3rd year college, may mga nagpaparamdam pero dedma nalang ulit. Tigil na muna. May nalilink, may nagpaparamdan, may nagtry at may nagconfess na rin pero hindi ko nalang muna pinagtuunan ng pansin kasi alam ko naman sa huli wala rin mangyayari. Isa na sakanila si Mateo, yung isang nililink sakin 2nd year college palang which is nafefeel ko may something pero ayoko ipahalata kasi ayoko mahalata. Does it make sense? Kasi ayoko ring mainvolve ulit sa ganung sitwasyon. Siya yung tipong may mababang boses haha :D pero swabe naks! Mabait kung sa mabait, sweet at malaki ang respeto sa babae. Which I admire about him. May nakapagsabi sakin na may gusto daw siya sakin which is hindi ko pinaniwalaan kasi ilang beses na ko nadali jan until fine dining ball 2013 (part of our subject) na maexperience namin ang Fine Dining since nasa Hospitality field kami so ayun night before the event sa hindi inaasahang tawag from him sinagot ko "Alex may partner ka na ba sa Fine Dining?" hindi ako makapagreact mas nauna pa ngang nagreact yung bestfriend ko (Mia) kesa sakin. Haha :D tinanong ko kung bakit though may alam na kong hint kung bakit niya ko tinatanong and there he asked me to be his partner sa event. Teka! Totoo ba to? Hindi ako sigurado pero umOO nalang ako. And I guess that's it! Kinilig ako infairness kasi ganun pala yung pakiramdam kapag may nag-aya sayo na maging partner. Sorry naman! Hindi ko naranasan sa JS prom eh kasi wala kami nun nung high school. I know boring! Lol. And so I said yes. Kinabukasan hinatid na kami sa venue. Btw, I'm with my bestfriend (Mia) kasi nakitulog siya samin so anyways pagdating namin sa venue. Andun na si Mateo naghihintay. I'm wearing a purple gown with shining shimmering ek ek. haha and he was wearing a red long sleeves with matching tuxedo pa ang lolo mo. Haha :D so pagpasok namin andun na pala silang lahat haha kami lang ata late grand entrance! Haha :D may photoshoot pa. hanggang sa pag-upo namin sa supposed to be table namin nawala siya. yung partner ko. Paglingon ko. ayun! Wala na. hinila na nang iba! Grabe siya oh! Badvibes tuloy sana hindi nalang ako umattend. Basta badtrip ako nun pero keri lang kasi kasama ko naman yung bestfriend ko. As long as I'm with her. Okay lang. pero sa table namin may naiiba kasi puro kaklase ko yung nasa table except for one. Nawawala si kuya! :D pero pogi siya ah! Eto na naman ako eh. Tahimik nga lang tsaka parang suplado haha :D pero kami naman ni Mia FC (feeling close) masyado nakipagclose kay Kuya pogi. May picture pa kaming nalalaman oh di ba? Close na kami haha :D May nasesense ako kay kuya haha :D pero anyways.. back to reality. After ng event umuwi na kami. Pagdating sa bahay I got a message saying "Sorry Alex kanina!" without saying a word hinayaan ko nalang. Hindi na ko nakipagcommunicate kay Mateo after what happened.
I focus my self sa organizations. Sumali ako sa mga activities gaya ng event planning. Tumulong sa pagorganize ng event mapadecorations and everything. So ayun hayahay naman ang buhay. May isang event kami sa school na kailangan ng tulong so as a member of the SEPA (Students Event Planners Association) tumulong kami. Habang busy sa pagpprepare ng mga decorations may nasagip yung mata ko. si Kuyang pogi. Remember yung Fine Dining yung inFC namin? Haha andun siya. Teka! Dancer siya? ayieee! :D pero teka lang ulit back to work focus muna..
2nd semester ng 3rd year. Naging busy ako sa pag-asikaso sa Junior Practicum ko. dahil nga sa mahilig ako magtravel I decided to join 2Go and Boracay as my ojt. 1 week sa barko at 2 weeks sa Boracay. Super excited ako nung malaman kong magbabarko kami kaso mahirap din pala na nakakatakot. Mahirap kasi iba't ibang tao yung makakasalamuha mo meron sa pinakababa ng barko, meron din naman sa economy class. Basta hindi siya ganun kadali kasi pwede kang mabastos pero kaya to. Nakakatakot kasi based on their experience yung mga crew dun na karamihan sa kanila survivor sa isa sa mga lumubog na barko as in grabe. Yung route ng barko is Manila-Bacolod-Iloilo-Cagayan De Oro then vice versa. After a week sa dagat bumaba na kami ng Iloilo going to Caticlan papuntang Boracay Island. And we stayed there for 2 weeks. 1 week training sa FnB at 1 week sa Front Office. 1st 3 days naAssign ako sa Bar so ako tagagawa ng juice, coffee, and cocktails. Sa sumunod na araw dapat rotation yan eh mga kasama ko nalipat na sa dining service pero ako sa bar pa din which is easier for me. And unexpectedly may namu-muong something between the Bar captain. Excuse me po! Hindi ko po inaasahan. Hindi ko po inakit or what. Unexpected po siya. Nung una, wala naman talaga. Ni hindi ko nga siya matignan sa mata kasi may kakaiba sa mata niya. Basta iba. Hanggang sa one time, on duty ako with him pinaslice ako ng lime sa katangahan ko nahiwa ko yung hintuturo ko syempre hindi ko pinahalata hinugasan ko agad nang makita niya "nasugatan ka?" "hindi po sir" agad kong sinabi. Siyempre hindi ko na sinabi. May sinabi rin siya "oh ayan! Tatlo. Para I like you!" natawa nalang ako pero hindi ko napansin may meaning pala yung sinabi niya. Hanggang sa nagkatext kami which is bawal yun. Lagot ako neto! After a week nilipat na kami sa ibang deparment sa F.O naman. Naassign ako sa Telephone operator. Taga sagot at transfer ng tawag. Minsan, tumatawag yan from Bar to Front Office para lang mag-asar o kaya naman sasabihing "kumain ka na? sabay tayo maya sa cafeteria" eto namang lola niyo kinikilig. Hindi na natuto. Jusko po. A day before kami matapos sa ojt lumabas kaming dalawa lang ng walang nakakaalam siyempre. Pero Nilibut namin ang Boracay. Lakad dito. Lakad dun. Hindi namin namamalayan hapon na pala. So we parted ways pagdating namin ng staff quarter kasi separate yung staffs sa ojts. And so we leave Boracay. What happens in Boracay stays in Boracay. Pero akala ko ganun lang yun. Pero nadugtungan pa yun nang we stay keep in touch. Tumatawag siya. Nagtetext. Hanggang sa nanligaw na siya at sinagot ko after a month. Tumagal kami ng 3 months akala ko hanggang dun lang yun pero pinatunayan niya na seryoso talaga siya nung umakyat siya ng Baguio nung 1 week vacation niya. Nagkita kami ni Arc. Dun ko rin naranasan ang 1st kiss ko. Ooops! Sabi ko nga sa inyo isa wala pa kong hinalikan at hanggang dun lang yun. Pinakilala ko rin siya sa mga kaibigan ko which is the first time na may pinakilala ako sa kanila. Wala naman akong narinig sa kanila about our relationship. I know for now they won't say anything kasi Arc has a 4 years old daughter hiwalay siya sa asawa. 7 years gap naming dalawa which is alam ko meron at meron akong maririnig. Umabot kami ng 4, 5, 6 months infairness yun palang pinakamatagal ko sa relationship. Siguro kasi mature siya mag-isip. Akala ko siya na. Akala ko siya na talaga. May mga bagay talaga na hindi mo inaasahan. Na bigla mo nalang mararamdaman. Possible pala yun noh yung mahal na mahal mo siya ngayon pero kinabukasan narealize mo hindi mo na siya mahal hindi dahil may nahanap ka ng iba kundi dahil hindi mo deserve yung ginagawa niya. The way he think is different the I think. The way he see things is a lot different from the way I see things. "Ayoko na! Itigil na natin to" bigla kong sinabi yun kasi nahihirapan ako. Nahihirapan ako sa sitwasyon namn. Sa gusto niyang mangyari. Ayoko! Respeto naman oh. "Bakit may iba na?" hindi na ko nag-isip pa sinabi ko nalang "oo may iba na" para matigil na. Hindi ibig sabihin na may iba na talaga. Mamatay man ako. Wala para matigil lang at magising siya sa pinaggagawa niya. Alam mo kung ano sinabi niya sakin "Hindi ko nga alam. sa lahat ng naging girlfriend ko hindi ka naman ganun kaganda" OUCH! biglang tumigil yung mundo ko. Grabe siya! No girl ever deserves to be told anything but that she's beautiful. Without saying a word I drop the call. IT'S OVER!
I cried several times. Ang sakit nun para sakin. So physical appearance lang pala minahal niya sakin. "Ang kapal ng mukha niya. Bakit sino ba siya? Akala mo napakagwapong lalaki ano? Ewan ko ba sayo Alex kung bakit sa dinami dami ng nanliligaw sayo siya pa yung nagustuhan mo?" sabi ng bestfriend ko. Now the side comments is coming out. "Alam mo nanahimik lang ako nung pinakilala mo siya. wala kang narinig mula sakin kasi alam ko at nakikita ko masaya ka sa kanya pero ang kapal talaga ng mukha niya para sabihin yun sayo. Bhabe maganda ka!" naiyak nalang ako lalo. Grabe si Uncle niyo bigyan niyo nga ng award! Tagos to the bone yung hirit niya sakin eh. Iyak nalang ginawa ko. Yakap yakap naman ako ng bestfriend ko.
4th year college tuloy pa rin ang laban ng buhay kolehiyala. Acad, Extra curriculars, at orgs dun nalang tumatakbo yung mundo ko. 1 month na ding lumipas yung masaklap na break up sa tanang buhay ko. Ikaw ba namang masabihang hindi naman ganun kagandahan. PWes! Di bale ipapakita ko sa kanya kung sino at ano ang sinayang at sinabihan niya ng ganun. Tsss.. Chin up Alex! kaya mo yan. Mapaglaro talaga ang tadhana si Mateo nagpaparamdam na naman. May pafruits, salad, o donuts pa siyang nalalaman. Hanggang sa paghatid at pagsundo kinareer na niya samahan mo pa ng may pakotse pa siya. One night, we decided na lumabas sinundo niya ko sa bahay ng tito ko as usual with his kotse at yun kain sa labas. Usap ganyan. Nung una medyo awkward kasi hindi ko alam kung ano pag-uuspan namin. And from there. Pumunta kaming CJH para tumambay imagine gabi na nun wala naman kaming ginawang masama nag-usap lang kami. Bumili kami ng beer. 4 lang naman na cans ng beer tigdalawa kami. Naglabas ako ng sama ng loob ko after ko maalala yung nangyari. "Pangit ba ko?". Kinomfort niya hanggang sa may hug na naganap my first ever hug sa guy. Oy! Wag kayong echos jan. Sabi ko sa inyo malaMaria Clara ang peg ko. First hug ko siya promise! We stayed like that for a couple minutes. Iba yung feeling may nafeel ba ko sa kanya? Ano meron ba? Hindi ko malaman. Eto na naman tayo eh. Lagi nalang akong hindi sigurado. After several days, ganun ang set up namin. Hanggang sa may field trip kami sa Ilocos for our Tour Guiding subject and he asked me kung pwede daw tabi kami kaso wala eh may katabi na ko nun. Bakit kaya ganun noh? Hmm. Anyways, pagdating namin ng Ilocos umiba yung ihip ng hangin siyempre mainit manggaling ka ba naman ng Baguio di ba? Haha lol pero seriously, umiba kasi may namumuong something sila nung isa kong kaibigan and to the fact na piniPair nga sila ng klase namin maski yung teacher namin. Ouch! Sakit ah yung tipong ikaw yung pinagpaparamdaman niya pero mas boto sila sa iba. Pero shut up nalang ako And so the tour guiding 101 begins! Masaya naman na nakakapagod. Nilibot namin ang Ilocos Sur at Norte. I love the Hidden garden and the Kalye Crisologo the best! Okay na sana kaso habang kumakain kami ng dinner hindi ko maiwasang mapatingin sa kanila. Yes I spotted them magkasama sinamahan pa nang "Bagay silang dalawa noh. May something na kaya sila?" nag-iwas ako ng tingin. Bakit ganun? Kung kelan may nakikita na kong chance. Susuklian ko na dapat eh. Siya yung isa sa rason kung bakit narealize ko yung worth ko nung kami pa ni Arc. Don't get me wrong. Hindi ko sinabi na siya ang dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay sa ex ko kasi may gusto na kong iba. Siya ang nagparealize sakin na mali yung tinatahak kong daan kasama si Arc na dapat mahalin ko muna ang sarili ko. Respeto sa sarili. Pero keri lang. Balikan lang din naman kami so matatapos din to. Babalik din ang lahat. A week after ng Ilocos trip namin. Bumalik nga kami sa dati. Bumalik nga ba? Kasi andun pa din yung mga pushers sa paligid. Tinutulak pa rin silang dalawa. Wala kasi may alam maliban samin at yung barkada niya I guess kung sino ba talaga gusto niya. Vocal naman siya sa nararamdaman niya para sakin which I appreciate it pero I want him to move kung hanggang saan ang kaya niya. We'll see!
4th year 2nd sem naging busy na ang lahat.. busy sa thesis. Shocks! Isabay mo pa yung Senior practicum. Madalang ko na makita si Mateo kasi busy rin sila sa pag-aasikaso sa ojt nila sa manila. Mas nauna kasi yung grupo nila natapos sa thesis kaya ojt na agad sila and wanna hear a funny thing? Magkagrupo sila ni Jade yung friend ko na nililink sa kanya. If you're curious, yes magkasama rin sila sa Manila for their ojt. Hindi lang naman silang dalawa mga 5 siguro sila sa iisang bahay. Aha! You heard me right iisang bahay po sila. Every day, and every night magkasama sila. Haaay! Ang lamig naman po. Yun yung nararamdaman ko kasi magdedecember na haha :D at hindi pa kami natatapos sa defense namin. Naku naman! Kailangan maihabol ko to bago ako makapag senior practicum kasi I decided na magUSA for my IOJT for a year matagal-tagal din yun. Panigurado delayed ako sa graduation pero okay lang opportunity naman eh. Opportunity only knocks on your door once. So grab it! Ilang gabi din kaming nagpuyat. Dugo't pawis ang inilaan namin para isang libro na to. at sa wakas bago pa man magChristmas break nakapagdefense din kami at revisions nalang kailangan. Haay! Thank you Lord kahit papano mababawasan din worries ko. Makakapagpasko ako ng mapayapa.
BINABASA MO ANG
My Untold Story
RomanceWho am I? Why am I writing this story? What's my story? I am a simple girl who doesn't care about the world. I don't mind what I look when I wear my comfy clothes. I don't care what people say. Yes I'm just a girl minding my own business. So do you...