang talaga wag na magdamit eh. Haay.. well back to me, so ayun nga loose pants, loose shirt, and rubber shoes samahan mo pa ng ponytail with a cap. Ayos na! powder lang sa mukha ayos na rin. Hindi kailangan ng makakapal na make up para magmukhang tao kasi maayos naman ako tingnan. Tao pa rin naman ako ah. Diyan na rin nagsisimula yung crush crush. Haha :D I remember my crush ako nun. Actually marami sila pero syempre wag papahalata. One thing about my neneng days is that I have a guy best friend. Yes HE is. How we became bestfriends? Hmm.. As far as can remember Grade 2 ako nun may nagtanong sakin kung sino daw crush ko sa classroom? Alam mo naman kami crush crush lang.. haha so to make it interesting nasabi ko yung pangalan nung absent. si Kim! (oh my gerd! Can't believe I'm making a confession now. Hindi kasi niya alam. Haha) so si Kim nga sinabi ko which is hindi ko naman talaga kilala at hindi ko nga alam kung ano istura ng lalaking yan. Haha :D and so yung kaklase ko naman na nagtanong sakin abangers yan araw araw kasi naging interesado sya kung sino ba si Kim na crush ko kuno haha :D and unfortunately sa buong taon hindi sya pumasok or maybe hindi na sya tumuloy na mag-aral sa school namin. Sayang excited pa man din akong makikilala sya. Ewan ko ba! 

Sa sumunod na year Grade 3 na kami nun ang mysterious guy na si Kim ay sa wakas nagkaroon na ng mukha! Matangkad na maputi at cute. Pumasok na sya at yung kaklase ko na nagtanong sakin dati ayun hindi nakamove on at tandang tanda pa nya. Haha :D at hindi pa sya nakuntento ayun pinagkalat pa talaga nya na si Kim daw yung crush ko. My gulay! Chismosong palaka! Anyways, wala namang ilangan na naganap kasi alam ko namang hindi ko talaga sya crush.. pero cute sya.. pero hindi ko talaga sya crush. Promise! 

Hanggang sa naging friends kami naging close kami at naging bestfriends kami pagdating ng grade 4. Siya yung forever seatmate ko kasi uso nun yung magkatabi kayo sa iisang table tapos yung may lagayan pa ng gamit sa ilalim ng table tapos sasabihin ng teacher niyo "Class keep quiet! Hands on top of your desk" haha oh di ba? So back to my bestfriend. Naging comportable ako sa kanya. Yung tipong maliit lang na bagay napagkakasunduan namin. Tawanan lang kami. Kulitan. One time absent siya for 3 consecutive days which made me worry kasi hindi naman yun basta umaabsent pero palaging late yun. Hanggang yung 3 days naging 1 week. and one day nakasalubong ko yung kapatid niya kinumusta ko siya at tinanong kung anong nangyari sa kuya niya. Nagkachicken pox daw. Halaa! Pero pagaling naman na daw siya so ayun worried pa din ako. And the following days pumasok na rin siya sa wakas! Yey! Balik sa dati kulitan at asaran nung una ilang pa siya kasi nga may mga marks pa siya sa mukha pero who cares? I missed my bestfriend. Oy! Wag ka lahat ng katabi namin iniiwasan siya kasi baka mahawaan sila at ako naman? Dedma! Go lang ang lungkot pala ng walang inaasar. Haha :D 

Christmas comes! Christmas party namin! "okay class! The dance floor is open. Isayaw niyo yung gusto niyong isayaw" Tss.. ang corny! may pasayaw pang nalalaman yung teacher namin. Nagsimula na nga silang sumayaw. Hila dito. Hila doon. Aya dito. Aya doon. "Alex tara!" sabi nung isa. "Ayoko!" sabi ko. "Sayaw tayo!" aya naman nung isa "Ayoko!" sabi ko nalang ulit. Lahat nalang rejected hanggang sa "Alex can you be my first dance?" sabi niya. Umirap ako sabay abot yung kamay ko. Pabebe pa eh noh! Uso na talaga nun. Haha "Ikaw Alex, si Kim lang pala gusto mo makasayaw eh" kinikilig na sabi nung teacher namin. Hala siya! sorry na napapayag lang niya ko sa PaEnglish niya haha :D but yes! He was my first dance! Kung iniisip niyo kasi gusto ko siya? My answer is NO. He is my bestfriend. Period! 

Valentines day! Yung teacher namin gumawa na naman ng pakulo. Pinagawan kami ng valentines cards as many as we can daw para ibigay sa mga gusto naming bigyan sa loob ng classroom. At dun ko nalaman na yung bestfriend ko may crush pala si Dei. And guess what? Nagpatulong siyang gawan ko ng Card for her at dahil mabuti akong kaibigan tinulungan ko siya. yes naman! Sabi sa inyo mabait ako eh sa taong mabait sakin. Haha :D and so time has come bigayan ng cards at talagang inAnnounce pa ng teacher namin kung kanino nanggaling at para kanino. I receive several cards from my classmates that I never expected na bibigyan ako. Ako naman binigyan ko yung mga close friends ko mga 10 siguro sila haha oh di ba ang sipag ko gumawa ng cards haha :D including my bestfriend. At nung nakita ko na yung ginawa naming card para kay Dei bigla siyang namula and me knowing him panigurado kinakabahan na siya natawa ako sabay siko sa kanya "hoy! Huminga ka!" he just smiled at me. At nang tinawag na yung pangalan niya naghiyawan ang buong klase na hindi ko na kinagulat. Ganyan naman sila, Diyan sila magaling >.< Pero si girl namula din haha :D Alam na! To cut the KimDei story hindi siya gusto ni girl which made me feel sad kasi first heart break yun ng bestfriend ko. Ouch! He just shrug the idea of Dei rejecting him. Ayos lang yan bestfriend. 

Grade 5 and 6 me and Kim stayed as bestfriends. Forever seatmate ko na talaga siya. Forever groupmate ko pa. Sa sobrang closeness namin napagkakamalang may something samin which made us laugh kasi wala naman talaga. Sabi pa nga nung sundo namin (Uncle Danny) "Uy! Bagay kayo!" Kami naman "Ewww!" haha :D yes! We're best of friends but we both don't like the idea na magkagusto kami sa isa't isa. 

My Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon