Another Chapter

18 0 0
                                    


Entering to college is like opening a new chapter of a book. New faces, new people and new environment. Panibagong kabanata na naman ang tatahakin. Yung kinakatakutan ko nung gabing yun ay nangyari na. Dalawang buwan palang ang nakalipas nang maramdaman kong may kakaiba. Asan na siya? may KAMI pa ba? Hindi ko siya maramdaman. Nung gabing yun, napag-usapan namin yung magiging sitwasyon namin. Lalo na't sa Manila siya mag-aaral samantalang ako Baguio. Sinigurado naman niyang kahit anong mangyari walang magbabago which I believe in him pero sa nangyayari samin ngayon mukhang Malabo na hanggang sa narinig ko sa kanya na "Sorry! I'm such an ***hole" na kesyo hindi daw niya alam kung ano ba ang gagawin niya since 1st girlfriend niya ko. sapat ba na rason yun? Teka! In the first place why did he asked me to be his girlfriend di ba? Ah ewan! Galit ako nun! Galit na galit ako sa kanya. Pinaniwala niya ko na we can work things out pero sabi sabi lang pala. From then on hindi ko na siya kinausap. Hanggang dun nalang pala yung kwento namin. Everything has come to an end. Parang kami lang.

And then go with the flow lang.. nagfocus nalang ako sa academics and extra curriculars sa school.. sumali din ako sa iba't ibang organizations ng department namin. Well I took Tourism Management since mahilig akong magtravel. I want to travel around the world kung hindi man gusto ko mapuntahan yung 7 wonders of the world. Yay! Gusto ko rin maging isang tour guide .. and guess what kung saan? Sa SPAIN. Since bata ako gusto ko na talaga pumunta ng spain and one day makakaapak din ako dun. Pero sa ngayon focus nalang muna ko sa studies. Naging busy. Aral dito. Aral dun. Nakakaiyak kasi lagi akong nahohomesick. Kasi yung family ko nasa province. Ako at yung kuya ko nakikitira sa tito't tita namin. My buhay kolehiyo? Ayun Bahay. Shool. Bahay. School. Lang ako nun. See? Good girl ako. Haha :D Sa sobrang busy ko .. wala ng time para sa love. Though may mga crushes naman ako. Haha :D para hindi tuluyan maging boring ang life di ba? Atleast may motivation pa rin. Char! Haha :D 

Let me share one of the craziest thing I've done when it comes to crushes.. at until now hindi ko pa rin makakalimutan na nagawa ko yun. So mga 1 month na siguro simula nung pasukan sa University. Madalas kong ginagawa ay tumambay sa foodcourt ng building namin since maaga pa naman ako at nasa 7th floor first class ko and then one time habang hinihintay ko yung mga barkada ko may isang grupo sa kabilang table na ang iingay. Grabe sila ang aga.aga. pero ako dedma nalang! Pero sa gilid ng mata ko someone catches my attention isang matangkad, maputi, gwapo na namumula pa ang pisngi. Haha ayan na naman tayo sa matangkad at maputi eh. (ganyan ang mga tipo ko eh) haha :D so ayun na nga! Napatingin ako saglit sa guy! Uy pogi siya ah! Sabi ko sa sarili hanggang sa dumating na rin yung mga kaklase ko at pumasok na rin kami. Hanggang pagpasok sa klase hindi mawala wala yung itsura nung guy sa isip ko. grabe siya ah! Until one day, lagi ko na siya hinahanap hanap everytime tumatambay kami sa foodcourt. And Yes! Alam na rin ng mga barkada tungkol sa kanya. Alam niyo bang nung past life ko isa akong magaling na detective? Haha :D kasi nalaman ko yung pangalan, course at year nung guy. Paano? Hindi ko rin alam. Haha :D I got a grade of A++++ sa stalking skills ko haha :D and fast forward nga sa Craziest thing na ginawa ko. Sa sobrang busy sa activities may mga times na hindi ko na siya naabutan sa foodcourt kaya nag-isip talaga ako ng paraan para masilayan ko lang yung ngiti niya! Haha okay! Corny! So eto na nga sasabihin ko na. Kinuha ko lang naman yung schedule niya sa mismong kuhanan ng schedule sa school nila. Btw, magkaiba kami ng school pero tambay nga rin sila sa foodcourt ng school namin. Back to the schedule, yes sa sobrang atat ko malaman ang whereabouts niya. Kinuha ko yung schedule niya sa school nila. How? Well I have my sources. Haha :D dahil sa isang mabuting kaibigan na alumni sa school ng guy nakapasok kami at dahil na rin sa sources ng sources ko nakuha namin yung schedule niya which is bawal pero walang makakapigil sakin haha :D Idaan sa charm! Haha :D pero seryoso! I really did. Am I creepy? Some say yes, Some say "hanep! Ibang tama mo kay JES" . yes! Dahil magaling ako sa codes may pangalan siya sa barkada JES pinaikli dahil mahaba yung pangalan niya. Shh! Quiet lang ah. Satin lang to. Pero after nakuha namin yung schedule niya bigla akong napatigil sa hawak kong papel. Can you guess why? Isa siyang SANTOS which means kamag-anak namin siya. Alessandra Jay SANTOS Perez. Hindi naman impossible di ba? Or malayong kamag-anak? Basta kamag-anak pa rin namin siya. Well all infairness magaganda't gwapo talaga lahi namin. haha :D hoy! Wag kang kumontra nakikibasa ka lang. haha :D at dahil sa Santos siya tinantanan ko na. haha no just kiddin' ganun nalang ba susuko ng basta basta. Naging motivation ko siya sa araw araw ng 1st years ko.

Hanggang 2nd year si JES pa rin laman ng isip ko. Until one day, nabalitaan at nakita ng dalawang mata ko na may girlfriend na siya. at dun na rin ako natahimik at binaling yung attention ko sa iba. Ang relasyon parang switch yan on and off. At isa lang ibig sabihin nun nakipagbalikan ako kay Yang. Yung 1st boyfriend ko nung high school. Mga bandang 2nd semester ng 2nd year ko yun. Giving another shot, baka sakaling magwork. Nung una tinext niya ko. Palitan kami ng Kumusta? Okay naman. Ikaw? Okay lang din. Hanggang sa may mga I miss you. I miss you too. Which is totoo naman namiss ko siya. Gusto ko rin bumawi sa naging kasalanan ko sa kanya. So I promised myself na magiging honest ako when it comes to our relationship. 1st week ng pagbabalikan namin okay pa. Inaaya niya ko lumabas pero sabi ko tinatamad ako. Nasanay na kong sa bahay lang ako every after class o kaya naman sa Saturdays and Sundays. One time, pumayag ako makipagmeet and so kumain kami sa labas. And to my disappointment, hindi ako nagenjoy. Why? Kasi wala na kaming pinag-usapan kundi sarili niya. Yung tungkol sa course, training, hours, duty niya basta all about him. Hello! Ako rin naman kumustahin mo. Pero hindi nalang ako nagpahalata. Gustong gusto ko na umuwi nun. And the following days na lumabas kami ganun pa rin wala na ibang topic kundi yun pa rin. Until I decided this won't work kung siya at siya lang din. Relationship doesn't work kung iisa lang. I know tell me I'm stupid but I did break up with him. Ewan ko ba hindi ko magawang makuntento sa kung anong meron kami. Parang may kulang pa rin eh. Hindi pa rin sapat eh. Alam mo bang pinayuhan din niya ko bago kami tuluyang naghiwalay. Funny right?

Advice from him:

1. Una kung magkakaboyfriend ka ulit kung aayain ka kumain or manuod sa labas wag kang tumanggi. Go ka lang dapat.

2. Kung lalabas man kayo sa susunod. Huwag mong bigyan ng oras or time limit para hindi laging nagmamadali.

3. Wag ka ring mahihiyang makipagholding hands sa kanya at wag ka din maiilang kapag inaakbayan ka niya.

4. Kiss should not be a problem. Wag mong ipagdamot yun sa susunod na boyfriend mo.

5. At ang panghuli, magmahal ka ng buo. Walang labis. Walang kulang.

To sum it all? I'm not a perfect girlfriend. Am I? And yes tama siya. Hindi ako pumapayag kapag inaaya niya ko lumabas. Taong bahay kasi ako. Nasanay ako. Tsaka ayoko lagi kaming magkasama :( at yes ulit, every time na lalabas kami I always give him a time limit parang "oh hanggang 1pm lang ako ah kasi kailangan ko umuwi ng maaga" o kaya naman "1 hour lang alis rin ako" hindi ko ba alam sa sarili ko kung bakit ako ganun sa kanya. Basta iba. Minsan gumagawa nalang din ako ng palusot na hindi naman totoo minsan. Pangatlo, wag daw ako mahihiya kapag makikipagholding hands. Hindi naman sa kinakahiya ko siya as my boyfriend pero believe it or not I'm not used to it sa paholding-holding hands na yan o kaya kahit akbay? No. ayoko rin ng ganun. Wag niyo na kong tanungin. Hindi ko rin alam. Fourth, Kiss! Alright to make it clear! I've never kiss any of my boyfriends. Maski nung kami pa nung una ni Yang. Hindi pa kami nagkiss. Kahit smack lang? Nope that's a big NO! coz maybe I grow up in a private catholic school? Or I'm scared. I don't know either. Kaya ganun siguro ako kaManang. Though ninanakawan ako ng halik niyan sa cheeks lang naman so its okay with me! Haha pero sa Lips? No never! May pinamana sakin si Inang Maria Clara haha And lastly, Magmahal daw ako ng buo. I won't say anything with that. Instead, I agree with him. Hindi rin ako buo kaya siguro ganun ako sa kanya. May kulang talaga eh. Or maybe I just missed the idea of being in a relationship. Oh well, ayun na nga nangyari na ang dapat mangyari.

My Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon