28

452 28 10
                                    

"Okay, find your pair."

Alam niyo na kung anong subject yan diba? As usual, Math na naman.

"Haaay. Mas masaya siguro kung partner ko yung katabi ko ngayon. Tsk. Kaso mukhang galit pa siya sakin eh. Pa'no ba yan?"

May taong nagsasalita niyan sa gilid mo. At hindi lang siya basta "tao" sayo, masyado siyang importante para tawaging tao lang.

Napalingon ka naman kasi alam mo na ang ibig niyang sabihin.

"T-tinitingin mo diyan?" pambabara niya sayo.

Aba't---

"Ya! Anong karapatan mong sabihan ako niyan ha!" nag-attempt ka pang susuntukin mo siya pero naiwan mo lang yung kamay mo sa hangin.

Tumawa naman siya. Ay futa ang gwapo niya siguro!😍

"Okay, okay. Kalma." nawink pa siya sayo.

Susumbatan mo sana siya pero biglang nagsalita yung teacher niyo.

"Number one!"

***

Naglalakad kayo ngayon ni Samuel papunta sa bahay niyo. Ihahatid ka daw niya. Taray nga kasi siya pa ang nag-insist. Pambawi niya daw dun sa mga nagawa niya.

"Noona..."

"Hmm?"

Nagulat ka kasi bigla niyang hinigit yung kamay mo kaya napaharap ka sa kanya. Unlike those dramas, hindi kayo nagkatitigan nang matagal kasi panira ka.

"Bakit?"

Ngumiti naman siya.

Pero hindi lang yun.

Something you didn't expect just happened.






He hugged you.

"I missed you" sabi niya.

Syempre parang tatalon na yung puso mo pati pustiso ng lola niyo oh my gosh!

Mabuti nalang at nasa sidewalk kayo at wala masyadong tao ang dumadaan.

"I'm sorry." cinacaress na niya ngayon yung buhok mo.

As much as possible, gusto mong lumayo sa kanya kasi ayaw mong mabisto yung puso mong sobrang ingay na. Pero pag lumalayo ka naman, hinahatak ka niya pabalik kaya wala kang magawa kung di hindi gumalaw.

"Wag ka na ulit lumayo ah. Di ko kakayanin."

'Litsing bata huhuhu panindigan mo kong putek ka' yan ang tumatakbo sa utak mo ngayon.

"Tara na. Baka maabutan pa tayo ng ulan."

Siya ang unang kumawala sa yakap niyo tapos hinawakan niya yung kamay mo saka nagpatuloy na sa paglalakad.

'Ugh, why do you have to be like this?'

Noonazoned | Kim SamuelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon