40

494 24 4
                                    

[SOMI]

"sa'n na yung panget na kano?" -bulyaw ni Mark pagdating niya.

Gago talaga to eh. Kung makapanget siya kay Vernon, kala niya di siya nilibre nun.

"Mas panget ka sa kanya. Tsaka sinabi ko lang yun para lumabas ka na diyan. Bayaran mo na to."

Inabot ko na sa kanya yung lalagyan nung bill. Malugod niya namang tinanggap at nilagyan ng--- 500 PESOS? aba improving ah. Akala ko ba kuripot tong isang to.

"Tara na." sabi niya at dumiretso na papunta sa labas, sumabay naman ako sa kanya.

Nasa labas na kami nung cafe kaya...

"Ah!" daing niya. "Sorry naman."

"Alam mo bang muntik na akong atakehin sa puso kasi akala ko tinakasan mo na naman ako!"

"Tara dun!" -sigaw niya at tinuro yung di-gaanong malayong amusement park. Mukha siyang bata habang hinihila-hila yung laylayan ng uniform ko.

Napatingin naman ako sa oras.

"Pumunta ka mag-isa mo. May klase pa ako."

Aalis na sana ako pero hinatak niya ako pabalik.

"Ngayon lang naman."

Nagpout. Ampotek. Kala niya naman kinacute niya.

"Tsaka kukumpletuhin ko yung bayad ko sayo. Oh diba? Ang bait ko kasi ako pa ang nagpaalala sayo." ay oo nga no.
"Pero hindi talaga pwede kasi may klase pa ako."

Nagulat naman ako nung hinay-hinay niyang ibinaba yung kamay niyang nakahawak sakin at nag-iba yung aura niya. First time ko siyang makitang down na down na ganito. Well, bago pa lang kaming magkakilala pero parang feeling ko matagal na.

Inignore ko lang siya at nagsimula nang maglakad.

"Gusto lang naman kitang makasama habang may oras pa ako dito sa mundo, eh kaso parang ayaw mo nga ata talaga sa'kin."

Napatigil naman ako sa paglalakad at hinarap ko siya. Naguguluhan talaga ako pero naiintindihan ko naman yung sinabi niya. Habang may oras pa siya dito sa mundo? Talaga bang...

"Tss. Ngayon lang to, tara na nga."

Hindi ko alam kung bakit pumayag eh samantalang binibwisit lang naman niya ako palagi. Tsk. Weird.

***

"F-ferris wheel? sigurado ka ba diyan?"

Eh kasi naman, takot ang lola niyo sa heights. T.T

"Nakabili na ako ng ticket, syempre oo." sabi niya sabay hatak sa'kin.

"Ina mo, hinay-hinay nga!"

Nakapasok na kami dun sa loob. Leche natatakot talaga ako huhuhu. Plus, mahiluhin pa ako kaya ewan ko.nalang.

"Ama namin sumasalangit ka..." nagrecite na ako ng Ama Namin habang nakapikit.

Rinig ko namang tumatawa ang nasa harap ko kaya napadilat ako.

"Wag ka ngang tumawa! Nabwi-bwisit ako naknang putspa ka!"

"pfffft tingnan mo nga yang sarili mo. HAHAHA sa pagkakaalam ko hindi pinoy si spiderman. HAHAHA!"

Napatingin naman ako sa sarili kong mukhang gagong nakaspread arms. Ugh bwisit!

"Tumigil k--- WAAAAAH!"

Napayakap ako sa sarili ko.

Pa'no ba naman kasi? Nagstart ng gumalaw yung ferris wheel! Pasensya na sa lahat ng mga kasalan ko, Lord. Hindi na po ako magmumura---

"Ay putangina!"

Ginagalaw kasi ni Mark yung sinasakyan namin kaya nenerbyos ako ng bongga.

"Relax okay, nasa baba pa lang tayo. Pfffft"

Sige, tumawa ka pa. Mabulunan ka sana.

*cough* *cough*

Ay ang galing! Di ko na pala kailangan ng Voodoo Doll para kulamin tong hampas lupang to. Hihihi.

"HAHAHA!" siya naman yung tinawanan ko.

Napansin ko siyang ngumiti pero nung tiningnan ko siya, hindi naman. Guni-guni ko lang ata.

"Flat flat flat flat flat flat"

Huta bastos to ah!

"Hoy nakakasakit ka na ah!"

"Sinabi ko bang ikaw? Feeler ka masyado. Palibhasa kasi, sapul ka."

Binatukan ko siya. Gago lalaitin niya naman yung hinaharap ko.

Tumatawa na naman siya kaya inignore ko na.

Kaso bigla naman siyang nagjoke at in all fairness, magaling siya magjoke. Yun nga lang kailangan ng striktong patnubay at gabay ng magulang para sa mga batang mambabasa kasi lakas makadirty jokes ng mokong.

"Tumingin ka sa baba." sabi niya.

Di ko namalayang nasa tuktok na pala kami ng ferris. Nanayo naman lahat ng balahibo ko. First time kong pumunta dito. Syempre, natatakot ako pero hindi kagaya ng takot na ini expect ko.

"Ganda no?" tanong niya.

Napatango nalang ako habang nakatingin sa baba.

May sinabi siya pero di ko narinig.

"Ano yun?"

Ngumiti lang siya tapos bumalik ulit sa pag tingin sa baba.

"Ah Mark..."

"Hmm?"

"Yung sinabi mo kanina... totoo ba yun?"

Kanina ko pa talaga siya gustong kausapin tungkol dito pero ngayon lang ako nakatiyempo.

Nilingon niya ako.

"Hindi."

"ANO?! SO JOKE LANG YUN, GANUN?!"

"Oo. Para sumama ka no. Tingnan mo naman, effective.😌"

"Walangya ka! Akala mo ba magandang joke yun?!"

"Syempre hindi, pero yun lang naman ang magagawa ko para sumama ka."

"You're crazy. Really really crazy."

Alam niyo yung grabe yung konsensya ko nung sinabi niya yun tapos ngayon sasabihin niyang joke lang yun? Umabsent pa ako para lang sa kanya pero... Ugh. May sakit ata to sa utak.

"Sorry na. Gusto ko lang namang magpakasaya kasi birthday ko ngayon."

Ayan na naman siya sa nakakakonsenya niyang mukha.

"Tsk. Ang drama mo ew." pambabara ko sa kanya.

Okay, binabawi ko na yung mga sinabi ko. This time, mukhang sincere ata siya sa pagkakasabi niya kaya naniwala na ako. Tsaka chineck ko rin yung messenger ko, birthday nga niya. Ngayon ko lang napansin.

"Happy Birthday" nginitian ko siya.

"flat ka pa rin. HAHAHA!"

"Aba!"

At ayun, nag-ingay na naman kami dun sa loob.

Noonazoned | Kim SamuelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon