Wakas
Humalakhak ang matanda nang makita ang lito naming mukha. Gustong gusto niya ito eh, ang mabilog kami at maniwala na may alam siya sa nangyayari. Sinisira lamang niya kami.
"Ganyan nga! Isipin niyong mabuti kung sino ang naging totoo sa inyong lahat." Madiin niyang sabi.
Huminga ako ng malalim. Ang lagkit ng pawis ko ay malayang lumalandas sa aking mukha. Pumikit ako ng mariin para pakalmahin ang aking sarili. Naramdaman ko ang mainit na likidong lumabas sa aking mga mata. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huli kong iyak. Pakiramdam ko ay ang hina ko ngayong oras na ito.
"Guys... don't fucking trust this retard." Mahina kong sabi na kahit ako ay hindi ko marinig.
Pagod na akong lumaban para sa amin. Pagod na akong maging matapang. Ngunit alam kong hindi ngayon ang panahon para ipakita iyon sa kanila. Kailangan ko pa ring maging matapang at malakas.
"Dalaga..." bulong niya habang papalapit siya sa akin. Hinawakan niya ang aking buhok at pinapaikutan niya ako.
Nanginig ang buong katawan ko habang ginagawa niya iyon. Minulat ko ang aking mata at saktong nasa harap ko na siya at kitang kita ko ang galit sa kaniyang mukha.
"What do you want? Ang masira kami?" Mahinahon kong tanong.
"You know exactly what I want, dalaga..." ang kaniyang ngisi ay napawi. Hinigpitan niya ang hawak niya sa aking buhok at marahas na hinila iyon, dahilan kung bakit napatingala ako.
"W-wha-"
"Tama na ang pagmamaang-maangan, Doe!" Napapikit ako sa lakas ng sigaw niya. Hinila pa niyang mabuti ang aking buhok.
Narinig ko si Pine na gusto akong lapitan ngunit hindi nila magawa. Hindi nila ako kayang tulungan. Isa isa ko silang tinignan at tanging awa lamang sa mga mata nila ang nakita ko. Tumagal ang tingin ko kay Silver sa pagaakalang ililigtas niya ako ngunit mahigpit pa rin ang hawak niya sa kamay ni Pine.
Tinignan ko ang matanda, "K-kung ano ang gusto mong gawin sa akin, gawin mo na..."
"Doe!" Pigil nila.
Hanggang ganyan lang naman sila eh. Hanggang pigil lang ngunit hindi nila kayang lumaban.
"Matapang ka, Dalaga..."
Buong akala ko papatayin na niya ako. Nakahinga ako ng malalim nang bigla niyang binitawan ang buhok ko. Halos madapa ako sa harap ni Slate nang itapon niya ako roon.
"Sasamahan ko kayo kung saan ang mga kaibigan niyo. At hwag niyo sabihin sa akin mamaya na hindi ko kayo binigyan ng pagkakataong patayin ang taong salarin..."
Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kaniya. Nagsimula na siyang maglakad at ni-isa sa amin ay hindi sumunod sa kaniya. Tinignan nila ako na parang hinihintay ang desisyon ko kung maniniwala ba kami at susundan namin ang matanda o hindi.
Ginalaw ko ang kanan kong paa at sumunod ang kaliwa. Tanda na susunod kami sa matanda. Tahimik lamang kami habang naglalakad at walang ibang maririnig kundi ang kaluskos ng mga damong natatapakan namin.
"Doe, are you alright?" Rinig kong tanong sa akin ni Pine ngunit hindi ko siya pinansin.
Hangga't maaari ay ayaw kong sumbatan sila sa mga nagawa nila kaya mas mabuting tumahimik na lamang ako. Hindi na nasundan ang tanong niya nang maramdaman niyang hindi ako sasagot sa kahit na anong itatanong niya.
Nataranta kami nang marinig naming muli ang sigaw at iyak ng mga kaibigan namin. Alam ko! Sigurado akong sina Goldie iyon! Hindi ako pwedeng magkamali kaya napatingin ako sa matanda. Nagulat ako nang maabutan kong nakatingin din siya sa akin at nakangisi.
BINABASA MO ANG
The Camp
Mystery / ThrillerOnce you've explored the woods... You'll only have two choices. To kill... Or be killed. Date started: January 20, 2017 Date ended: April 20, 2017 Book cover: PinkuXtel ♡