Throwback: Confessions!

29 1 0
                                    

2nd week palang ng 1st year highschool nag-aadjust pa ko nun. Btw, I am elected as the Class president which made me surprised kasi wala naman ako kakilala sa kanila at hindi rin nila ko kilala and yet they trusted me. So ayun everytime papasok ako ng classroom lagi nila kong binabati ng "Goodmornig president!" .. nakakahiya at first kasi hindi ko alam kung paano magrereact I just smiled. Maniwala kayo at sa hindi tahimik ako sobra tsaka lang ako magsasalita kapag kakausapin nila ako. After a month, I made friends I mean yung nakikipag-usap na rin ako ng walang hiya hiya. at dun ko rin naging close si King. Hindi ko alam kung paano basta nakakakulitan ko siya hanggang sa susunud-sunod yan para lang asarin ako. And one time tinanong ako ng katabi ko kung may crush ba daw ako sa classroom. Ayan na naman tayo eh. Kaya nadadali ako eh. Umiling ako sabay sabing "wala" pero hindi naniwala kaya kinulit ako ng kinulit hanggang sa may tinuro ako and guess who? Si King yung tinuro ko. para matahimik na to.

Fast forward >>>>

At yun yung dahilan kung bakit hindi na niya ko pinapansin last grading ng freshman.. hindi dahil tinuro ko siya na crush ko kundi dahil may nakapagsabi daw sa kanya na binawi ko after ko sabihin na crush ko siya (funny right?) which is hindi ko talaga matandaan. Oo tinuro ko siyang crush ko siya pero yung bawiin? Hindi ko talaga maalala. Hanggang sa nag-explain ako sa kanya through text hanggang sa naging seryoso yung usapan at sinabi niya sakin "honestly, nung nakita kita na love at first ako sayo" which made me feel uneasy. Bakit ganun? Eto na naman tayo eh. And the last thing I know kami na. haha :D Ha? Ano? Paano? Hindi ko rin alam ang bilis ng pangyayari. After the big Confessions and Revelations. Ayuun! We're officially in a relationship! 

Kinabukasan, saktong may farewell party kami after graduation. Napag-usapan naming just act normal. How we used to before. And we did, nung una nagkakahiyaan pa kami hindi namin alam kung paano ba iaaproached ang isa't isa since ang tagal naming di nag-uusap personally at alam ng buong klase na we don't get along kasi hindi naman kami nakikita na nagpapansinan. Which made them wonder especially yung barkada nung makita nilang pinahiram ko yung towel ko sa kanya. Ang shunga kasi niya alam niyang mag-sswimming hindi ba naman nagdala ng towel. Lol! And so we had dinner sa resort hindi kami masyadong nagpahalata habang busy yung iba kumakain I went to the pool at umupo sa gilid not knowing na nasa likod ko pala siya nakasunod. And so he joined me umupo din siya sa tabi ko. Not minding the others, we talked. Kalma lang and he hold my hand. Bumilis yung pintig ng heart. Ay wow! buhay ka pa pala. Haha :D I feel calm. Bigla ko siyang namiss. Namiss ko yung ganitong pakiramdam grabe almost 4 years na hindi kami nag-uusap dahil lang sa narinig niya nung 1st year kami about sa pagbawi ko na crush ko siya haha :D Natigil yung moment namin nung sumigaw yung bestfriend niya si Sev na barkada din namin. Bumitaw ako agad sa kanya. Keep on praying na sana hindi niya kami nakita. And the other joined sa pool na rin and we had a blast.

Our farewell party continues with a sleepover sa bahay ng kaklase namin. The boys made a bonfire. Everyone is singing while the fire is also dancing at the center as if joining the melody. Kantahan, tawanan habang yung ibang nagluluto ng hotdog with marshmallow and I felt something warm on my arms. Its him making his ninja moves. Napatingin ako sa kanya. Sending him the baka-mahuli-tayo look. He reassured me with a smile. And so I stayed calm. Hanggang sa bumuhos ang ambon at pumasok na kami sa loob and we bid our farewell.

Ilang araw na matapos yung farewell party namin.. Bilang na rin ang araw na magkakahiwa-hiwalay na rin kami. So I decided to have a sleepover sa bahay which nag-agree naman ang barkada. Ininvite ko rin si King kasi tutal part pa rin naman siya ng barkada but this is the first time na makakaapak siya sa bahay namin since hindi naman siya sumasama dati kasi iniiwasan nga niya ko. Alam niyo? Simple lang naman kasiyahan naming barkada eh. Pagkain, videoke at basta kumpleto kami. Yun lang. habang yung iba nagkakasiyahan sa loob. Kami naman ni King nasa labas nag-uusap. Star gazing kami. Ansabe? Haha :D maya't maya pa nilabas ko na yung gift ko sa kanya for graduation. Simple lang naman it's a pink & blue couple heart keychain. Tig-isa kami. Sabi ko sa kanya na wag na wag niyang iwawala kundi lagot siya sakin ngumiti lang siya. Sumandal ako sakanya "mamimiss kita!" feel na feel namin yung moment nang bigla "Hoy! What's the meaning of this? Bat kayo andiyan?" sabi ni Paige kwelang babae na patay na patay kay King hahah :D agad akong humiwalay sa kanya. Sana hindi siya nakahalata.

Ang saya lang makita yung barkada na masaya..mamimiss ko silang lahat. Ayoko matapos ang gabi. Kasi pagdating nang umagamagkakahiwalay na rin kami at tatahakin namin ang kanya kanya naming daan.Natatakot ako na baka marami ang magbago.. lalo na ang KAMI.. Siya at Ako.    

My Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon